Krystal's POV Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa akin nang marinig ko ang hatol ng korte para sa itinuring kong ama at kay Tita Sonia. Masaya ako dahil sa wakas mapagbabayaran na nila ang mga ginawa nilang panggugulo sa amin, sa akin at sa mga kaibigan ko, pati na sa itinuring kong ina at mga kapatid pero hindi pa din mawala ang lungkot sa parte ng puso ko dahil kahit paano minsan ko silang itinuring na mga magulang. Napatingin ako sa kamay na humaplos sa likod ko. Si Papa.. "Congratulations, napanalo n'yo ang kaso.." nakangiting saad nito pero alam kong may lungkot din s'ya. "Salamat po, pa," tugon ko dito sabay yumakap sa kan'ya. Tatlong bwan na din ang nakalipas simula nung nakulong sila at eto na nga ang huling hearing ng kaso nila. Sa nagdaang tatlong buwan ay naging mabi

