"Ladies and gentlemen, let's welcome the return of our very own CEO MR. SIMON BLAKE." Pakilala nang emcee. Hindi makapaniwala si Samantha sa kanyang narinig at nakita. Ang driver nila isang CEO nang isang malaking kumpanya. Ibang-iba na ang mukha nito ngayon. Wala na ang balbas ang malinis na ang gupit ng kanyang buhok. Biglang natuwa si Samantha pero kaagad rin itong napalitan ng lungkot noong maalala niya na may pamilya na ito. Biglang kinabahan si Samantha dahil tumingin sa kanyang direksyon si Simon. "Miss, punta na po kayo sa stage." Sabi nang isang lalaki sa kanya. "Okay po," sagot niya dito. Huminga muna ng malalim si Samantha bago umakyat sa taas nang stage. Balak ni Samantha na mag-piano habang kumakanta. Gusto nitong kantahin ang kantang sinulat niya three months ago. Noong

