Napatingin
naman ako sa
mata nya, nanlaki
na
lang
din mata
ko
dahil yung
kulay
brown
nyang mata
naging kulay
gray
na, tapos
yung
buhok nya medyo
ma brown
na
maabo,
tapos yung may parteng
dibdib
nya may parang
kaliskis na nag mistulang bra na nakapalibot sa ano nya, basta alam nyo na kung ano.
"Natatakot ka ba sakin?" malungkot nyang tanong
"H-h-hindi n-n-aman, n-a- g-gulat l-ang a-ako"
bulol na sagot
ko sa
kanya.
"Ikaw lang ang unang mortal na pinag pakitaan ko
ng tunay
kong itsura" malungkot nyang
sabi kaya hinawakan ko agad
mukha nya.
"Wag ka
malungkot,
hindi
ako natatakot
o ano
pa man sayo, nagulat lang ako
dahil sa
kauna-unahang pagkakataon,
sa
hinaba haba
ng panahon napatunayan
ko
sa sarili ko na totoo
kayo"
paliwanag
ko
sa kanya habang nakatingin
sa
mala abong kulay nyang mata, napangiti naman sya sakin.
"Ipapakita ko sayo
kung pano mo maririnig ang ibang
kauri
namin" sabi nya,
tapos
hinawakan nya
kamay
ko.
Hindi naman maalis
mata ko sa kanya habang pinapanood ko sya lumangoy.
Hindi ako
makapaniwala
na masasaksihan
ng
dalawa
kong
mata itong ganitong
mga
bagay, hindi ko akalain na
totoo mga sinasabi
ni
Sir, at ngayon
kasama ko
pa
at masasabi kong napaibig
ako
ng isang
nilalang na
kailanman
buong buhay ko
hindi ko pinaniwalaan,
napalingon
naman sya
sakin, saka
lumangoy papalapit at hinawakan
mukha ko, nanlaki
na
lang mata
ko
nung
hinalikan nya
ako para bigyan ng hangin,
pagkakalas nya sa labi ko, ngumiti sya sakin kaya automatic napangiti na lang din ako.
Lumangoy naman sya pababa papunta sa may butas
Kaya
agad ako sumunod.
Pagkapasok ko...
Lumapit
naman
agad
sakin si Azaria at
yinapos ako saka ako inilangoy papasok
dun sa
may
makipot na butas papasok sa kabilang parte nitong nilalanguyan namin, damang dama ng
katawan
at
binti
ko
yung mga kaliskis nya, hindi
ordinaryong kaliskis
na
matitigas,
sobrang
lalambot ng
kaliskis
nya na akala mong unan sa
lambot yung
buntot nya.
Pagkaahon
naming
dalawa,
agad nya naman
ako
tinulungan
umakyat
sa bato,
tapos
sya
naiwan dun sa
tubig habang
nakaupo
din sa
may
lapad na bato, tapos
ikinakampaw nya
yung buntot nya,
kaya
mas lalo ako namangha,
nilinga linga
ko
naman itong kweba na pinasukan namin,
Saka
ako pumunta sa
katabi nya , sabay
upo.
"San tong lugar na to?" tanong ko sa kanya.
"Ikaw pa lang ang
unang
mortal na nakapunta
dito,
walang
nakaka puntang mortal
dito
dahil
dun sa butas na pinapasukan natin kanina,
nalulunod na sila,
kaya
yinapos kita para
ipasok dito"
paliwanag nya sakin,
medyo kinilabutan
naman
ako, naku, kung siguro ako lang mag isa pumunta dito for sure pulutan na ako ng mga pating.
"Lagi
ako andito
kapag
nalulungkot ako, napunta ako
dito para
pakinggan yung
ibang
tinig
ng mga sirena kagaya
ko" sabi
nya, tapos medyo pinakinggan
ko naman itong buong kweba kaso
wala akong
naririnig.
"Huh? Wala naman ah" sabi
ko
sa kanya,
hinawakan nya naman yung mukha
ko saka
tumingin sa
mata ko kaya
napakurap
kurap ako, sobrang ganda talaga
ng
mata nya.
"Handa ka na ba marinig?" tanong nya sakin, kaya tumango tango na lang ako.
"Pumikit ka" sabi nya, kaya agad ko naman sinunod.
Pag kapikit
ko, ramdam ko
na lang
na lumapat labi nya
sa labi ko,
saktong
pag kalapat ng labi
nya,
may mga tinig
akong narinig kaya sa gulat napahiwalay
ako ng labi ko sa labi nya.
"Nakinig mo?" Nakangiting tanong
nya sakin,
nanlalaki
namang
mata akong tumango
sa kanya.
"Pano nangyari
yun? Ibig
sabihin maririnig
ng
isang mortal kagaya
ako ang mga
kauri nyo sa
pamamagitan ng halik ?" agad
kong
tanong sa kanya,
ngumiti naman sya
sakin
at tumango.