Krystal's POV Busy akong nag aayos ng mga gagawin namin nila Camille nang biglang tumawag sa amin ang lobby at pinapababa ako dahil may naghahanap sa akin. Mabilis akong bumaba doon, only to find out na nandoon sila Mama este pekeng mama kasama ang anak n'yang si Lance. Ilang linggo pa lang akong nakakabalik dito sa Manila at pinapanalangin kong wag nang magkita o magtagpo ang landas namin pero sila pa talaga ang nagpunta dito. "Pakitawagan naman ako kay Atty. Vasquez. Salamat," saad ko sa receptionist nang mapadaan ako doon. Nasa labas lang naman kasi sila Lance at hindi pinapasok kaya pakiramdam ko mas naiinis sila ngayon. "Papasukin n'yo na nga kami! Saglit lang naman kaming makikipag u-ayan na pala e! Lumabas ka dito, Jane! Mag usap tayo!" nakasinghal nitong saad sa akin sabay ha

