CHAPTER-2

1880 Words
~~~~~~~~~~ "Mara!" Tawag ni Nanay sakin "Mara!" Muling tawag nya ng hindi ako sumagot. Nasa banyo kase ako, Naliligo kaya hindi ko ito mapuntahan. "Aba Mara! Hindi mo ba ako naririnig?" Sigaw nito sabay kalabog sa pintuan ng banyo. "Teka lang Nay patapos na po ako" Sagot ko dito at mabilis na nagtugtuog ng tubig sa katawan Nang matapos sa pagligo ay tinungo ko agad ang kusina kahit hindi pa ako nakakapagbihis at tanging tuwalya lang ang nakatapis sa katawan ko. "Bakit ho Nay?" Tanong ko dito ng mabungaran ito sa mesa habang may tinititigan na bagay na nasa kamay nya. "Nakita ko ito doon sa bulsa ng Pantalon mo, kanino ito?" Tanong nito sabay taas ng kamay nyang may hawak na RELO? RELO? Ay gaga yung relo ni Matt yun, nakalimutan kong isauli nung nakaraan. "Ah doon sa kakilala ko lang yan Nay, Pinatago pero kukunin din" Palusot ko nalang dito. "Nabasa ko kase, Nasama dun sa mga labahan ko baka nasira ko mukha pa naman mamahalin" Pagkuwan ay sabi nito na kinanlaki ng mga mata ko at sa gulag ay agad kong hinablot sa kamay nya ang relo. Shet! Baka masira nga patay ako neto! Patakbo akong pumasok sa kwarto ko at inilapag muna ang relo sa higaan ko para makapagbihis bago ko ito suriin kung gumagana paba o hindi na. Nang matapos sa pagbibihis ay sinuri ko na ito. Hindi na gumagalaw yung kamay ng orasan kaya lalo akong nag panic dahil baka nga nasira na ito dahil nabasa sa tubig. "Langya oh! Wala akong ipambabayad sa may ari nito. Gumana kana please" Kausap ko sa relo habang kinakalikot ito para mapaandar. May isang oras ko na rin itong kinakalikot ngunit wala man lang naging respond ang relo kaya sa tingin ko ay nasira na nga ito ng tuluyan. Napatampal nalang ako sa sarili kong noo dahil sa kawalan ng magawa "Mira! May naghahanap sayo sa labas" Pagkuwan ay sabi ni Nanay na nasa bungad ng kwarto ko. "Sino ho?" Takang tanong ko dahil wala naman akong inaasahan na bisita at alas nuebe na ng gabi "Hindi ko kilala pero gwapo" Anito na kina kunot ng noo ko. "Gwapo? E wala namang gwapo dito sa baryo natin" Natatawang sabi ko na kinatawa din ni Nanay. "Hindi ko nga kilala, Lumabas ka dyan at tignan mo kung sino. Aalis na ako" Anito at tuluyan na ngang umalis si Nanay sa tapat ng kwarto ko bitbit ang basket na naglalaman ng paninda nyang balot. Dahil sa pagtataka ay ibinulsa ko nalang muna ang relong hawak ko at saka ako lumabas ng bahay para makita ang sinasabi ni Nanay. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagsino ito na nasa tapat ng bahay namin ngayon. Tatlong araw na kase ang nakakaraan mula nung una at huli kaming magkita nito kaya gulat akong makita ito ngayon. "Matt?" Patanong kong pagtawag sa pangalan nya kaya napatingin sya sa gawi ko. "Hi Zamara" Bati nito ng makalapit na ako sa kinaroroonan nya. "Hi. Napadalaw ka? Gabi na ah?" Tanong ko dito. "Ahh sorry to disturb you. Kukunin ko lang sana yung relo ko, wala na naman akong atraso sayo diba?" Kamot ulong sabi nito na kina aligaga ko at di mapakaling nag iwas ng tingin "Ah kase Matt.. Y-yung... yung relo mo ayaw ng umandar" Kinakabaan kong sabi dito na nagpakunot ng noo nya "What do you mean?" Takang tanong nya. "Si Nanay kase naisama nya sa labahan nya kaya ayun...Nabasa" Kamot ulo kong sagot at nahihiya akong tumitig sakanya na nakangiti lang. Nakangiti? "Can i see it?" Pagkuwan ay tanong nito kaya mabilis kong inilabas iyon sa bulsa ng short ko at nanginginig ang mga kamay kong inabot iyon sakanya "Pasensya kana. Kanina ko pa nga ginagawan ng paraan kaso ay ayaw talagang gumana" Nahihiya kong sabi dito saka ako tumungo. Narinig ko itong kinalikot niya ang relo saka ito tumunog ng Click kaya napaangat ang tingin ko dito na ngayon ay sinusuot na nya "Okay na sya" Nakangiting sabi nito na kinagulat ko. "T-talaga? Patingin?" Nahihiya man ay kinapalan ko na ang mukha ko para makasigurado na ayos na nga iyon. Wala akong Pambayad doon no! At sa gulat at tuwa ko ay napapalakpak ako ng makita kong gumagana na nga iyon. "Ang galing naman. Pano mo yun nagawa?" Natutuwa at namamangha kong tanong dito "It's a water proof watch. Pag nabasa kase sya automatic na mag pa-power off sya kaya need lang i on para gumana ulit" Nakangiting paliwanag nito na kina tanga ko. Anu daw? "Di ko man maintindihan pero okay na din atleas diko nasira. hehehe" Nakangiwi at kakamot kamot ulo kong sabi na kinatawa nya. "Ang cute mo naman" Pagkuwan ay sabi nito matapos nyang tumawa kaya namula bigla ang mukha ko. "Ku-kumain kana ba?" Pag iiba ko sa usapan namin dahil di ako komportable. "Ah yes. i have to go na rin may lakad pa ako, dinaanan ko lang talaga itong relo ko" Sagot nito at nagpaalam na din na aalis na kaya tinanguan ko nalang sya Nang nakaalis na ito ay nag lock na ako ng gate namin na gawa sa yero at pumasok na sa loob para makapagpahinga narin dahil alasdiyes na ng gabi. ------------ Kinaumagaan ay hindi ko nadatnan si Nanay sa kusina na nakasanayan na nitong maagang nagtatatalak pag tinanghali ng gising. Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding at 8:25 na ng umaga iyon kaya lalo akong nagtaka dahil wala parin akong naririnig na talak ni Nanay kaya napag pasyahan ko itong silipin sa kwarto nila ni Mira. Nang makapasok sa loob ay si Mira lang ang nadatnan ko doon at mahimbing pa itong natutulog, kaya minabuti ko nalang na lumabas na ulit at baka ay magising ko pa ang kapatid ko. "Asan kaya si Nanay?" Tanong ko sa sarili ng makalabas ng kwarto nila Lumabas ako ng bahay sa pagbabakasali na nasa labas ito at nagwawalis ngunit walang tao roon. Tinungo ko ang likod bahay at baka kako ay nasa likod at naglalaba lang , pero ng makarating doon ay wala din akong nakita ni anino nito "Saan nanaman kaya nagsusuot ang Nanay ko?" Tanong ko ulit sa sarili ko at nagpasya ng pumasok sa loob para makapagluto na sana ng biglang may marinig akong kumakatok sa pintuan. "Mara! Mara!" Tinig ni Aling Yebeng yon kung kapitbahay namin at kasa kasama ni Nanay magtinda sa may tulay. "Oh Aling yebeng! Ano hong atin?" Tanong ko dito ng mapagbuksan ko ito ng pinto. "Yung Nanay mo! Ginegera nanaman ni Marietta sa may kanto" Anito na nagpaaligaga sakin at walang anu anoy patakbo akong lumabas ng bahay para mapuntahan si Nanay. Kumpulan ng tao ang nadatnan ko ng makarating sa kanto ng eskinita namin at ayun nga ay pinagtutulungan si Nanay ni Marietta at ang anak nitong maldita na si Marian. "Hoy! Bitawan nyo ang Nanay ko!" Sigaw ko sa mga ito na nagpatigil sa kanila at sakin na tuon ang atensyon nila Kaya kinuha ko ang pagkakataon para malapitan ang Nanay ko at tulungan ito. "Eto na pala ang pakialamerang anak ni Mildred" Maarteng sabi ni Marietta habang inaayos nito ang gulo gulong buhok nya at ng anak nya. "Ano nanaman itong eksena nyong mag ina ah?" Inis kong tanong sa mga ito habang pinapagpag ang damit ng Nanay ko na nagkaron ng putik at dumi. "Yang Nanay mo nilalandi nanaman ang asawa ko!" Sagot nito na kina tawa ko ng malakas. "Ang Nanay ko pa talaga ah! Sa pagkakaalam ko ata ay ikaw ang lumandi sa Tatay ko kaya ka nga nabuntis at pinanganak mo yang anak mong sing Maldita mo" Mahabang lintaya ko dito na nagpa usok lalo ng ilong nya at maging ng anak nya "How dare you! Bunga ako ng pagmamahalan nila daddy at Mommy no!" Maarteng depensa ni Marian na kina ngiwi ko. "Anong pagmamahal? Ni hindi ka nga kamukha ng Tatay ko, Baka nga iba pa ang tatay mo dahil hitad yang Nanay mo" Sagot ko dito ngunit gulat ako ng may biglang sumampal sa mukha ko kaya napahawak ako doon saka ko tinignan ang may gawa non "Bawiin mo yang sinabi mo" Bigla ay sabad ni Tatay na diko namalayan na nasa harap ko na pala. "Bakit ko ho babawiin? E totoo naman po ang sinasabi ko" Naiiyak kong sagot dito at akmang sasaktan nanaman sana nya ako ngunit pumagitna si Nanay saamin. "Subukan mong saktan ang anak mo Roger!" Banta ni Nanay dito kaya yung kamay ni Tatay na nakataas at handa ng ihambalos sakin ay naibaba nalang nya. "KAYONG LAHAT NA NARIRITO MAKINIG KAYONG MABUTI! ANG MAG INANG YAN ANG NANINIRA NG MAY PAMILYA AT HINDI KAMI. KAMI ANG ORIHINAL NA PAMILYA NG LALAKING ITO KAYA TIGILAN NYO NA ANG PAGTSITSISMIS SAAMIN NA NANINIRA KAMI NG PAMILYA" anunso ni Nanay sa mga taong nakiki usyoso sa gulo na ito. Samut sari ang mga komentong maririnig mo mula sakanila. Yung iba ay gulat at yung mga iba naman ay parang alam na talaga ang totoong kwento. "Tumigil na kayo Mildred!" Pabulong na suway ni Tatay kay Nanay kaya nagsalita ako "Bakit Tay? Nakakahiya ba? Natatakot kabang kutyahin yang Anak mo Kuno dahil sa rebelasyon ni Nanay?" Tanong ko dito na agad nyang inilingan "Pero nung sila , kami ang kinukutya ng mga tao ay hindi sya nahiya. Pero sa kirida nya at Anak sa labas ay may hiya bigla. Wow!" Singit ni Nanay na nagpagalit kay tatay at akmang sasampalin nya ito ngunit may biglang humawak sa pulsuhan ni Tatay kaya napatingin ang lahat doon "Don't you dare lay your dirty hands in your wife! Or else i will sue you in court!" Anang boritong bises na kina gulat ko. "A-ano kamo? Sino kaba?" Gulat na tanong ni Tatay dito saka ito nilapitan ng Kabit at anak nito. "Matt?" Gulat kong tawag sa pangalan nya saka ito lumapit samin ni Nanay ng mabitawan ang kamay ni Tatay "I'm they're Lawyer" Anito na lalong nagpagulat saming lahat lalo na samin ni Nanay "Ano daw sabi nya anak?" Dinig kong tanong ni Marietta sa anak nyang si Marian. "Abogado daw sila nila Mara Mommy at ipapakulong daw nya tayo" Natatakot nitong sumbong sa nanay nya na kina aligaga naman nito. "Ah Mildred, Baka pwede naman natin itong pag usapan diba?" Pagkuwan ay malambing na sabi Marietta kay Nanay na kina tawa ko bigla "Bait baitan ka ngayon ah" iiling kong sabi dito. "Pwede nyo pong pag usapan iyan sa korte" Sabad ni Matt dito na lalong nagpataranta sa itsura ni Marietta , maging si Tatay ay kinabahan bigla sa sinabi nito. "Naku Pogi! Wag naman ganon, Makukuha naman yan sa masinsinan na pag uusap" Pang uuto nito bigla at may pahawak hawak pa ng braso itong nalalaman "Si Misis Mildred po ang mag dedesisyon non at hindi ako" Sagot nito na kinagulat ni nanay kaya dito naman nabaling ang atensyon ni Marietta. "Mildred, uy parang hindi tayo mag bestfriend noon ah" Para itong maamong tupa na naglalambing "Pag iisipan ko! Tara na Mara!" Sagot ni Nanay dito at naglakad na ito paalis kaya agad kong sinundan. Nang mapansin na nakatayo parin si Matt doon ay binalikan ko ito saka ko hinila sa may braso para sumunod saamin ni Nanay. Nagpatianod naman ito sakin. Lawyer ah?......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD