Im still working on English version

4582 Words
Punong-puno ng pawis na nagising ako sa isang karamaldumal na panaginip. Taas baba ang ang aking mga balikat dahil sa hindi maayos paghinga. Kulang din ang hangin na pumapasok sa aking baga. Sumisikip ang aking dibdib, wala sa sariling hinihimas himas ko ito at bahagya itong tinatapik tapik. Nang kumalma na ako agad akong napatulala sa kawalan. Masyado pang mura ang aking isip ngunit ang sabi ng magulang ko ay isa raw akong matalinong bata. Ngunit papaano ko ba malalaman na matalino nga ako? Naguguluhan ako, masyadong nakakatakot ang naging panaginip ko. Ayokong mangyari ang bagay na iyon. Nabalik ako sa kasalukuyan ng marinig ko ang marahas na pag bukas ng aking silid. Pumasok ang aking ina at ama, parehos hindi maipinta ang kanilang mukha at mukha rin silang natataranta—hindi alam kung ano ang unang gagawin. Kung sa normal na araw lang, tatawa ako ng malakas dahil nag mumukha silang tanga sakinalang ginagawa pero hindi ko magawa ang bagay na iyon ngayun. Ramdam ko ang panganib na paparating, hindi man nila sabihiin alam kung nanganganib kami. “Sweety?” malambing na sabi saakin ng aking ina. Alanganin ang kanyang mga ngiti at parang hindi sigurado kung ano ang gagawin at sasabihin nya saakin. Tiningnan ko ang mukha ng aking ina, puno ng pangamba at kalungkutan ang Kanyang mga mata, ito palang alam ko na, nasa panganib ang buhay naming tatlo. Magsasalita pa sana ang aking ina ng may marahas ulit na nag bukas ng aking pinto. Isang estrangherong katulad na katulad ang mukha sa aking ama. Napasinghap si ina at ama sa nakita, hindi ko alam kung kakambal ba iyan ni ama o hindi pero sa pagkakaalala ko nag iisang anak si ama ng kanyang mga magulang, ang dating hari at reyna ng Emsrielda de secreto. Sunod na pumasok ang isa nanamang estrangherong kamukha ni Ina ang pumasok. This time, alam ko na na hindi sila kakambal o kadugo ng aking mga magulang. Isa silang mga impostor na ginaya ang mukha ng aking mga magulang. “Kamusta?” kasual na tanong ng kamukha ng aking ama. “Sino kayo?”matigas na saad naman ng aking ama. Malamig ang kanyang tinig at masama ang kanyang tingin sa kaharap pero parang baliwala lang ito para sa kaharap. Napasinghap naman ang kamukha ni ama at inilagay ang kanyang kamay sakanyang dibdib at umaktong nasasaktan sya sa sinabi ni ama. “Hindi mo na ba ako naalala?” kunwaring naiiyak nito tanong kay ama. Ngunit Hindi naman sya pinansin ni ama, kaya natawa ito. “Kumalma ka, kamahalan. Ako lang ito, ang tinapon nyong sanggol.” sabi nito. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ng aking ama, marahil ay maging ito ay naguguluhan. Dahil gaya nga nang sabi ko, nag iisang anak lang ang aking ama. “Wala akong Kapatid.” matigas na sagot ni Ama. Ngumisi naman ang lalaking kamukha ni Ama at nang-uuyam na tiningnan nya si Ama na para bang ini-insulto nya ito sa paraan ng pag titig lamang. “Yun ang iyong alam...” sabi nito at may dinukot na kung ano sakanyang bulsa. “...alam mo na kung ano ito?” tanong nya at pinakita ang lampin ng isang bata. Sa pag kakatanda ko, ang lampin na hawak nya ay para lang sa mga anak ng hari at reyna. Naiiba iyon sa lahat, at walang ni isang pwedeng gumamit nang bagay na yun maliban sa mga principe at princesa. Napasinghap si Ina at Ama, kita ko ang pagkislap ng isang emosyon—gulat at kaguluhan ng isip. “Paano ka nagkaroon ng bagay na iyan? Tanging mga principe—.” hindi naituloy ni ama ang kanyang dapat na sabihin ng tumawa ng malakas ang lalaking kamukha ni ama. Medyo napapitlag pa ako ng bigla syang pumalakpak na parang nanalo sya sa isang paligsahan. “Exactly! Tanging mga principe at prinsesa lang ang nag mamay-ari ng bagay na hawak ko!”