Chapter six

1857 Words
Yakap ko ang anak ko habang pinapatulog ko ito at nakapikit lang ito, naglalambing na naman paguwi ko kanina kaya napangiti na lang ako. "Mama na saan po ang papa ko?" Tanong nito habang nakayakap sa akin kaya natigilan ako bihira siyang magtanong sa ganitong bagay kaya nagulat ako. "Diba sabi ko sayo nasa malayo siya?" Tanong ko sa kanya kaya tumingala siya sa akin. "Kanina po kase nakita ko yong classmate ko na may mga papa ako lang wala." Mahina niya na turan kaya kumirot ang puso ko. Alam ko na habang lumalaki ang anak ko ay maghahanap siya ng ama kaya nahihirapan ako na maghanap ng palusot sa kanya. "Nandito naman ako diba?" Malambing ko na turan sa kanya kaya napatingala siya sa akin. Napangiti siya at hinalikan ako sa pisngi kaya niyakap ko siya ng mahigpit. Napahinga na lang ako ng maluwag at hinaplos ang pisngi ng anak ko, kamukha talaga siya ng kanyang ama wala man lang kinuha sa akin. Kung magkakalapit ang mag-ama ay hindi maikakaila na hindi sila mag-ama. Lumabas muna ako ng kwarto namin at pinatay ko na ang ilaw at pumunta sa kusina kung saan ay nagliligpit pa ng pinagkainan namin. "Tulog na ba si Xion?" Tanong ni nanay kaya tumango lang ako at umupo sa lamesa. "May problema ba anak?" Tanong ni nanay kaya napatingin ako sa kanya at napahawak sa noo ko. "Nakita ko na po ang ama ni Xion at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang tungkol kay Xion." Sabi ko sa kanya kaya narinig ko na napasinghap siya. "Anak bakit hindi mo agad sabihin sa kanya?" Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. "Nay hindi niya ako nakikilala at tila wala siyang matandaan na kilala niya ako." Sabi ko sa kanya kaya napailing na lang ito at nakakaunawa niya akong tinitigan. "Sabihin mo sa kanya anak pero maghanap ka ng magandang tiyempo para sa anak mo." Sabi ni nanay kaya napatingin ako sa kanya at tumango. Kinabukasan ay hinatid ko muna si nanay at Xion sa eskwelahan nito at pumasok na ako sa trabaho. Nagtaka ako kung bakit tila tahimik at walang nagkalat na ka-trabaho ko gayong kinse minutos na lang ay time na. Napangiti ako kay manong ng binati niya ako. "Mainit na naman ang ulo ng boss kaya umakyat ka na." Sabi sa akin ng reception sabay tapik sa katabi niya na ngumiti na lang ako. Napangiti ako at tumango sa kanila at pumasok na sa elevator at napahinga na lang ako ng maluwag. Nakarating ako sa floor ng CEO at napatingin ako kay Akihiro at Sir Xavier na nasa labas ng pinto. "May problema ba?" Tanong ko sa kanila pagkarating ko kaya pareho silng napatingin sa akin. "Salamat at nandito ka na Sapphire sinaniban na naman si Xerxes." Sabi ni Akihiro kaya napatingin ako sa pinto at napatingin kay Sir Xavier na lumapit sa akin kaya napatingala ako. "Make him calm please Sapphire." Sabi saka umalis na kaya napatingin na lang ako dito at napatingin kay Akihiro. "Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya kaya napabuntong hininga ito. "Hindi ko alam pero pagpasok niya ay mainit na ang ulo niya at lahat ng madaanan ay sinisigawan niya." Sabi niya kaya kinabahan ako at napatingin sa pinto ng opisina niya. Nakarinig kami ng kalabog sa loob kaya huminga muna ako ng maluwag at pinihit ang pinto. "Mag-iingat ka Sapphire sumigaw ka kapag may nangyari." Sabi ni Akihiro kaya nginitian ko na lang siya. Pagpasok ko ay nagkalat ang mga gamit sa buong paligid at nasa upuan niya si Xerxes at nakapikit at nakalagay ang kamay sa mukha nito. "Xerxes." Tawag ko sa kanya kaya bigla siyang napatingin sa akin. Nanginginig ang tuhod ko at kinakabahan ako sa itsura niya lalo na ang titig niya na tagos sa buto kaya napalunok ako. "Baby?" Bulong niya kaya napatingin ako sa kanya at tumango. "Come here let me hug you please." Malambing niya na turan kaya dali-dali akong lumapit sa kanya. Kinabig niya agad ako at yumakap ng mahigpit sa akin kaya hinaplos ko ang buhok niya. Napatingin ako sa paligid at napakakalat tila binagyo kaya napatingin ako sa kanya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito bakit kaya siya nagwala ng ganito kaaga. "May nangyari ba?" Malambing ko na tanong sa kanya kaya naramdaman ko na natigilan siya. "Problema lang sa trabaho pasensya ka na at nakita mo akong ganito." Bulong niya na lalong humigpit ang yakap sa akin kaya niyakap ko na rin siya ng mas mahigpit. Natigilan ako ng makita ko na dumudugo ang kamao niya kaya kumalas ako sa yakap sa kanya. "Dumudugo ang kamay mo halika gamutin natin." Sabi ko sa kanya kaya tumango siya. Pumunta kami sa sofa at pinaupo ko siya ayaw pa niya akong bitiwan pero napangiti ako at sinabi na kukuha ako ng first-aid-kit. Pumunta ako ng banyo at kinuha ko ang box na may laman na panlinis ng sugat. Bumalik ako sa kanya napatingin ako dito at nakita ko na hindi talaga maganda ang mood niya. Umupo ako sa paanan niya at binuksan ko ang kahon at nilabas ang panlinis ng sugat at kinuha ko ang isa niyang kamay. Dahan-dahan ko itong nilinisan at hinihipan ko para kahit papaano ay mawala ang hapdi ng sugat niya. "It's hurt but i'm totally fine." Bulong niya na nakatingin na pala sa akin kaya napatingala ako sa kanya at malambing ko siyang nginitian. Nilagyan ko na ito ng gauze at maingat na tinali at yong isa naman niyang kamay ang sinimulan ko na nilinisan. Nang matapos ko ito ay inayos ko na ang ginamit ko at binalik ang kahon sa banyo saka ako bumalik sa kanya. Nakita ko na pantay na ang paghinga niya mukhang nakatulog na ito. Mukhang uminom rin siya at may mga upos ng sigarilyo sa astray niya marahil ay maaga siyang pumunta dito. Inayos ko na lang siya at kinuha ang jacket niya at kinumot sa kanya, hinaplos ko ang pisngi niya at narinig ko siyang umungol pero hindi naman nagising. Napatingin ako sa paligid at napahinga ng malalim at saka tinignan ang mga nagkalat na papel sa paligid, may mga basag na vase at ilang bote ng alak na basag rin at nagkalat sa sahig. Nakarinig ako ng mahinang katok kaya pumunta ako sa pinto at binuksan ko ito. "Ano na buhay ka pa?" Nakangiti na biro ni Akihiro kaya napatawa ako ng mahina at napailing. "Nakatulog na mukhang lasing eh." Sabi ko sa kanya at pinapasok siya napamura ito ng makita ang itsura ng buong silid. "Marami na naman akong papalitan na gamit nito." Nagrereklamo niya na turan at napatingin sa akin. "Tulungan mo na lang ako magligpit delikado ang mga bubog na nagkalat sa sahig." Sabi ko sa kanya kaya tumango siya at nagsimula na kaming maglinis ng tahimik para hindi magising si Xerxes. "Ano ba ang nangyari Akihiro?" Tanong ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin at napabuntong hininga. "May araw talaga yan na nagwawala gaya ngayong araw na ito." Sabi niya na lumungkot ang mukha. "Bakit anong meron sa araw na ito?" Tanong ko sa kanya kaya napatitig siya sa akin. "Today is the death anniversary of his mother." Mahina niyang turan kaya napatingin ako kay Xerxes. Ibig sabihin ay ito ang malungkot na parte ng buhay niya kaya naglasing siya pero nagwala rin kaya nalungkot ako bigla. "Hindi sa pinahihina ko ang loob mo dahil nakita mo na ang bahagi ng pagkatao ni Xerxes pero ito siya Sapphire sana hindi magbago ang pagtingin mo sa kanya." Sabi ni Akihiro na kita ang pagkabahala sa mukha niya. Umiling ako at ngumiti sa kanya. "Hindi magbabago ang pagtingin ko sa kanya Aki." Sabi ko sa kanya kaya tila nakahinga siya ng maluwag at nagpasalamat. Natapos na namin ang paglilinis dito sa opisna ni Xerxes ay hindi pa rin ito nagigising, lasing na lasing ito at tila pagod na pagod kaya buti na lang ay may kwarto pala dito sa opisina kaya nakakuha ako ng kumot at ito ang kinumot ko sa kanya. "Alam mo ngayon lang may nag-alaga sa kanya ng ganyan." Napatingin ako kay Akihiro na nakasandal sa lamesa at nakatingin sa akin. Inayos ko ng mabuti ang pagkakakumot ni Xerxes at inayos ang nilagay na unan ni Aki sa kanya para hindi manakit ang likod niya. "Para siyang bata naalala ko noong unang beses siyang dumating sa bahay namin sa Japan kasama ang kambal niya, napakatahimik niya at halos hindi nagsasalita kaya ilag kami ng kapatid ko sa kanya." Pag-kwento niya kaya napatingin ako kay Xerxes na payapang natutulog. "Lumaki pala kayo sa Japan?" Tanong ko sa kanya kaya tumango siya at napaupo sa sahig habang nakaharap sa akin. "Lumaki kaming basagulero pwera kay Xavier na laging libro ang hawak pero kami ni Xanty ng bunso nila ay laging napapaaway sa eskwelahan at lagi kaming napaparusahan noon ni mommy at daddy dahil sa mga kalokohan namin." Kwento niya na tila binabalikan ang mga panahon noong mga bata pa sila. Napangiti ako at muking napatitig kay Xerxes, napakagwapo niya talaga hindi nakakasawang tigna. Nakarinig kami ng katok kaya nagkatinginan kami ni Akihiro kaya tumayo ito at pumunta sa pinto at binuksan ito. "Ano kumusta ang magaling kong kapatid?" Narinig ko na tanong ni Sir Xavier kaya tumayo ako at nagbigay galang sa kanya. "Nakatulog dahil nandito na si Sapphire siya talaga ang vitamins ng gago na yan." Natatawang sagot ni Akihiro kaya napangiti ako. Lumapit dito sa amin si Sir Xavier at tinitigan ang kapatid nagulat ako ng akma niyang pipitikin ang kapatid sa noo pero hindi naman niya tinuloy. Nakahinga ako ng maluwag at napatingin siya sa akin at ngumisi kakaiba ang ngiti niya kaya kinabahan ako. "Are you alright if my brother is like this?" Tanong niya na seryoso akong tinitigan kaya kinabahan ako lalo. "Kinikilala ko pa lang ang kapatid mo Sir Xavier hindi magihing kakulangan kung nakita ko siya sa ganitong sitwasyon at isa pa may dahilan naman kung bakit siya nagkakaganito." Sabi ko sa kanya at hinawakan ang kamay ni Xerxes. Mula noon hanggang ngayin ay walang nagbago siya ang lalakeng una kong minahal at ngayon na nakita ko siya ulit ay patuloy ko pa rin siyang mamahalin. Hindi hadlang ang nakita ko na ugali niya kanina kaya hindi ko siya susukuan ng basta-basta. "Good then you have my respect and support for him." Sabi niya kaya nakahinga ako ng maluwag. "Salamat po Sir Xavier." Nakangiti ko ng turan sa kanya. "Just Xavier nagmumukha akong matanda sa sir." Nakangiti na niyang turan kaya napatango ako sa kanya. Lumabas na muna sila si Xavier ay bumalik na sa trabaho bago siya umalis ay sinabi niya na maagang pumasok ang kaibigan ko kaya napatango ako. Si Akihiro ay nag-order ng tanghalian namin para paggising ni Xerxes ay may makakain siya. Napatingin ako kay Xerxes ng nakamulat na pala siya hinila niya ako kaya napahiga ako sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit kaya napapikit ako. "Thank you my love..." Bulong niya kaya lumakas ang t***k ng puso ko at napangiti at sumiksik ako sa leeg niya kasabay ng paghalik niya sa ulo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD