Punong-puno ng pawis na nagising ako sa isang karamaldumal na panaginip. Taas baba ang ang aking mga balikat dahil sa hindi maayos paghinga. Kulang din ang hangin na pumapasok sa aking baga.
Sumisikip ang aking dibdib, wala sa sariling hinihimas himas ko ito at bahagya itong tinatapik tapik. Nang kumalma na ako agad akong napatulala sa kawalan.
Masyado pang mura ang aking isip ngunit ang sabi ng magulang ko ay isa raw akong matalinong bata. Ngunit papaano ko ba malalaman na matalino nga ako?
Naguguluhan ako, masyadong nakakatakot ang naging panaginip ko. Ayokong mangyari ang bagay na iyon.
Nabalik ako sa kasalukuyan ng marinig ko ang marahas na pag bukas ng aking silid. Pumasok ang aking ina at ama, parehos hindi maipinta ang kanilang mukha at mukha rin silang natataranta—hindi alam kung ano ang unang gagawin.
Kung sa normal na araw lang, tatawa ako ng malakas dahil nag mumukha silang tanga sakinalang ginagawa pero hindi ko magawa ang bagay na iyon ngayun.
Ramdam ko ang panganib na paparating, hindi man nila sabihiin alam kung nanganganib kami.
“Sweety?” malambing na sabi saakin ng aking ina. Alanganin ang kanyang mga ngiti at parang hindi sigurado kung ano ang gagawin at sasabihin nya saakin.
Tiningnan ko ang mukha ng aking ina, puno ng pangamba at kalungkutan ang Kanyang mga mata, ito palang alam ko na, nasa panganib ang buhay naming tatlo.
Magsasalita pa sana ang aking ina ng may marahas ulit na nag bukas ng aking pinto. Isang estrangherong katulad na katulad ang mukha sa aking ama.
Napasinghap si ina at ama sa nakita, hindi ko alam kung kakambal ba iyan ni ama o hindi pero sa pagkakaalala ko nag iisang anak si ama ng kanyang mga magulang, ang dating hari at reyna ng Emsrielda de secreto.
Sunod na pumasok ang isa nanamang estrangherong kamukha ni Ina ang pumasok. This time, alam ko na na hindi sila kakambal o kadugo ng aking mga magulang.
Isa silang mga impostor na ginaya ang mukha ng aking mga magulang.
“Kamusta?” kasual na tanong ng kamukha ng aking ama.
“Sino kayo?”matigas na saad naman ng aking ama. Malamig ang kanyang tinig at masama ang kanyang tingin sa kaharap pero parang baliwala lang ito para sa kaharap.
Napasinghap naman ang kamukha ni ama at inilagay ang kanyang kamay sakanyang dibdib at umaktong nasasaktan sya sa sinabi ni ama.
“Hindi mo na ba ako naalala?” kunwaring naiiyak nito tanong kay ama.
Ngunit Hindi naman sya pinansin ni ama, kaya natawa ito. “Kumalma ka, kamahalan. Ako lang ito, ang tinapon nyong sanggol.” sabi nito.
Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ng aking ama, marahil ay maging ito ay naguguluhan. Dahil gaya nga nang sabi ko, nag iisang anak lang ang aking ama.
“Wala akong Kapatid.” matigas na sagot ni Ama.
Ngumisi naman ang lalaking kamukha ni Ama at nang-uuyam na tiningnan nya si Ama na para bang ini-insulto nya ito sa paraan ng pag titig lamang.
“Yun ang iyong alam...” sabi nito at may dinukot na kung ano sakanyang bulsa. “...alam mo na kung ano ito?” tanong nya at pinakita ang lampin ng isang bata.
Sa pag kakatanda ko, ang lampin na hawak nya ay para lang sa mga anak ng hari at reyna. Naiiba iyon sa lahat, at walang ni isang pwedeng gumamit nang bagay na yun maliban sa mga principe at princesa.
Napasinghap si Ina at Ama, kita ko ang pagkislap ng isang emosyon—gulat at kaguluhan ng isip.
“Paano ka nagkaroon ng bagay na iyan? Tanging mga principe—.” hindi naituloy ni ama ang kanyang dapat na sabihin ng tumawa ng malakas ang lalaking kamukha ni ama.
Medyo napapitlag pa ako ng bigla syang pumalakpak na parang nanalo sya sa isang paligsahan. “Exactly! Tanging mga principe at prinsesa lang ang nag mamay-ari ng bagay na hawak ko!”. Sabi nito.
“Brother?” lumambot ang ekspresyon ni ama at bahagyang lumamlam ang kanyang mata. Hahakbang na sana si ama paharap ng agad syang napatigil sa kanyang pwesto ng makita nyang bumunkt ng isang espada ang kanyang kaharap.
Ngumisi ang lalaking kamukha ni Ama at tiningnan nya ulit si ama ng mapang-uyam. Hindi ko gusto ang tingin na ibinigay nya kay ama, wala syang karapatan na ganyanin si Ama!
Tatayo na sana ako, para pagalitan ang mamang kamukha ni ama ng magtagpo ang mata namin ni Ina.
“Hide...” mahinang bulong nya kaya wala akong nagawa kundi ang bumalik sa pinag tataguan kung cabinet.
Siniksik ko ang sarili ko sa isang sulok at siniguradong hindi ako makikita ng dalawang estranghero, pero sinigurado ko rin na makikita ko nang maayos ang pangyayari.
Masikip ang lugar na pinag tataguan ko pero okay lang, dahil ang sabi ni Ina kailangan kung magtago rito at hinding hindi lalabas hanggat hindi nya pa sinasabi.
“Ano ang iyong kailangan?” napabalik ang atensyon ko kila ama ng marinig ko ulit ang kanyang malamig na boses. Nakakatakot ang ang kanyang boses na ginamit ngayun, hindi ito ang normal nyang pagsasalita.
Basi sa obserbasyon ko ginagamit ni ama ang ganitong klasing pananalita pag sobrang galit na sya. Isang beses ko palang nasaksihan na nagalit si ama pero nag hatid iyon ng kilabot saakin Hanggang ngayun.
Sa pag kaalala ko, mag tatlong taong gulang palang ako non ng mangyari ang araw na iyon, pero Hanggang ngayun na tatlo na ako ay kinikilabutan parin ako sa tuwing naalala ko ang pangyayari.
“Simple lang ang gusto ko kapatid.” sabi nito ng nakangisi, pinag lalaruan pa nito ang hawak nyang espada.
“Sabihin mo na, wag ka nang mag paliguy-liguy pa.” seryosong sabi ni ama. Hindi na mababakasan ng emosyon ang kanyang mukha, ibig sabihin malapit na itong magalit.
Napatawa ng malakas ang kamukha ni ama at walang pasabi sabing hiniwa ang braso ni ama.
Napatili naman si ina at ang kamukha ni ina, marahil ay hindi din nila inaasahan ang bagay na iyon katulad ko.
Nagdudugong tumalsik ang braso ni ama sa kung saan.
Nanginig ang katawan ko sa pagkabigla at pagkatakot, gusto kong lumabas pero alam kung hindi ako makakatulong kung gagawin ko ang gusto ko.
Itiniklop ko ang dalawang binti ko at yinakap ito. Nanlamig ang aking palad, ramdam ko iyon.
Sa edad kong tatlong taong gulang, ay marami na akong alam sa mga bagay bagay. Kagaya nalang ngayun, hindi pa man naiipaliwanag ng magulang ko kung ano ang nangyayari at kung ano ang mangyayari ngayun ay may alam na ako.
Pero naguguluhan ako, bakit kailangan nila itong gawin? Bakit kailangan nilang gawin ang bagay na ito?
“Aaah!” rinig kong hiyaw ni ama.
Napakagat ako ng labi at sinilip sila. Wala na ang isang kamay ni ama tapos si ina naman ay nakahawak kay ama at umiiyak.
Basang basa na ang pisngi ni ina at natataranta din ito, hindi alam kung ano ba ang gagawin nya.
“Masakit ba aking kapatid?” nang-uuyam nitong tanong kay ama.
Sinamaan naman sya ng tingin ni Ama, kahit na nahihirapan pinilit ni ama na indahin ang naputol nyang braso. Lumakad ito papalapit sa aking kama at inabot ang espadang nakadisplay sa ulunan ko.
“Isa kang duwag.” malamig na sabi ni ama. Mabibigat ang hakbang nito at puno ng authoridad ang prensya nito.
Parang Biglang hindi na sya si ama, nawala ang lahat ng bakas ng isang mapagmahal at maalaga kong ama. Pumalit ang isang delikadong hari na ni minsan ay di ko pa nasilyan.
Pag balik ni Ama sa dating pwesto nya ay itinaas nya ang espadang hawak nya at itinutok ito sa lalaking kaharap.
Tumaas ang isang kilay nito, at mabilis na itinaas din ang hawak na espada at nag simulang nakipag-espadahan.
Mabilis ang kanilang galaw na halos hindi ko na sila masundan, bawat hampas ng kanilang mga espada ay mabibigat.
Namangha ako, ngayun ko lang nasaksihan ang ganitong pangyayari! Kahit putol na ang isang kamay ni ama, kahangahangang nasasabayan nya pa rin sa galing ang lalaking kaharap!
Pansamantala kung nakalimutan ang aming situation dahil sa pagkamangha at hindi ko namalayan ay napalabas na pala ako sa tinataguan ko at tuwang tuwa na pinapanood sina ama.
Mahilig ako sa action movies, kaya hindi nyo ako masisi kung ganito ang reaction ko. Isang napakagandang palabas para saakin ang ganito!
“Sweety!?” nagulat ako ng may biglang humawak saakin.
Bahagya akong napatili dahil sa gulat, hindi ko napansin na nakalapit na pala si ina saakin. Masyado akong nahipnotismo sa magandang panoorin.
Hindi ko alam kung ano ang biglang nangyari pero bigla nalang akong niyakap ni ina at sumuka sya ng dugo.
Napasinghap ako at nagulat sa biglaang pangyayari , alaalang tiningnan ko si Ina. Hindi ako nag salita, tiningnan ko lang ang aking ina. Hindi ko mahanap ang boses ko!
“Well, look at that! May prinsesa pala kayong tinatago!”
Napatingin ako sa nagsalita, ang kamukha ni ina. Nakataas ang kilay nito at may nakapaskil na ngisi sakanyang labi. Napunta ang tingin ko sakanyang kamay kung saan nakita ko ang isang baril na may silencer.
Alam ko ang bagay na iyon dahil kasama iyan sa training ko.
“Sweety? Look at mommy”. Nanghihinang utos ni mommy. Bahagya pa syang napaubo at may lumabas na dugo sa kanyang bibig.
Nanlaki ang mata ko, at umawang ang kabi ko sa pag kagulat.
“Protect yourself for me okay?” sabi ng aking ina. Nakatingin sya saakin ng may pagsusumamo at pagmamahal.
Wala sa sariling natango ako sakanya. Iniangat ko ang kamay ko at inilagay ko sa mukha nya. Hinaplos ko iyon ng mabini, hindi ko namalayan na tumulo ang aking luha.
Napangiti ang aking ina ng mapait at malambing nyang pinunasan ang aking mukha na parang isa akong mamahaling kayamanan.
“Don't cry sweety, everything's gonna be alright.” malambing nyang sabi saakin at hinalikan ang noo ko.
Tumango ako sakanya kahit na alam kung hindi magiging maayos ang lahat pagkatapos nito.
“Aw, so cute.” maarting sabi ng kamukha ng aking ina. “...but enough of the drama, shall we?” nakataas kilay nyang sabi tapos ay kinasa nya ang hawak nabaril at itinutok sa aking ina.
Napatingin naman ako sa aking ina, nakangiti ito saakin, isang totoong ngiti, nginting nagpapaalam. “Long Live my princess”. Sabi nito bago iniharang ulit ang sarili nya sa paparating na balang dapat na papuntasaakin.
Nanlaki ulit ang mata ko, at yayakapin sana ang aking ina ng itinulak nya ako sa isang secretong lagusan na sa pagkakaalam ko ay patungo sa labas ng palasyo.
Pinilit kong abutin ang kamay ng aking ina pero mabilis ang pagdaus-dos ko sa parang padulasan sa secretong lagusan na ito.
Bago muling sumara ang secretong lagusan, nakita ko ang babaeng kamukha ng aking ina na galit na galit at pinagbabaril ng ilang beses ang aking ina kahit wala na itong buhay. Nakita ko din ang aking ama na may saksak ng espada diretsyo sa puso.
Napaupo ako sa damuhan ng makarating ako sa labas ng secretong lagusang dinaanan. Mapuno ang lugar at madilim pero hindi ako nakaramdam ng kahit na anong takot. Wala akong makapang kahit anong pakiramdam. Tanging alam ko lang ay ang katotoohanang patay na ang aking magulang at ako nalang mag isa.
Ipinikit ko ang aking mata at pinahid ang mga luhang kanina a pa umaagis saaking pisngi.
Mariin ko iyong pinahid at inalis ang ebedinsya ng luha. Pagkatapos ay iminulat ko ang mata at hinarap ang mapuno at madilim na lugar.
Tumayo ako mula sa pagkakasalampak sa aking inuupuan kanina at nilakad na ang maldilim na lugar.
Kailangan kung umalis sa lalong madaking panahon bago pa nila ako maabutan. Masasayang ang sakripisyo ni ina at amapara saakin kung ammatay din ako ngayun.
Kailangan kong makaligtas at mabuhay, kagaya nang hiningi ng aking ina.
“Find the princess!”
Napalingon ako sa madilim na lugar kung saan ng gagaling ang boses na iyon. Mahina ang pag kakatinig ko niyon dahil sa palagay ko ay malayo ito saakin.
Mabilis akong naglakad palayo sakanila at tinungo ang lugar kung saan ako lang ang nakakaalam. Hinawi ko ang mga tanim na nakaharang at mabilis na tinipa ang password.
Pagkabukas ay mabilis akong nagtunho sa loob at sinarado ang pinto.
“I'm so tired...” buntong hininga ko at pabagsak na nahiga sa kama ko. “Mother, father, what should i do now?”
Napatingin ako sa kawalan, at hindi ko na namalayan na nakatulog na ako ng mahimbing.
Nagising ako ng umaga na at sikat na sikat na ang araw. Napakusot ako ng mata ko at napatingin sa kawalan.
Nagbilang ako ng isa, dalawa, tatlo ngunit napakunot ang noo ko ng hindi pa rin bumubukas ang pinto ko.
Asan na sina ina at ama? Dapat andito na sila dahil tapos na akong magbilang ng isa, dalawa, tatlo.
Natigilan ako ng maalala ang nangyari kagabi. Sumikip ang dibdib ko at napahikbi. Akala ko ay magiging okay na ako pagkagising ko. Akala ko ay isa lang iyong masamang panahinip at kailangan ko lang matulog ulit at babalik na sa dati ang lahat! Hindi rin pala.
Napatingin ako sa malaking salamin sa gilid ko. Doon ko nakita ang isang batang babae na nag eedad ng tatlong gulang. Gulong-gulo ang kanyang gintong buhok at may mga kahoy na nakasabit sa kanyang ulo. Madungis ang kanyang mukha at may mga luha sakanyang pisngi. May sugat din ang kanyang labi, pero ang pinaka nakakabahalang tingnan ay ang kanyang matang walang kabubay buhay.
Sirang-Sira ang kanyang damit at punong- puno nang dumi.
Napabalik ulit ako nang higa sa aking kama, parang tinamad na din akong bumangon sa akin higaan at gusto ko nalang matulog habang buhay.