~~~>
Masaya ang mga lumipas na araw na naging opisyal na kami na ni Matt. Walang araw na hindi ako nito dinadalaw sa bahay at sinasamahan sa pagtitinda sa may tulay tuwing gabi.
Ilang beses na ring may mangyari saamin mula nung Nangyari yung una. At masasabi kong nahuhulog na ako ng husto sakanya. Mahal ko na ito ng sobra.
Hindi lingid ang relasyon namin ni Matt kay Mira ngunit kay Nanay ay hindi pa namin nasasabi. Takot ako na baka hindi magustuhan at di matanggap ni Nanay ang relasyon namin kaya pinakiusapan ko si Matt na ilihim muna dito pansamantala at sinabing kukuha muna ako ng tamang pagkakataon na masabi dito ang relasyon namin na agad namang nirespeto ni Matt.
"three or more days lang ako doon Baby" Pagpapaalam ni Matt sakin. Aalis daw kase ito at may aasikasuhin lang sa kung saan.
"Ganon katagal?" Nakanguso kong tanong.
"You're so cute. Hmm yes madami kasing papel na kailangan kong asikasuhin. You know for our future" Anito na nakangiti saka ako hinapit sa baywang at niyakap patagilid.
"Maghahanap kana talaga ng stable mong work ah?" Paniniguro ko dito na mabilis nyang tinanguan kaya napapangiti akong yumakap din dito.
Ang paalam nito ay babalik ito sa dating probinsya nya at may kukunin daw na mahalagang papeles para sa trabahong aaplayan nya. Maghahanap na daw ito ng regular na trabaho dahil gusto na daw nito ang lumagay sa tahimik kasama ako.
Natiro kami ngayon sa may tulay kung saan ang pwesto ko. May laban ito ngayon na huli na daw nyang sasalihan kaya may kalakian ang premyo ng malaman ng mga organizer ng karera ang planong pagtigil ni Matt sa pangangarera.
May mangilan ngilan pa nga na gustong kunin si Matt at gawin ito profesional racer ngunit tinatanggihan palagi ni Matt dahil ayaw daw nya ang ganon yung na eexpose daw ang mukha sa kung saan mang dyaryo at telebisyon.
"Hey Dude! What's up?" Bigla ay bungad ng isang lalake kay Matt kaya napatingin ako dito.
Ito yung lalakeng kaibigan ni Matt na nagpunta sa bahay nito noon.
"Hey! How are you Tobby?" Nakangiting baling din ni Matt dito ng mapagsino ito.
"I'm good as well.. how about you?" Sagot nito at nag akbayan pa ang mga ito.
"I'm also good" Nakangiting tipid na sagot ni Matt dito.
Napapa nganga akong nakatitig sa mga ito habang nag uusap sila. Sa wari ko ay may kaya itong si Tobby dahil sa tindig at itsura palang nito, ngunit kataka takang malaman at mapagmasdan si Matt na parang gamay nito ang bawat kilos ng lalaki , maging ang pananalita nito na purong ingles ang sinasabi.
Oo nga't pala ingles si Matt ngunit ngayon ko lang ito narinig na ganito ka deretso at parang hindi nahihirapan makisabayan sa purong salitang ingles.
May punto ang pananalita nitong si Tobby. Sa wari ko ay may ibang lahi ito at hindi naman iyon mapagkakaila dahil sa kulay asul palang nitong mata ay alam mo ng may halong ibang lahi ang pagkatao nito.
Pero kung susumain ay parang pareha lang sila ni Matt. Sa una din kaseng tingin kay Matt ay alam mo na din na may ibang lahi ito lalo na't kulay abo naman ang mga mata nito.
"By the way, this is Zamara. My girlfriend" Pagkuwan ay pakilala ni Matt sakin sa kausap nito kaya kahit nahihiya man ay naglahad ako ng kamay dito para makipagkamayan.
"Ohh... She's the girl that i met in your house a months ago right?" Nakangiting tanong nito kay Matt na agad namang tinanguan nito kaya kinuha nito ang kamay ko at nakipag shake hands.
"Hi Zamara nice meeting you again, I'm Tobby Sivestre, Matt's bestfriend" Pakilala nito na nginitian ko agad.
"Ah eh.. Nice meeting you din Tobby" Nahihiya kong sabi saka binawi agad ang kamay ko na mukhang walang balak bitawan.
Natatawa itong binitawan iyon ng makitang binabawi na sakanya sabay kamot ng batok.
"Can i barrow him in a minute?" Pagkuwan ay tanong ni Tobby sakin na tinitukoy ay si Matt
"Naku! Okay lang sige lang , take your time" Nahihiya kong pagsang ayon dito.
"I'll be back before the game start" Bulong ni Matt sakin at hinalikan ako sa may sentido bago ito sumunod sa kaibigan na nauna ng maglakad palayo.
Madami dami ang mga tao ngayon dahil ang balita ay parang huli ng karera ito dahil nga sa napapabalitang pag alis ni Matt. Madaming nalungkot na halos mga kababaihan dahil daw hindi na nila masisilayan ang kagwapuan nito tuwing gabi.
"Pssh! Parang mangingibang bansa ang Boyfriend ko e, titigil lang naman sa pangangarera" Inis kong bulong ng may marinig na mga babae na nagkukwentuhan tungkol sa pagalis ni Matt.
"Heto pa! Ang sabi ni bianca ay anak mayaman daw talaga si Papa Matt" Tumitiling pagpapatuloy nung babae na narinig ko.
"Naku! Wag na tayong magtaka don dahil sa itsura palang mukha ng may sinasabi sa buhay"
"Hoy heto pa! Nandito din si Tobby Selvestre, yung sikat na Business tycoon sa buong bansa!"
"Oo girl! Kasama sya ni Papa Matt kanina at take note mukhang close na close sila"
"O diba? i told you mayaman si Papa Matt, Kaibigan palang Bongga na"
Dinig kong usapan ng mga ito habang ang paningin ay tutok sa mga bumibili. Nakunot ang noo ko sa mga narinig.
"Paanong mayaman? E wala ngang stable na trabaho" Nakanguso kong bulong sa sarili habang nagbibigay ng sukli sa bumubili.
"Miss! Maganda ka sana sako mukhang may sayad ka" Anang Lalakeng bumubili ng yosi sakin.
"Ano kamo?!" Napapataas kong kilay na tanong dito.
Loko to ah!
"Kinakausap mo kase sarili mo" Anito na kina ngiwi ko bigla.
"A-ano bang pake mo?" Napapahiyang pagtataray ko dito na inilingan nalang niya sabay alis sa harap ko matapos nitong bumili.
Napapa buntong hininga akong naupo sa silya ko ng wala ng bumibili. Dinig ko na din ang pag anunsyo ng emcee sa mikropono, hudyat na magsisimula na ang paligsahan.
Halos lahat na ng mga tao na nadito ay nagkanya kanya ng pwesto malapit sa kalsada kung saan gaganapin ang karera ngunit wala paring Matt na bumabalik dito at magpapaalam na sasalang na ito sa laro.
Nakasanayan ko na kase iyon na bago ito sumabak sa paligsahan ay magpapaalam muna ito sakin at hahalik bago ito umalis. Lucky charm daw nya iyon kaya lagi itong panalo.
Sus! Dati na yang nananalo Mara! Wag assuming..
"3......2......1........go!" Dinig kong anunsyo ng Emcee hudyat na nagsimula na ang pagligdahan.
"hindi na ako binalikan? Basta nalang tumuloy sa laban?" Nakasimangot kong kausap sa sarili ko at nagmamaktol na naupo sa silya ko at doon na hinintay ang pagtatapos ng karera
Memoryado ko na ang bilang ng oras sa kareka, minsan ay nasa dalawang oras o higit pa ang oras ng laban, pero mas madalas ay wala pang eksaktong dalawang oras ay tapus na lalo na't kasali si Matt sa paligsahan.
Sa sobrang bilis ba naman nitong magpatakbo ng Motor na para bang humihiwalay ang kaluluwa mo sa katawan mo. Kaya paniguradong mananalo ito.
"Mara! Mara!" Nagulat ako sa biglaang pagtawag at paglapit ni Aling yebes sakin.
Sa itsura nito ay parang natataranta at na byernesanto ang mukha nito dahil sa obrang asim este paghabol ng hininga dahil humahangos ito.
"May problema po ba aling yebes?" Tanong ko dito at binigyan ito ng maiinom na agad nyang tinanggap at ininom bago ako sagutin sa tanong ko.
"Yung....yung kapatid mo sinugod ng nanay mo sa ospital" Hinihingal man ay pinilit nitong maitawid ng maayos ang sasabihin.
"Ano po!?" Napapataas kong tono na tanong dahil sa pagkabigla sa sinabi nito.
"Kanina pa daw ito nilalagnat at ngayon ay kinukumbulsyon na kaya dinala na ng Nanay mo si Mira sa ospital" Paliwanag nito na lalong nagpagulat sakin.
Walang anu ano'y nag umpisa na akong magligpit at tinulungan ako ni Aling yebes para mabilis ko itong matapos at makapunta na agad sa ospital.
Iniwan ko muna sa pwesto nya ang basket ko para makarating na agad sa ospital. Ni hindi na ako nakapagpaalam kay Matt dahil sa taranta at nakasalang pa naman ito sa karera
Lakad takbo ang ginawa ko makarating lang sa sakayan ng jeep papuntang bayan, ngunit dahil hating gabi na ay wala na akong mamataan na sasakyan.
Nagliwanag ang mukha ko ng may isang kotse ang tumigil sa harap ko at bumaba ang bintaya nyon na nasa may likuran ng sasakyan
"Are you looking for a ride?"Anang matandang lalaki na nabungaran ko sa bintana.
Nahihiyaman ay nilakasan kona ang loob ko at kinapalan ang mukha para sa kapatid ko.
"Pwede po ba akong makisakay kahit sa may bayan lang ho" Nahihiya at mahina kong sabi dito.
Napatingin muna ito sa driver nya at may sinabi ito na hindi ko maintindian bago bumaling ulit saakin.
"Sure ija" Nakangiting sagot nito at pinagbuksan nya ako ng pinto saka ito umusog para makapasok at makaupo ako sa tabi nya.
"Maraming salamat po" Nangingiti kong pagpapasalamat dito at dali daling sumampa sa sasakyan nito.
Nang maisara ko na ang pintuan ay pinaandar na agad ng driver ang sasakyan paalis.
"Why are you in hurry? Saan ba ang punta mo ija?" May pag aalala sa tono nito na tanong kaya napatitig ako dito.
Kinakabahan man dahil hindi ko ito kilala ay mayron sakin na nagsasabing mabait ito at wala itong gagawin saking masama.
"Sa..sa ospital ho sana" Nahihiya kong sagot na kinatango tango nya.
"Wich ospital? The Main or the public ospital?" Tanong ulit nito na hindi ko agad nasagot dahil kahit ako ay hindi alam kung saan nga bang ospital dinala ni nanay si Mira.
"Don i think in the public ospital" Suhestyon ng driver nya na nakasilip sa salamin na nasa harapan nito.
Pinakatitigan nito ang itsura ko bago nya iyon sinabi sa matanda. Sa wari ko ay binasehan nya ang itsura at pananamit ko kaya nasabi nyang sa public ospital lang dinala ni Nanay si Mira.
Kung sabagay ay bakit pa nga ba ako magtataka gayung alam ko naman na wala kaming ipambabayad sa Main Ospitaal para ipagamot si Mira doon. Baka nga sa Public ay wala din kaming maipambabayad kung sakali.
"Okay we will drop her to the public ospital" Pagkuwan ay sabi ng matanda sa driver nito na agad naman niyon tinanguan.
"Naku! Wag na ho. Pagdating sa bayan ay may masasakyan na akong tricycle kaya doon nalang po" Nahihiya kong pagtanggi dito kaya napa aling ang tingin nito sakin.
Bahagyang itinagilid nito ang ulo at pinakatitigan ako. Sa wari ko ay sinusuri nito ang kauohan ko ngunit sa huli ay ngumiti ito.
"No it's okay ija we can drop you there" Anito sa nakangiting paraan.
"Nakakahiya po sainyo baka po may importate pa kayong lalakarin at naistorbi ko po kayo" Napapahiyang sabi ko sabay yuko sa mga kamay ko na nakapatong sa hita ko
"Actaully we're on our way to home. But it seems like there's a beautiful lady who needs our help, Why not?" Tunog banyaga man ay mababakasan naman ang pagka pilipino sa itsura nito ngunit lamang ang pagkabanyaga.
"Nakakahiya po talaga Pero sige hindi ko na po tatangihan ang alok ninyo" Kinapalan ko na ang mukha kong sabi na kinangiti ng matanda.
Wala ng nagbalak pa na magsalita pa at dahil sa katahimikan ay mabilis na naming narating at public ospital. Ibinaba nila ako sa harap mismo ng ospital kaya di na ako mahihirapan na tumawid pa ng kalsada kung sakaling ibinaba nila ako sa highway.
"Maraming maraming salamat po talaga sainyo" Pagpapasalamat ko dito ng makababa ng sasakyan at tumunghay sa nakababang binta para magpasalamat.
"You're welcome ija" Nakangiting sagot nito at kinawayan pa ako nito bago sila umalis ng tuluyan.
Pagkaalis ng mga ito ay mabilis kong tinakbo ang entrance ng ospital at tinungo agad ang nurse station.
"Good evening po pwede ko po bang malaman kung anong floor at room number si Zaimira Guevarra?" Tanong ko sa nurse na naka upo sa deck i formation.
"Okay wait lang po titignan ko" Anito at nagtitipa sa computer na nasa harapan nito.
Wala pang limang minuto ay binalingan na ako nito
"Sa 3rd floor po sa may ward room 307 po" Nakangiting sabi nito na ginantihan ko din ng ngiti at mabilis na nagpasalamat bago patakbong nilapitan ang elevator
Sana ay ayos lang po ang kapatid ko.....