Mhelcah's POV Wala akong balak na buksan pero may tumutulak sa akin na basahin ko na ito. Biglang bumilis ang t*bok ng puso ko. Habang binubuksan ko ang sulat ay maraming pumapasok sa isipan ko. Bakit kailangan pa niyang gumawa nitong sulat? Bakit hindi na lang niya sinabi sa akin. Kinakabahan ako na natatakot. Nanlalamig ang mga paa at kamay ko. "Bakit inay? Ano ito?" Kausap ko sa sulat na hawak ko. Unti-unti kong binuksan ang sulat. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang binubuksan ko ito. "PARA SA MAGANDA KONG ANAK NA SI MHELCAH" Basa ko sa unang mga salitang nakasulat. Napangiti naman ako. Palagi na lang kasi niyang sinasabi na maganda ako. "ANAK, Hindi ko alam, kung paano ko ba ito sisimulan. Natatakot ako sa magiging reaksiyon mo. Natatakot ako na kamuhian mo ako, na kamuhian

