Naglalaro ang isang bata sa isang magarbong hardin kasama ang kanyang tatlong Chambermaids. Pinapanood lang sya ng mga ito habang sya ay nag lalaro ng kanyang mga manika.
“Sally, do you have magic?”
Sa edad na tatlo deritsyo nang mag salita ang batang babae na animo'y matanda na ito kung makapagsalita. May dala ring authoridad ang bawat salita at pag buka nang bibig nito. Hindi maikakaila na ang batang kaharap nila ay anak ng hari at reyna.
Napalunok naman ang babaeng chambermaid ng prinsesa bago humakbang paharap nang isang beses bago nya niyuko ang ulo. “Your highness, I have magic.”
Napatango-tango naman ang batang prinsesa bago tinigil ang pag lalaro sa kanyang mga manika. Inilagay nya ang kanyang hinturo sa Kanyang baba na animo'y nag iisip. Tapos maya-maya pa ay tumayo ito mula sa pagkakaupo at bahagyang pinagpagan ang kanyang gown na hangang lupa. Tapos ay inangat nya ang kanyang tingin sa chambermaid nyang Hanggang ngayun ay nakayuko parin.
“Are you telling the truth?
Napalunok naman ulit ang chambermaid na nag ngangalang sally bago lumuhod sa kanyang kinatatayuan. “Long live your majesty, this lowley servant of yours wouldn't dare to lie on the princess. May the gods and goddesses take my life if i did lie a single word to your majesty.” nakayukong sabi nito.
Napangiti naman ang prinsesa. “Rise”
Agad na tumayo mula sa pag kakaluhod ang chambermaid pero nanatiling nakayuko ang ulo nito. “Thank you, your highness.”
Ngumiti naman ulit ang prinsesa at bahagyang lumapit sakanila pero nanatiling may distansya parin.
“What power do you possess sally?”
Malambing at masarap pakinggan ang boses nang mahal na prinsesa pero for some reason, sally felt the chills she always felt when she is facing danger.
“I can control the water or any liquid, your highness.” sally replied while bowing her head.
Kahit na nangangalay na ang ulo ni Sally ay hindi sya nag tangkang itaas ang ulo nya. Sa lugar nila, pag itinaas mo ang ulo mo o hindi ka yumuko habang kausap ang myembro ng isang royalty ay hindi ka nag bibigay galang o respeto sa kanila. And disrespecting a royalty is like you are courting your death.
Tumango naman ang batang prinsesa at ngumiti ulit. “It's nice... Anyway, i wanna take a bath, let's go back to my room for now.”
_
Pagkatapos maligo at magbihis nang prinsesa ay agad na itong dumritsyo sa kanyang higaan.
“Leave.”
Yumuko naman ang tatlong Chambermaids nang prinsesa bago lumabas. Hindi na sila nag tanong pa kung bakit, usual routine na nang mahal na prinsesa ang matulog kahit na mataas pa ang sikat nang araw.
Napabuntong hininga ang tatlong Chambermaids pagkalabas na pagkalabas nila sa kwarto ng prinsesa.
“Air...ho!” sabi ni Sally.
Habol nya ang hininga nya na para bang tumakbo sya nang ilang libong kilometro at ngayun lang sya tumigil. Mabilis ang pag taas- baba ng kanyang balikat at bahagyang nakabuka ang kanyang labi para mas makasagap nang hangin.
“Grabi, nakaka ubos talaga nang hangin kapag kasama mo ang mahal na prinsesa. Gosh! Ho!” sabi din nang kasamahan ni Sally.
Kagaya nya ay naghahabol din ito nang hininga. Nakahawak ang kamay nito sa kanyang dibdib dahil sa bahagyang pagsikip nito.
“Nakakatakot ang presensya nya...” sabi din ng isa pang chambermaid. Habol din nito ang kanyang hininga.
BUMANGON muli mula sa pag kakahiga ang batang babaeng prinsesa pagkatapos maisaradong muli nang kanyang mga Chambermaids ang kanyang pinto.
Tumayo sya at naglakad papunta sa isang pinto. Kakulay ito nang pader kaya hindi masyadong pansinin. Pag bukas nya ay sumalobong sakanya ang kanyang pet, isa itong Kimuchi na mythical creatures na nabubuhay lang noong hindi pa nalikha ang mga tao. Walang kahit na anong history ang nakasulat sa kahit na anong libro tungkol sa mythical creatures na ito pero may mga legends tungkol sa nasabing mythical creatures.
Ayon sa mga kwento ang kimuchi ay isang nilalang na nagtutupad nang kahit na ano mang hihilingin mo kahit pa ang bumuhay nang patay, isa rin daw itong napakagandang nilalang at kaya nitong mang akit nangkahit na sino sa pamagitan lamang nang kanyang aking ganda. Ngunit lahat nang kwento ay mali, well maliban siguro sa part na isa ngang magandang nilalang ang kimuchi at kaya nitong mang akit gamit ang aking ganda nito but all in all mali ang kwento.
Hindi tumutupad nang kahit na anong hiling ang kimuchi at hindi rin ito bumubuhay nang patay but instead kimuchi is a very dangerous creature, imbes na tumupad ito nang kahilingan ay nag bibigay ito nang nakakamatay na sumpang walang lunas. Kung gaano kalaki ang iyong kahilingan yun din kalaki ang iyong sumpang matatanggap.
“Hi there my innocent pet...” nakangiting sabi nang mahal na prinsesa sa kanyang alagang kimuchi.
Malambing namang kinukus nang kanyang alaga ang kanyang malambot na balahibo sa kamay nang prinsesa at nag pakawala nang 'soft roar'.
Napahagikgik ang prinsesa sa ginawa nang kanyang alaga at masuyo nyang yinakapang kimuchi. “You're so cute, aren't you? My innocent kimuchi.”
“I'm glad to see you again, my master”
Napangiti naman ang prinsesa at inilagay ang kanyang maliit na kamay ulo nito.
“Likewise...”
SA KABILANG bahagi nang palasyo matatagpuan ang opisina nang mahal na hari. Malayo ito mula sa chamber nang mahal na prinsesa ngunit kahit ganon ay nalalaman at nalalaman nang mahal na hari ang nangyayari sa anak, hindi impossible dahil isa syang hari. Maari syang mag utos nang sandamakmak na Shadow guards para bantayan ang nag-iisang anak na babae.
Marami ang mga lihim na nagsusubay-bay sa mahal na prinsesa at inirereport nang mga ito ang mga nangyayari araw-araw sa anak ng hari.
“Report.” malamig na sabi nang hari ng hindi inaangat ang tingin sa bagong dating na Shadow guard.
“Your majesty, the princess is currently sleeping right now in her bedchamber.” magalang na saad nang shadow guard habang nanatiling nakayuko ang kanyang ulo.
“Is there anything unusual happen?”
Bahagya namang umiling ang shadow guard. “Nothing unusual happen your highness. Just like the usual routine, she will play, then go to sleep after that. ”
Tumango naman ang hari at idinismiss na ang shadow guard. Yumoko naman ang shadow guard at mabilis na naglaho, gumamit ito ng teleportation.
“Aries, what's the situation?” malamig parin na sabi nang hari ng hindi parin inaangat ang tingin mula sa binabasang papel.
“Your highness the rebel vanish after they massacred the Ciopur kingdom. There is no trace left behind like they didn't exist at all.” nakayukong pag iimporma nang lalaking nag ngangalang Aries. Ang isa sa mga high official nang hari.
“Any information why?”
“There is none, your highness.”
Tamango naman ang hari at bahagyang napahilot sakanyang sintido. “Tighten up the security Aries and triple the shadow guards of the princess. ”
Magalang namang yumuko ang lalaking nagnangalang Aries at tahimik na lumabas nang silid at sinunod ang utos nang hari.
HABANG SA kabilang banda naman nang palasyo ay matatagpuan ang isang ginang na may sout na Corona sa kanyang ulo—nakatanaw ito mula sa kanyang balkunahi.
Malayo ang tingin nito na para bang may malalim itong iniisip.
Maputla ang labi at bahagyang pumupungay ang mga mata neto dahil sa iniindang sakit. May kislap nang kalungkutan ang mata neto at pagkalumo. Nanunubig din ang mga mata neto dahil sa puno-puno nang emosyon ang kanyang puso.
Bahagyang na aalarma ang mga chambermaids nang mahal na reyna nang may pumatak na luha mula sa mata ng kanilang reyna.
Gusto nila mag tanong ngunit alam nilang wala silang karapatan. Ngunit kahit na lahat sila ay kinakabahan may isang nag lakas nang loob na isatinig ang tanong na kanina pa nilang gustong itanong.
“Your highness, do you mind if i ask you what's the problem?” magalang na tanong nang isang chambermaid.
Mahinang napasinghap naman ang mga kasamahan nya dahil sa pagtatanong nito. Kinabahan sila para sa kanilang kasamahan. Hindi biro ang ginawa nito. Lumabag ito sa batas nang mga katulong at maari itong maputulan anng dila kung sakali o ang mas malala ay hahatulan ito ng kamatayan dependi sa gusto nang reyna.
Napabuntong hininga naman ang mahal na reyna at mahinhing ibinaling ang tingin sa maid na kasalukuyang nakayuko ngayun.
Mabini itong ngumiti at eleganting naglakad patungo sa chambermaid.
“Rise..” mahinahon na saad nang reyna.
Agad namang nag angat nang ulo ang chambermaid at bahagyang napatulala nang makita nya ang nakangiting mukha nang mahal na reyna. Nakahinga sya nang maluwag at nabunutan anng tinik ang kanyang dibdib dahil akala nya talaga ay mapaparusahan sya dahil sa kapangahasan nya.
“Thankyou, your majesty.” magalang na sabi nito. May hindi maitatagong ngiti sa labi nang chambermaid dahil sa kauna-unahang pag kakataon. Nag karoon sya nang pagkakataon na makita nang harapan-harapan ang reyna.
The queen chuckled once again. “Cel, calm down.” natatawang sabi nito ngunit sobrang calculado nang bawat galaw nang katawan nito ngunit nakakamanghang tingnan dahil sobrang natural nang kilos nito at hindi pilit.
“I will do as you say your highness.”
Napahagalpak naman nang tawa ang reyna—biglang nawala ang pagiging calculado nito sa kilos at walang pakandungang tumawa. Nakahawak pa ito sa tyan.
“Ah so cute!”
NAPATINGIN ang mahal na prinsesa sa kanyang pintuan ng marinig nya ang mahinang pagkatok mula sa labas. Kasunod nito ay narinig nya ang boses nang kanyang chambermaid na si sally.
“Princess Merea, King Damien is asking for your presence in his office.”
Napalabi naman si princess Merea, bago napatingin sakanyang balkunahi. Napagtanto nyang hapon na pala, at kailangan na nga nyang lumabas. Bago sya tumayo mula sa kanyang kinahihigaan ay itinago nya muna sa ilalim nang kanyang unan ang librong binabasa nya.
Naglakad si princess Merea sa pintuan at agad na binuksan ito. Sumalabong sakanya ang kanyang chambermaid na nakayuko sa gilid. Sinulyapan nya lang ito bago sya nag patuloy sa pag lalakad.
Tinungo nya ang teleportation elevator na kung tawagin ay televator. Ang televator ay isang hugis kahon na kagaya nang isang elevator ngunit ang kaibahan lang ay hindi pataas at pababa ang andar nito. Kundi ay tiniteleport ka nito sa kung saan mo gusto.
Agad na pumasok sa loob si princess Merea nang makarating sya sa tapat nang televator. Habang ang kanyang chambermaid naman ay nanatili sa labas.
“Bring me to my father's office.” bigkas ni princess Merea.
Agad na nabalot nang kakaibang liwanag ang katawan nang prinsesa bago nawala sakanyang pwesto.
Yumuko naman ang chambermaid na si sally bago nya tinalukuran ang televator. Mabilis syang nag lakad papunta sa kabilang bahagi nang palasyo kung saan ang opisina nang hari. Kailangan nyang antayin ang prinsesa mula sa labas nang opisina ng hari.
Hinihingal-hingal na nakarating si sally sa tapat nang pintuan nang hari. Sobrang napakalayo kasi nang tinakbo nya para lang makarating agad dito. Hindi naman pwede na gamitin nya ang televator dahil tanging royalties lang ang pwedeng gumamit nun.
“Hoo!” buntong hininga nya bago umayos nang tayo sa gilid nang opisina nang hari kasama ang nagbabantay rin nang pintuan ng hari.
MALAMIG na mata ang nakikipagtitigan sa mahal na prinsesa. Kulay asul at kulay abo ang mga mata nito, mahaba rin ang mga pilik mata nito. Napakaganda kung tutuusin ng mga mata ng hari ngunit kasabay nang pagiging maganda ng mga mata nito ay ang nakakatakot na presensyang dala nito. Kaya wala pa ang may nag lakas loob na makipagtitigan sa mahal na hari maliban sa anak njtong babae na si princess Merea.
“Daddy are we doing some staring contest?” inosenting tanong ng mahal na prinsesa sa kanyang ama habang hindi parin tumitigil sa pakikipagtitigan sa kulay asul at kulay abo na mga mata neto.
Napangiti naman ang hari sa tanong nang anak at isinenyasan nya itong lumapit sakanya. Mabilis namang sumunod ang mahal na prinsesa sa utos nang hari, pero nanatiling hindi bumibitaw sa pakikipagtitigan ang prinsesa habang papunta sa tabi nang hari.
Napatawa naman ng mahina ang mahal na hari sa ginagawa nang kanyang anak. Pinaupo nya iti sa kanyang paa at maingat yinakap ang anak patalikod.
“No sweetheart, we are not having a staring contest.” malambing na sabi nang hari at hinalikan sa pisngi ang anak.
Napanguso naman si princess Merea at napahulukip-kip. “We are not?” sabi nito sa mahinang tinig.
The king chuckled because of her sad response. “Do you need anything, my princess?”
Kumislap naman agad mata nang prinsesa nang marinig nya ang sinabi nang hari pero pinigil nya ang sarili nyang ngumiti at pa-inosenting nag palinga linga.
The king chuckled, her little princess is acting cute again. “Come on, tell daddy what do you want?.”
Tuluyan nang napangiti ang princess at hinarap ang kanyang ama. “Can i visit mommy tonight daddy?” sabi neto at nag puppy eyes.
Natigilan naman ang hari, at sandaling napa isip. Pagkuwan ay malambing itong ngumiti sa anak. “Yes you can, Sweetie. Let's visit mommy tonight.” nakangit8ng pahayag nang hari.
Napatili naman ang prinsesa at pinugpug nang halik ang kanyang ama. “Thankyou daddy!”
Matagal narin simula nang makita nya ang kanyang ina dahil sa sakit netong nakakahawa. Kaya bawal syang makipagkita sa kanyang ina sa kahit anong oras nya gusto.
PAGSAPIT NANG gabi ay tinupad nga nang kanyang ama ang kanyang hiling, nagtungo sila sa kwarto nang mahal na reyna. Bago pumasok sa loob ay nag sout muna sila nang isang uri nang roba na may protective spell.
Nakakahawa ang sakit nang mahal na reyna at hindi iyon pwedeng dumapo sa hari at prinsesa. Pagkatapos nilang mag sout ay excited na pumasok sa loob ang prinsesa.
Nanlaki naman ang mata ng mahal sa reyna at napangiti nang malapad. Gusto nya mang takbuhin ang Distansya nang kanyang ana ay hindi pwede.
Naging mas mahina na ang kanyang katawa na pati ang pag tayo ay hindi na nya kinaya. “M-my princess...” nanghihinang saad nito.
Napakurap-kurap naman ang prinsesa, hindi nya inaasahan na ganito na pala kalala ang kalagayan ng kanyang ina. Mabagal syang nag lakad papunta sa gilid nang kanyang ina at naupo sa upuan nalapit sa gilid neto.
“Mommy? You'll be okay right?” malungkot na sabi nang prinsesa sa kanyang ina. May lungkot sa boses nito at pagsusumamo.
Mapait namang napangiti ang kanyang ina at dahan-dahang umiling. Ayaw nya mang masaktan ang kanyang anak sa katotohanang hindi na sya gagaling pero kailangan at syempre ayaw nya ding umasa ang kanyang anak na gagaling pa sya at baka mas masaktan pa ito sa huli. Mas mabuting sabihin nalang nya ang totoo habang buhay pa sya para at least hindi ito masyadong masaktan pag dating nang panahon.
“Mommy is dying, little bean.” mahinang sabi ng reyna, tinatansya ang magiging reaksyon nang anak.
“You mean, you will be a star soon?” sagot naman ng prinsesa sa inosenting tinig.
Tumango naman ang reyna at napangiti. “Yes my princess, mommy is going to be a star soon.”
Ngumiti nang malapad ang prinsesa sa kanyang ina.“For sure, you will be the brightest star cause your the best mommy in the world!”
Napatawa naman nang mahina ang hari at reyna at nag katinginan. They smiled to each other lovingly and look back to their cute little princess.
“Come princess, give mommy an inflatable hug!”
Masaya namang umakyat sa higaan ang prinsesa at niyakap nang mahigpit ang kanyang ina.
“Good bye sweetheart, mommy loves you so much.” mahinang bulong nang mahal na reyna.
Natigilan naman ang prinsesa at dahan-dahang kumalas sa yakap nang kanyang ina. “Mommy?” mahina nya itong niyugyug at tinapik tapik pero walang naging reaksyon ang kanyang ina.
Napalunok ang prinsesa at mahinang niyugyug ulit ang kanyang ina ngunit gaya nang kanina wala padin itong reaksyon. Nalaglag ang kanyang luha, napahikbi nang mahina ang prinsesa bago dahan-dahang bumaba sa kama nang kanyang ina.
Mariin nyang pinunasan ang kanyang luha at Pina tigas ang ekspresyon sa mukha. Sa Batang edad ay tinuruan na silang kontrolin ang emosyon sa ganitong sitwasyon dahil hindi pwedeng magluksa pag may namatay na isang myembro nang pamilya dahil ayun sa paniniwala nila, hindi makaka alis nang matiwasay ang namatay pag madami ang nagluluksa.
Napatingin ang mahal na prinsesa sakanyang ama, katulad nya ay wala nang emosyon ang mukha nito at malamig ang tingin nito.
Maya-maya pa ay sabay na yumuko ang prinsesa at ang hari bago lumabas.
The queen is dead.