. Sabi nito. “Brother?” lumambot ang ekspresyon ni ama at bahagyang lumamlam ang kanyang mata. Hahakbang na sana si ama paharap ng agad syang napatigil sa kanyang pwesto ng makita nyang bumunkt ng isang espada ang kanyang kaharap. Ngumisi ang lalaking kamukha ni Ama at tiningnan nya ulit si ama ng mapang-uyam. Hindi ko gusto ang tingin na ibinigay nya kay ama, wala syang karapatan na ganyanin si Ama! Tatayo na sana ako, para pagalitan ang mamang kamukha ni ama ng magtagpo ang mata namin ni Ina. “Hide...” mahinang bulong nya kaya wala akong nagawa kundi ang bumalik sa pinag tataguan kung cabinet. Siniksik ko ang sarili ko sa isang sulok at siniguradong hindi ako makikita ng dalawang estranghero, pero sinigurado ko rin na makikita ko nang maayos ang pangyayari. Masikip ang lugar na pinag tataguan ko pero okay lang, dahil ang sabi ni Ina kailangan kung magtago rito at hinding hindi lalabas hanggat hindi nya pa sinasabi. “Ano ang iyong kailangan?” napabalik ang atensyon ko kila ama ng marinig ko ulit ang kanyang malamig na boses. Nakakatakot ang ang kanyang boses na ginamit ngayun, hindi ito ang normal nyang pagsasalita. Basi sa obserbasyon ko ginagamit ni ama ang ganitong klasing pananalita pag sobrang galit na sya. Isang beses ko palang nasaksihan na nagalit si ama pero nag hatid iyon ng kilabot saakin Hanggang ngayun. Sa pag kaalala ko, mag tatlong taong gulang palang ako non ng mangyari ang araw na iyon, pero Hanggang ngayun na tatlo na ako ay kinikilabutan parin ako sa tuwing naalala ko ang pangyayari. “Simple lang ang gusto ko kapatid.” sabi nito ng nakangisi, pinag lalaruan pa nito ang hawak nyang espada. “Sabihin mo na, wag ka nang mag paliguy-liguy pa.” seryosong sabi ni ama. Hindi na mababakasan ng emosyon ang kanyang mukha, ibig sabihin malapit na itong magalit. Napatawa ng malakas ang kamukha ni ama at walang pasabi sabing hiniwa ang braso ni ama. Napatili naman si ina at ang kamukha ni ina, marahil ay hindi din nila inaasahan ang bagay na iyon katulad ko. Nagdudugong tumalsik ang braso ni ama sa kung saan. Nanginig ang katawan ko sa pagkabigla at pagkatakot, gusto kong lumabas pero alam kung hindi ako makakatulong kung gagawin ko ang gusto ko. Itiniklop ko ang dalawang binti ko at yinakap ito. Nanlamig ang aking palad, ramdam ko iyon. Sa edad kong tatlong taong gulang, ay marami na akong alam sa mga bagay bagay. Kagaya nalang ngayun, hindi pa man naiipaliwanag ng magulang ko kung ano ang nangyayari at kung ano ang mangyayari ngayun ay may alam na ako. Pero naguguluhan ako, bakit kailangan nila itong gawin? Bakit kailangan nilang gawin ang bagay na ito? “Aaah!” rinig kong hiyaw ni ama. Napakagat ako ng labi at sinilip sila. Wala na ang isang kamay ni ama tapos si ina naman ay nakahawak kay ama at umiiyak. Basang basa na ang pisngi ni ina at natataranta din ito, hindi alam kung ano ba ang gagawin nya. “Masakit ba aking kapatid?” nang-uuyam nitong tanong kay ama. Sinamaan naman sya ng tingin ni Ama, kahit na nahihirapan pinilit ni ama na indahin ang naputol nyang braso. Lumakad ito papalapit sa aking kama at inabot ang espadang nakadisplay sa ulunan ko. “Isa kang duwag.” malamig na sabi ni ama. Mabibigat ang hakbang nito at puno ng authoridad ang prensya nito. Parang Biglang hindi na sya si ama, nawala ang lahat ng bakas ng isang mapagmahal at maalaga kong ama. Pumalit ang isang delikadong hari na ni minsan ay di ko pa nasilyan. Pag balik ni Ama sa dating pwesto nya ay itinaas nya ang espadang hawak nya at itinutok ito sa lalaking kaharap. Tumaas ang isang kilay nito, at mabilis na itinaas din ang hawak na espada at nag simulang nakipag-espadahan. Mabilis ang kanilang galaw na halos hindi ko na sila masundan, bawat hampas ng kanilang mga espada ay mabibigat. Namangha ako, ngayun ko lang nasaksihan ang ganitong pangyayari! Kahit putol na ang isang kamay ni ama, kahangahangang nasasabayan nya pa rin sa galing ang lalaking kaharap! Pansamantala kung nakalimutan ang aming situation dahil sa pagkamangha at hindi ko namalayan ay napalabas na pala ako sa tinataguan ko at tuwang tuwa na pinapanood sina ama. Mahilig ako sa action movies, kaya hindi nyo ako masisi kung ganito ang reaction ko. Isang napakagandang palabas para saakin ang ganito! “Sweety!?” nagulat ako ng may biglang humawak saakin. Bahagya akong napatili dahil sa gulat, hindi ko napansin na nakalapit na pala si ina saakin. Masyado akong nahipnotismo sa magandang panoorin. Hindi ko alam kung ano ang biglang nangyari pero bigla nalang akong niyakap ni ina at sumuka sya ng dugo. Napasinghap ako at nagulat sa biglaang pangyayari , alaalang tiningnan ko si Ina. Hindi ako nag salita, tiningnan ko lang ang aking ina. Hindi ko mahanap ang boses ko! “Well, look at that! May prinsesa pala kayong tinatago!” Napatingin ako sa nagsalita, ang kamukha ni ina. Nakataas ang kilay nito at may nakapaskil na ngisi sakanyang labi. Napunta ang tingin ko sakanyang kamay kung saan nakita ko ang isang baril na may silencer. Alam ko ang bagay na iyon dahil kasama iyan sa training ko. “Sweety? Look at mommy”. Nanghihinang utos ni mommy. Bahagya pa syang napaubo at may lumabas na dugo sa kanyang bibig. Nanlaki ang mata ko, at umawang ang kabi ko sa pag kagulat. “Protect yourself for me okay?” sabi ng aking ina. Nakatingin sya saakin ng may pagsusumamo at pagmamahal. Wala sa sariling natango ako sakanya. Iniangat ko ang kamay ko at inilagay ko sa mukha nya. Hinaplos ko iyon ng mabini, hindi ko namalayan na tumulo ang aking luha. Napangiti ang aking ina ng mapait at malambing nyang pinunasan ang aking mukha na parang isa akong mamahaling kayamanan. “Don't cry sweety, everything's gonna be alright.” malambing nyang sabi saakin at hinalikan ang noo ko. Tumango ako sakanya kahit na alam kung hindi magiging maayos ang lahat pagkatapos nito. “Aw, so cute.” maarting sabi ng kamukha ng aking ina. “...but enough of the drama, shall we?” nakataas kilay nyang sabi tapos ay kinasa nya ang hawak nabaril at itinutok sa aking ina. Napatingin naman ako sa aking ina, nakangiti ito saakin, isang totoong ngiti, nginting nagpapaalam. “Long Live my princess”. Sabi nito bago iniharang ulit ang sarili nya sa paparating na balang dapat na papuntasaakin. Nanlaki ulit ang mata ko, at yayakapin sana ang aking ina ng itinulak nya ako sa isang secretong lagusan na sa pagkakaalam ko ay patungo sa labas ng palasyo. Pinilit kong abutin ang kamay ng aking ina pero mabilis ang pagdaus-dos ko sa parang padulasan sa secretong lagusan na ito. Bago muling sumara ang secretong lagusan, nakita ko ang babaeng kamukha ng aking ina na galit na galit at pinagbabaril ng ilang beses ang aking ina kahit wala na itong buhay. Nakita ko din ang aking ama na may saksak ng espada diretsyo sa puso. Napaupo ako sa damuhan ng makarating ako sa labas ng secretong lagusang dinaanan. Mapuno ang lugar at madilim pero hindi ako nakaramdam ng kahit na anong takot. Wala akong makapang kahit anong pakiramdam. Tanging alam ko lang ay ang katotoohanang patay na ang aking magulang at ako nalang mag isa. Ipinikit ko ang aking mata at pinahid ang mga luhang kanina a pa umaagis saaking pisngi. Mariin ko iyong pinahid at inalis ang ebedinsya ng luha. Pagkatapos ay iminulat ko ang mata at hinarap ang mapuno at madilim na lugar. Tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa aking inuupuan kanina at nilakad na ang maldilim na lugar. Kailangan kung umalis sa lalong madaking panahon bago pa nila ako maabutan. Masasayang ang sakripisyo ni ina at amapara saakin kung ammatay din ako ngayun. Kailangan kong makaligtas at mabuhay, kagaya nang hiningi ng aking ina. “Find the princess!” Napalingon ako sa madilim na lugar kung saan ng gagaling ang boses na iyon. Mahina ang pag kakatinig ko niyon dahil sa palagay ko ay malayo ito saakin. Mabilis akong naglakad palayo sakanila at tinungo ang lugar kung saan ako lang ang nakakaalam. Hinawi ko ang mga tanim na nakaharang at mabilis na tinipa ang password. Pagkabukas ay mabilis akong nagtunho sa loob at sinarado ang pinto. “I'm so tired...” buntong hininga ko at pabagsak na nahiga sa kama ko. “Mother, father, what should i do now?” Napatingin ako sa kawalan, at hindi ko na namalayan na nakatulog na ako ng mahimbing. Nagising ako ng umaga na at sikat na sikat na ang araw. Napakusot ako ng mata ko at napatingin sa kawalan. Nagbilang ako ng isa, dalawa, tatlo ngunit napakunot ang noo ko ng hindi pa rin bumubukas ang pinto ko. Asan na sina ina at ama? Dapat andito na sila dahil tapos na akong magbilang ng isa, dalawa, tatlo. Natigilan ako ng maalala ang nangyari kagabi. Sumikip ang dibdib ko at napahikbi. Akala ko ay magiging okay na ako pagkagising ko. Akala ko ay isa lang iyong masamang panahinip at kailangan ko lang matulog ulit at babalik na sa dati ang lahat! Hindi rin pala. Napatingin ako sa malaking salamin sa gilid ko. Doon ko nakita ang isang batang babae na nag eedad ng tatlong gulang. Gulong-gulo ang kanyang gintong buhok at may mga kahoy na nakasabit sa kanyang ulo. Madungis ang kanyang mukha at may mga luha sakanyang pisngi. May sugat din ang kanyang labi, pero ang pinaka nakakabahalang tingnan ay ang kanyang matang walang kabubay buhay. Sirang-Sira ang kanyang damit at punong- puno nang dumi. Napabalik ulit ako nang higa sa aking kama, parang tinamad na din akong bumangon sa akin higaan at gusto ko nalang matulog habang buhay. Napangiti ako nang mapait, napaka saklap ng buhay para sa batang kagaya ko. Okay lang naman sana saakin kung kukunin nila ang aming kaharian at aangkinin ang lahat naming yaman. Wala akong paki sa bagay na iyon. Basta ay buhay lang ang aking mga magulang. Pero, ganon ata talaga ano? Hindi lahat ng gusto mo ay makukuha mo. Bumangon ulit ako sa aking higaan at nag pasya nang maligo. Marunong naman ako kahit na palagi akong pinapaliguan ng aking mga 'personal maid' dahil isa akong prinsesa. Gaya nang sabi ko na sabi ng aking ina ay isa akong matalinong bata. Well, sa tingin ko ay hindi naman nag sisinungaling ang aking ina, medyo lang. Dahil alam kung hindi ako isang ordinaryong bata, kaya lang sinabi ng aking ina na isa akong matalinong bata ay para pagtakpan ang katotohanan na hindi ako ordinaryo. Pagkatapos kung maligo sa banyo ay agad na akong nag bihis ng pang ensayo kung damit. Agad ko ring tinungo ang pinto para sa pag eensayo. Pagpasok ko ay bumungad-ngad saakin ang maraming kagamitan. Mga armas, iba't ibang kutsilyo at maraming computer. May mga human robot din na nakadisplay sa paligid. Bahagyang umawang ang bibig ko sa pag kamangha, hindi man ito ang unang beses kong Pasok rito pero hindi ko mapigilan ang pagkamangha ko. Kung hindi mo napapansin mahilig ako sa mga bagay kahit na ano basta tungkol sa martial arts at kasama na doon ang mga kagamitan. Kaya hindi mo ako masisi kung ganito ang reaction ko. Anyway agad na akong dumritsyo sa aking sariling 'training room'. Malaki ang lugar na ito, hindi ko alam kung sino ang nagpatayo ng secretong lugar na ito pero ang sabi saakin ni ama ay simula pa raw sa naunang hari ang may ari nito at pinapasa-pasa sa isa sa mga anak ng mga kasalukuyang hari. At dahil nag iisang akong anak nina ina at ama. Ako ang kasalukuyang nag mamay-ari ng lugar na ito. Dumaan ang isa, dalawa, tatlo, apat hangang sa hindi ko namabilang kung ilang taon na akong nakatira sa lugar na ito. Walang ibang ginawa kundi ang mag ensayo. Lalabas lang kung bibili nang makakain ko. Inilaan ko ang lahat ng oras ko sa pag eensayo. Gusto kung bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng magulang ko at gusto kung magdusa ang mga may kasalanan sa mga kamay ko. I will make sure to have thier heads rolling down from the top of my palace until at the end of the gates. Sounds fun right? Napangisi ako sa iniisip ko at napailing. Mabilis kong sinuot ang aking jacket at inilagay sa ulo Ko ang hood nito at lumabas na. Sumubong saakin ang puro puno at maaliwalas na lugar. Mataas na ang sikat ng araw pero hindi masakit sa balat. Mabilis akong tumakbo at tinungo ang daan palabas ng restricted forest kung saan nakatago ang bahay ko. Pagkalabas ko sa lugar na iyon ay sinigurado kung walang may makakakita saakin. Walang dapat na makakaalam na doon ako nang galing. Pasimple akong nag lalakad na parang wala lang. Pagkarating ko sa bilihan ay mabilis akong nakihalo sa mga tao at bumuli ng mga kailangan ko. Hindi naman ako natagalan dahil nabili ko naman agad ang kakalanganin kung bilhin. Aalis na sana ako ng may nakita akong pulubi, isa iyong batang babae. Magulo ang kanyang kasuotan at marumi. Payat rin ang kanyang katawan, halatang hindi nakakain ng maayos sa isang araw. Sobrang payat nya na para bang isang ihip nalang ng hangin ay matatangay na sya nito. For some reason, biglang sumikip ang aking dibdib at wala sa sariling nilapitan ang batang babae. Nag angat ito ng tingin saakin at may nagtatanong na mga mata. “Ate? Bakit po?” malambing nitong tanong saakin. “Nakakain kana ba?” tanong ko sakanya at bahagyang ngumiti. Napa atras ito saakin at parang Biglang natakot. Napakunot ang noo ko, nakakatakot ba ang mukha ko ? “Ano po ang nangyari sainyo?” tanong ng bata saakin. Napakunot naman ang noo ko at napataas ang kilay. Halatang natatakot ito saakin dahil bahagya pang nanginig ang kanyang labi at muntik pa syang mautal nang tinanong nya ako. “Natatakot kaba saakin?” tanong ko sakanya. Umiling naman ito saakin. “Hindi ako natatakot sayo, dahil alam kung mabait ka. Ngunit, dahil sa isang pangyayari ay naging ganyan ka.” Napakunot ang noo ko. Okay? This is weird. “Ano ang ibig mong sabihin?” Dahan-dahan itong naupo sa harap ko at inilagay nya ang maliliit nyang kamay sa mukha ko. “Ang mga mata mo ay nawalan ng buhay, nakakatakot tingnan, at puno ng panganib. Ngunit alam ko, isa kang mabuting tao.” Ngumiti ako—no, ngumisi ako sa bata at tiningnan sya sa mata. “Little girl, hindi ako mabuting tao.” mariin kong sabi at tumayo na. “Tandaan mo ang sasabihin ko, hindi lahat ng tingin mo ay tama ay tama. At ni minsan hindi magiging solusyon ang paghihiganti.” “Yeah, yeah whatever kid.” nakatalikod kung saad. Maglalakad na sana ulit ako ng may isang lalaki ang tumapik sa balikat ko. Nilingon ko ito at tinaasan ng kilay. Napakamot ito sakanyang batok bago tumingin saakin. For some reason, feeling ko ay inaakit nya ako kahit mukhang hindi naman sya aware sa bagay na iyon. Maganda ang kanyang kulay abong mata at matangos ang kanyang ilong. Mapula ang kanyang labi at nasa perpektong hugis ang kanyang panga. Inshort, he is handsome. I can't deny that fact. “Miss, sino ang kinakausap mo kanina?” taning nito saakin. Napakunot naman ang noo ko.“Why?” bored kung tanong sakanya. “Gusto ko lang sanang itanong kung nakikita mo ba sya?” Napataas naman ang kilay ko. Bakit ang we-weird ng tao ngayun? Isang taon lang naman akong hindi nakalabas ah? Madami kasi ang stock sa bahay ko kaya hindi ako lumalabas. And besides hindi ako mahilig lumabas, nakakatamad. “Do you think I'm blind?” mataray kung tanong. Nakaka-irita sila! “No.” agarang sagot nito. Kaya sinamaan ko sya ng tingin. “Eh ba't ka nag tataning mung nakikita ko ba sya? Bakit hindi mo ba sya nakikita?” “Hindi..” “Eh yun naman pala eh— ha?”. Napakunot ang noo kong napatingin sakanya. Nakangiti na ito saakin nangmakahulugan. “Hindi ko sya nakikita, at muntik ko na nga sanang isiping baliw ka. Hindi mo ba naramdaman kanina na kanina kapa pinag titinganan ng tao dahil kumakausap sa hangin?” tanong nito saakin. Napakunot ang noo ko at napatingin sa pinanggalingan ko kanina. Nanododoon ang bata, kumakaway oa nga ito saakin.!—wait? Don't tell me nakakita ako ng ghost? Seriously? Napatawa ako ng pagak. Great, just great, note my sarcasm people. “So you really see her?” hopeful na tanong ng lalaki saakin. Napabalik ang tingin ko sakanya. “Paano kung sabihin kung, hindi?” “Liar, base on your reaction you saw her.” Napairap naman ako at nag simula nang maglakad. I don't have time for him. And i don't really care if that kid is a ghost. “Hey miss wait!” sigaw nya pero di ko sya pinansin at mas binilisan ko pa ang pag lalakad ko. Pumasok ako sa madilim na ekinita, akala ko ay titigil na sya ngunit nagpatuloy parin ito. “Miss! Teka lang!” sigaw nitong muli. Masbinilisan ko pa ang pag lalakad pero nagulat ako ng may biglang humamblot ng kamay mo at pinaharapa ako sakanya. Napatingin ako sakanya at tinaasan sya nag kilay. “What do you want?” malamig kong tanong sakanya. Pero napakunot ang noo ko nang hindi sya nakatingin saakin kundi sa kamay ko. “P-princess?” Nanlaki ang mata ko, mabilis ko syang isinandal sa pinakamalapit na pader at idikinit sya roon. Matalim ko syang yinignan. “Who are you?” malamig kong aabi sakanya. Bahagya naman syang napakislot at bahagyang nanginig. “I ah uh...” Mabilis ko sya hinawakan sa leeg at mas idinikit sya sa pader. “I said who are you?” Pero hindi nya ako sinagot, tinapik tapik nya ang kamay ko kaya mabilis ko sya binitawan. Hinugot ko ang nakatagong baril saakin bewang at tinutok sa kanya. Itinaas nya naman ang dalawang kamay nya na parang sumusukosya sa otoridad. “C-chill, princess. I'm not your enemy.” natatarantang sabi nya pero hindi ko sya pinansin at mas tinutok pa sakanya ang baril na hawak ko. “Answer my question or i swear you'll meet my bullets.” “O-okay okay, chill. I'm Axus, your childhood friend. Remember?” Napakunot naman ang noo ko at pilit inaalala kung may naging kaibigan ba ako noon. Meron nga, pero bungi at mataba ang batang lalaking kaibigan nya noon! Nakarinig naman ako ng mahinang tawa kaya napabalik ang tingin ko sakanya. “Yes, that's me. Gwapo ko na ngayun no?”sabi neto at nag pogi pose pa. Napataas naman ang kilay ko at tinignan sya nang malamig. Binaba ko na ang baril ko at tinalikuran sya. . “Wala ka man lang bang sasabihin?” sabi neto, may halong lungkot pa ang kanyang boses. Napatigil naman ako, at napahawak sa dibdib ko. Mabilis ang t***k neto at may kaunting sakit. Hindi ako bobo para hindi malaman agad ito. Bata palang ako, ganito na palagi ang nararamdaman ko tuwing nasa paligid sya. Akala ko mawawala lang ito dahil bata pa naman ako non. Napangiti nalang ako ng mapait, i thought i can't love anymore. Mabilis akong pumuhit patalikod at tinawid ang distansya namin at hinalikan sya. Nagulat sya sa ginawa ko, maging ako rin. Nanlaki ang mata namin parehas habang nakalapat parin ang labi namin sa isa't isa. Mabilis akong umatras patalikod at nag mamadaling umalis. Gosh! Mabilis akong nakarating sa bahay ko nang hindi nya nasusundan. Pabagsak kung sinara ang pinto ko at inuntog ang ulo ko sa pader. Gosh! What did i do? Mabilis lumipas ang panahon at naging mabuti naman ang relasyon namin ni axus. Pagkatapos nang gabing iyon, ay hinanap ko sya to clear things out, na hindi ko sinasadya ang biglaang paghalik ko sakanya. But hindi nya ako sinagot, nakatingin lang sya saakin that time. And for it's so embarrassing and awkward but after a minute of staring at me Axus kiss me in the lips without warning. And from that day on, until now. Our relationship is getting better. He is courting me and I'm happy about it that i almost forgot about my revenge. “What is it baby? I know you have something to tell me. ” Nakangiting sabi ni Axus. Napabuntong hininga naman ako at napatingin sakanya. Walang emosyon ang aking mga mata, I'm sure that. Pero deep inside gusto ko nang magwala dahil sa kaba. “Remember what happened to my family?” i asked. Napakunot naman ang noo nya at bumukabuka ang bibig nya na parang may gusto syang sasabihin pero hindi nya masabi. Mabilis nyang tinikom ang bibig nya at umayos nang upo. “Yes, what about it? Are you...are you still gonna do it?” he asked. He is talking about my plan, he knows about it. Ayoko namang isekreto ang bagay na iyon sakanya. I trust him, and i love him. “Yes..” sabi ko nang nakatingin parin sakanya nang malamig. Nakipagtitigan ito saakin sandali at walang pasabing umalis. Napabuntong hininga naman ako, i expected this. Alam ko na ito ang magiging reaction nya, dahil noong sinabi ko sakanya ang tungkol sa bagay na ito ay grabi ang tutul nya sa gusto kung paghihiganti. He told me na walang patutunguhan ang gagawin ko. And he want us both to leave peacefully, away from danger. Pero hindi ko naman pweding baliwalain ang pagkamatay ng aking ina at ama. They died brutally sa kamay ng mga impostor na iyon. So i guess they deserve to die also, in my hands. Tatlong araw na ang nakalipas hindi padin dumadating si Axus mula nang umalis ito saakin noong araw na iyon. Napahawak ako sa dibdib ko, masakit pero kailangan kong gawin ang bagay na ito para sa magulang ko. At least i can pay back what they did for me right?. And Axus is not a hindrance for me not to do it. Mabilis kung sinout ang aking sosoutin para sa araw na ito. Itim na leather pants at itim na fitted long sleeve. Nakapaa lang din ako para makagalaw ako ng hindi nag iingay. Tahimik nila kaming nilusob noon, tabimik ko rin silang lulusubin ngayun. Napangisi ako habang nakatanaw sa dalawang taong mahimbing na natutulog. They look cute together. Note my sarcasm here. Bumaba ako sa bintana nila at parang hangin na nag lakad. tiningnan ko sila habang natutulog, napangisi ako at Nilabas ko ang kutsilyo ko. Kumikintab at ang ganda tingnan. Pero feeling ko mas magiging maganda ito tingnan kung nababahiran ng dugo nang dalawang tao sa harap ko. “Sino ka?” malamig na sabi ng kamukha ni ama na Hanggang nagyun ay hindi ko pa kilala. Hindi naman ako interisado. Napahalakhak ako sa tanong nya, halakhak na walang kabuhay-buhay. Nakita ko ang pagbakas nang takot sa mata nila. Ganyan nga matakot kayo. “Hindi nyo na ba ako kilala?” tanong ko na nang-uuyam. Prenti akong naupo sa gilid nang kanilang kama at nagdekwatro. Tinanggal ko ang maskarang nakatabon sa mukha at tinginan sila ng nakangisi. Napasinghap sila, napangisi naman ako nang sarkastiko sakanila. “So tell me... Paano nyo gustong mamatay?” inosenti kung tanong sakanila. “Should i flay you alive or brun you alive?” nakangiti kung sabi. Napahakbakbang sila patalikod, kita ko rin ang bahagyang pag nginig ng katawan nila. Napanguso naman ako, ganon na ba ako katakot takot?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD