CHAPTER-4

2410 Words
~~~~~~> Araw ng linggo ngayon at nagyaya si Matt na magsimba kami sa may bayan na agad ko namang sinang ayunan. Nung dati kase ay ako ang nagyayaya dito para mag simba ngunit panay ang tanggi nito, pero wala naman itong magawa kaya kahit ayaw nya ay sinasamahan nya ako, kaya kalaunan ay nagustuhan na nito ang pagsisimba tuwing Linggo. Mahigit tatlong buwan ko ng kilala at nakakasama si Matt. Ayos itong kasama, Palabiro, Mabait , galante at magalang siyang tao. Tuwing nananalo ito sa karera ay kung anu ano ang ibinibiling regalo kay Mira. Wala daw kase itong kapatid kaya naaliw siya sa kapatid ko. Ayun na spoiled sa mga pasalubong nito. "Next time i'll buy a whilechair for Mira, para sa susunod ay kasama na natin itong magsimba" Pagkuwan ay sabi nito ng makalabas na kami ng bahay at nakapag paalam na kina Nanay at Mira na magsisimba kami. "Naku Matt, Nakakahiya na masyado sayo. Ang dami dami mo ng naibigay samin lalo na kay Mira. Wag nalang " Nahihiyang pagtanggi ko dito habang sinusuot ang helmet ko. "It's okay ano kaba! It's just a simple gifts" Sagot nito at katulad ko ay nagsusuot din ng helmet nya "Anong simple gifts don? Para samin ay special na iyon dahil wala pa kahit sino ang nagbibigay ng binibigay mo samin" Sabi ko dito. "Mas gusto ko yun, ako ang kauna unahan at kung pwede nga lang ay ako nalang at wala ng kahit na sino" Sagot nito at sumakay na kami ng motor. "Wala akong ipambabayad sayo no" Natatawang sagot ko dito na kinatawa din nya ng bahagya. "Ikaw lang sapat na Mara" Bigla ay sabi nito na kinatahimik ko bigla at natutulirong napatitig sakanya. Ngumiti ito saka ako kinindatan bago nito pinaandar ang motor at pinaharurot na paalis. Walang imikan kaming nakarating ng simbahan, maging sa pagtatapos ng Misa ay walang nagbalak na magsalita samin. Pilit pinoproseso ng utak ko kung ano ang ibig nyang sabihin doon sa sinabi nyang "Ikaw lang Sapat na". Ayaw kong mag asume na may ibang ibig sabihin yung tinuran nya dahil natatakot akong mapahiya kapag iba pala ang kahulugan non at hindi tugma sa iniisip ko. "Where do you want to eat?" Pagkuwan ay tanong nya sakin ng makalabas kami ng simbahan pagkatapos ng misa. "Sa bahay nalang siguro, wala akong dalang pera" Nahihiya at kamot ulo kong sagot na kinatawa nya "You're so cute. It's my treat, don't worry" Sabi nito ng may kasamang kurot sa pisngi ko. "Aray naman" Nakanguso kong daing habang hinihimas ang pisngi na kinurot nya. "Tara! Dun nalang tayo sa dati" Nakangiting yaya nito at inakbayan ako para sabay na maglakad patungo sa fast food na lagi naming kinakainan. Nang makapasok sa loob ng fast food ay expected na namin ang dagsa ng mga taong kumakain dito. Sikat at mabenta kasi ang fast food na ito dahil sa Unli rice na promo nila, Mura at Masarap pa ang kanilang mga pagkain kaya di kataka takang mabenta. Kumuha ito ng number table para may mauupuan na kami pag natapos ang ibang mga costumers na kumakain. Ilang minuto din ang hinintay namin bago kami makakuha ng mesa at makapag order. "Ilang kanin nanaman kaya ang mauubos mo?" Tawa tawa kong tanong dito na kina ngisi nya. "I don't think so" Ngingisi ngisi nitong sagot habang hinihintay namin ang pagkain na inorder nito. "Naku! Pag ikaw naimpatso nanaman bahala kana sa buhay mo" Biro ko dito na kina nguso nya. Ang cute nya shet! Minsan na kase itong naimpatso dahil sa kabusugan. Paano'y busog na ang tiyan pero sige parin ang bunganga nya kaya ayun, hindi natunawan at sumakit ang tiyan na inabot hanggang gabian. makalipas ang sampong minutong paghihintay ay dumating na ang inorder nito na kina gulat ko, dahil sobrang dami. "Ang dami naman! Mauubos ba natin ito?" Gulat kong tanong dito "Oo naman" Ngisi nyang sagot at nagsimula na itong kumain ng naka kamay. Wala itong arte sa katawan, kakain ito ng nakakamay ay wala itong pakialam. Kung pagbabasehan mo ang itsura nito ay mukha itong sosialin at maarte dahil sa tikas at yayamanin nyang itsura, pero kung kilala mo ito ay mapapa ngiti ka nalang dahil lahat ng iniisip mo tungkol dito ay kabaliktaran ng ugali nya. "Hey! Stop staring at me and eat" Bulyaw nito ng mapansin na hindi pa ako kumakain at nakatingin lang dito. "Iniisip ko lang kase...." Pabitin na sabi ko dito kaya napa angat ulit ito ng tingin sakin. "What?" Tanong nito na punong puno ang bibig dahil sa kinakain. "Saan mo nilalagay ang mga kinakain mo? E hindi ka naman tumataba" Takang tanong ko na kina tawa nya ng bahagya. "Don' mind and don't think to much Mara, Start eating now" Natatawang sagot nito na malayo sa tinanong ko kaya sinamaan ko ito ng tingin bago mag umpisang kumain. Ang loko ay tinawanan pa ako dahil sa masamang tingin ko at iiling iling itong nagpatuloy sa kinakain nya. Makalipas ang kalahating oras na pagkain ay himas himas ko ang tiyan ko dahil sa kabusugan. Pano ay naka tatlong cup ng kanin ako at may dessert pang kinain habang ang kasama ko ay sige parin sa pagnguya hanggang ngayon. "Uy Matt! Tama na iyan. Naku sinasabi ko sayo di kita aalagaan pag naimpatso kananaman" Naiinis ko ng suway dito dahil akma nanaman itong hihingi ng kanin dun sa server. "Isa nalang please" nagpapacute nitong sabi na kina tanga ko. Putcha! Bat ang gwapo nya? "Hays! Isa nalang ah?" Nauubusan ko ng pasensyang sabi na agad nyang tinanguan at walang anu ano'y tinawag ang server at humingi pa ng isang cup ng rice. Nang mapansin na wala na kaming inumin ay napagpasyahan kong tumayo at magtungo sa counter para humingi ng tubig para samin dalawa ni Matt. Nang makahingi ay mabilis kong tinungo ang mesa namin at nakangiting tinanaw si Matt, ngunit agad ding napalis ang ngiti ko ng mapansin itong parang pinagpapawisan at napapangiwi habang hawak ang tiyan nito. "Anong nangyari sayo?" Nag aalala kong tanong ng madaluhan ito. "M-my tummy" uutal at nahihirapan nitong sagot na kina aligaga ko. "Ayan na nga ba ang sinasabi ko" Naiinis man ay nasa tono ko parin ang pag aalala. Walang anu anoy pinunasan ko ng wipes ang mga kamay nito at maging ang bibig tapos ay pinainom ko muna ng tubig bago ko ito akayin palabas ng fast food. Nang marating ang motor nito na nasa harap lang ng fast food ay dali dali kong isinuot ang helmet nya at pinasakay sa motor pauwi sa bahay nito. Marunong na akong magdrive ng motor nito dahil lagi kami nitong magkasama ay tinuruhan nya ako. Big porpuse pa daw iyon sakanya dahil gagawin daw nya akong driver incase na malasing ito at hindi na makayang magdrive. Ang galing nya diba? Sobrang taba ng utak ? Kahit natataranta at nag aalala sakanya ay mabagal lang ang pagpapatakbo ko ng motor. Syempre safety first, lalo na't hindi pa talaga ako bihasa, kaya ang usual na oras ng pagdating namin sa bahay nito na 15 minutes at naging 20 to 25 minutes dahil sa sobrang bagal kong pagmamaneho. Inalalayan ko itong makapasok sa bahay nya at inihiga ito sa may kama ng makarating kami. "Tanggalin mo yang mga damit mo at ibibili lang kita ng gamot dyan sa tapat" Sabi ko dito at hindi na hinintay ang sagot nito at mabilis na lumabas ng bahay at patakbong tinungo ang butika na nasa tapat lang ng bahay nito. Buti ay may isang daan ako sa bulsa kaya may pinambili akong gamot at oil na ipampapahid sa tiyan nito "Katakawan kase!" Bubulong bulong kong sabi sa sarili ko habang pabalik na ng bahay nito. Nang makapasok sa bahay nito ay nadatnan ko itong nakahubad na at tanging boxer shorts nalang ang suot nito kaya nanlaki ang mga mata kong nagiwas ng tingin dito at tinungo ang cabinet nito para maghanap ng sando at shorts na pweding ipasuot sakanya ngunit iiling iling akong napangiwi dahil wala ng laman ang cabinet nito. Hula ko ay marumi lahat ng damit nito Ang sipag nya grabe! ? Kaya no choice ako kundi pagtyagaan na naka boxer shorts lang ito kahit sobrang naiilang ako. "Uy Matt! Inumin mo na ito oh" Pagkuwan ay abot ko sa kanya ng gamot at isang baso ng tubig. Nagmulat ito mata. Kita mo sa itsura nito na may dinaramdam nga at kahit hirap ay pinilit nyang bumangon kaya minabuti ko ng alalayan ito at tinulungan na mainom ang gamot at tubig. Matapos itong makainom ng tubig ay inalalayan ko ulit siyang makahiga at nag umpisa na nga akong hilutin ito sa may tiyan gaya ng ginawa ko nung una itong maimpatso. "Yan na kase ang sinasabi ko sayo" Kausap ko dito kahit nakapikit na ito. "Makinig din kase paminsan minsan. May next time pa naman para lubusin mo ng ganun ang pagkain" Pangangaral ko dito kahit hindi ito nakamulat habang hinihilot ang abs nito este Tiyan pala. Naiilang ko itong titigan at may panginginig ng bahagya ang mga kamay kong humahaplos sa tiyan nito. Yum! Pandesal ? Nang masigurong nakatulog na ito ay kinumutan ko na ito at bumaba na ng kama. Nang ilibot ko ang paningin sa kabuohan ng bahay nito ay napapangiwi ako dahil sa nakita Sobrang dumi at kalat ng bahay nya. Nagkalat sa sahig ang mga marurumi nitong damit, may mga basyo at incan na alak din sa may sahig at lababo nito. Ang mga plato ay nakatambak lang sa lababo at sobrang dumi ng mga iyon na kulang nalang ay may lumot na dahil kung titignan ay matagal ng nakatambak ang mga yon doon. Napapangiwi din akong napasilip sa may banyo nito ng makitang nagkalat ang mga upos at filter ng mga sigarilyo sa sahig at nanganamoy usok na ng sigarilyo sa loob non. "GRABE!" Napapabuntong hininga kong sabi bago ko sinimulan mag linis. Inuna kong inipon ang mga marurumi nitong damit at inilagay sa isang basket at dinala sa laundry shop sa tapat, sa tabi ng butika para palabhan ang mga yon. Nang makabalik ay naglabas ako ng plastic garbage at inumpisahan ng pulutin ang mga incan at basyo ng mga alak at inilagay doon. Winalis at nagmop na din ako sa sahig kaya kuminang ang ngayo'y maputi ng tiles na dati ay naninilaw at nangingitim dahil sa katagalang hindi nalilinis. Nang matapos sa mga kalat at sahig ay yung lababo naman ang nilinis ko. Tinapon ko na ang mga gamit na hindi na pweding magamit pa dahil sa sobrang dumi at naglulumot na. nilinis ang dalawang kaldero nito, isang kawali at nasa tatlo o apat lang na mga plato at kubyertos. kiniskis ko din ang lababo nito upang lumabas ang puti din palang tiles dahil kanina ay kulay green na iyon dahil sa lumot na bumalot doon. "Woah! Yung banyo nalang tapos ay tapos na" Pabuntong hininga kong bulong sa sarili habang pinagmamasdan ang kabuohan ng bahay na nalinis ko. Hihingal hingal at sobrang lagkit ko na dahil sa pawis ay diko inalintala dahil gustong gusto kong malinis ng buo ang bahay nya. "Ang liit na nga lang ng tinitirhan , di pa magawang linisin!" Inis kong baling kay Matt na masarap at mahimbing parin ang tulog. Nang nakapagpahinga na ay sinimulan ko na ang paglilinis ng banyo nito at sinabayan ko na ng ligo para isahang trabaho nalang sa banyo. Lagkit at pawisin na din kase ako kaya naisipan ko ng maligo. Kiniskis ko ang kasuluksulukan ng banyo kaya lumabas nanaman ang kinang at puti ng tiles dahil sa linis. Tulad kase ng lababo ay nagkulay berde na rin ito dahil sa lumot kaya gulat ako ng makitang puti pala ang kulay ng tiles na iyon. "Sawakas! Tapos na din" Nakangiting anunsyo ko sa sarili ng matapos kong linisin ang banyo. Itinapis ko muna ang malaking tuwalya na nakita ko sa banyo at nilabhan ko ang damit na pinag hubaran ko at akmang kukuha ng maisusuot sa cabinet nito ng biglang mapasabunot ako sa buhok ko ng mapagtantong wala itong damit doon dahil marumi lahat at dinala ko sa laundry shop. "s**t! Anong susuotin ko?" Napapatangang tanong ko sa sarili ko at napatingin sa gawi ni Matt na nakatingin na pala sakin kaya gulat akong makita ito. "Gi-gising kana pala?" uutal at aligaga kong tanong dito ngunit hindi ito sumagot sahalip ay pinakatitigan lang ako nito. "A-ano ka-kase... Nag-naglinis ako, e pinagpawisan ka-kaya naligo nako" napapalunok, uutal kong sabi ng mapansin itong nagbaba ng tingin sa kabuohan ko. Hindi nanaman ito sumagot pero sa pagkakataon na ito ay tumayo na ito mula sa pagkakahiga at tinungo ang cabinet nito ng hindi inaalis sakin ang tingin, kaya nahihiya akong nagiwas ng tingin dito. "f**k! I don't have any clean cloths" Napapa mura nitong sabi ng makita nitong walang laman na damit ang cabinet nito. "O-oo nga. Dinala kona sa laundry shop yung mga damit mo" Napapangiwi kong sagot kaya napa baling nanaman ang tingin nya sakin. "Y-you can use this" Anito at inaabot ang kumot na ginamit nito kanina. "H-hindi na. Okay na ako dito sa tuwalya" Naiilang, nahihiya kong pagtanggi "Hindi ako makakatagal ng ganyan lang ang suot mo" iwas tingin nitong sabi na pinagtaka ko. "ahh?" Nagtatakang sabi ko Ngunit sa halip na sagutin ako ay dali dali itong nagtungo sa banyo at naglock doon. "Ano bang ibig nyang sabihin doon?" Takang tanong ko sa sarili at napabaling sa may pintuan ng may marinig na kumatok. Napatingin muna ako sa pintuan ng banyo bago ko napagpasyahang buksan ang pintuan kung saan may kumakatok. "Ang tagal------" Napapa nganga itong napatigil sa sasabihin ng mapagbuksan ko ito ng pinto. Lalake ito at tulad ni Matt ay gwapo at matangkad din. "S-si Matt?" napapalunok nitong tanong habang pinakatitigan ako mula ulo hanggang paa. "Nasa Banyo po" Sagot ko dito at akmang papapasukin ito ng bigla ay hilain ako ni Matt papasok ng bahay at isara ang pinto kaya naiwan sa labas yung bisita nito. "What do you think you're doing? Are you out of your mind?" Galit at naiinis nitong sambit na kina gulat ko kaya napatungo ako dahil sa ginawa nito sakin. "I'm sorry... Go to bed and cover y-your body, Kakausapin ko lang yung kaibigan ko" Pagpapaumanhin nito at nagiwas ito ng tingin sakin. Napapatango nalang akong sumunod dito at ginawa nga ang sinabi nya pagka akyat ko ng kama nito ay nagtalukbong ako sa may kumot. To Be Continue...........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD