"Kanina ko pa
gusto itanong
to
sayo eh, ilang taon ka na?" taka ko ulit tanong.
"Uhmm"
sabi nya
habang nagbibilang sa mga kamay nya.
"150 years old" sagot nya kaya nanlaki mata ko, nainlove ako sa sirenang 150 years old? Wow, just wow.
"Pero bakit
ang
bata
mo pa tignan?" taka ko
ulit
tanong,
nag kibit
balikat naman sya
sakin, well siguro
hindi lang talaga
sila
tumatanda.
"Sa tingin mo pag
nag kaanak tayo mabubuhay din sya ng kasing
tagal kagaya
nyo?" tanong ko ulit, napaisip naman ulit sya sabay
kibit balikat ulit.
"Hindi
ko
din alam" sagot
nya sakin, gaya
din
pala
naming
mga tao, madami din silang
katanungan na hindi
rin
kaya
sagutin.
"Kung halimbawa na mabubuntis ka, ilang months kayo nag dadalang sirena or tao or whatever?" pabiro kong tanong sa kanya.
"Sabi ni Ezra sakin, umaabot ng tatlumpung buwan ang pag dadalang tao namin" sagot nya
"30 months so equivalent of 2.5 years? wow!!!!! so 2 years and 5 months, bakit ang tagal???" mangha at pagtataka kong tanong sa kanya, muli nagkibit balikat ulit sya sakin.
"Alam mo kung isasama ka sa ranking ng mga pinakamatagal mag buntis, ma bebeat mo pa ang African Elephant sila 1.8 years lang, and Whale 1.6 years at sea lion na tumatagal lang ng 11 months mahigit, Wow, just wow, hindi talaga ako makapaniwala, alam mo kung mailalabas ka sa public sisikat talaga ang nakadiscover sayo" tuwa kong sabi sa kanya, medyo nag iba naman ang reaksyon ng mukha nya at napatungo.
"Natutukso ka na din bang ilabas ako sa publiko dahil sa mga kakayanan naming mga sirena? Dapat bang hindi kita pag katiwalaan gaya ng nabanggit sakin ni Ezra?" malungkot nyang tanong, medyo natauhan naman ako bigla sa tanong nya
"Gaya ng ipinangako ko sayo, walang ibang makakaalam tungkol sa inyo" seryoso kong sagot sa kanya, tumango lang sya sakin pero bakas pa din sa mukha nya ang pag kalungkot.
"Azaria" sambit ko sa ngalan nya.
"Hmm?" sagot nya
naman.
"Pwede
mo
ba ako kantahan" pakiusap ko
sa
kanya,
humarap naman sya sakin at
ngumiti, saka nya ibinuka
ang
bibig
nya
at umawit.
Kinuha ko
naman yung cellphone
ko at nirecord
pag kanta nya, hindi maalis
sa
bibig
ko
ang
mga
ngiti habang
pinapanood
ko
sya.
Isa lang ang bagay na hindi
ko
pinaniniwalaan sa ngayon,
hindi
lahat ng sirena
pag patay at pang bibiktima
ang hanap.
Gaya
naming
mga
tao,
pagmamahal lang din
ang
hanap
nila,
at nag papasalamat
ako
dahil parehas namin natagpuan ang
isa't
isa.
Bawat
buka ng
bibig
nya
tagos
na
tagos
sa
puso ko lahat
ng gusto nya
iparating, ramdam ko naman na may tumulo pababa mula sa mata ko, pagkahawak ko sa pisngi ko, basa na pala ng luha, hindi ko namamalayan naiyak na pala ako. Pagkatapos nya kumanta, muli sya ngumiti
sakin,
agad naman
ako lumapit sa
kanya at hinawakan mukha sabay halik
sa labi
nya.
*AZARIA POV*
Kalaliman ng gabi, habang pinapanood ko ang alon sa mga dagat mula dito sa bintana ng tahanan ni Kendrick, Nakinig
ko ang awit na tinig
ni Ezra,
kaya
agad ako
napatayo,
napalingon naman
ako kay
Kendrick
na
kasalukuyan
pa natutulog , agad din ako
lumabas ng tahanan
nya,
nang
makarating ako dito
sa labas,
"Ang
tagal
kitang inaantay
umuwi, hanggang
ngayon
andito ka
pa din" wika nya
sakin.
"Ramdam
ko
ang
nararamdaman mo, binalaan
na kita Siren,
lahat
ng mortal mang
gagamit,
kapag
nalaman ng
ibang
mortal na
hindi
ka
tao, huhulihin
ka
nila
at pag
aaralan" dagdag
nyang
wika kaya
ngumiti
ako sa kanya
"Wag ka mag alala
Ezra,
pinalitan
ko ang
ngalan ko,
hindi
masamang
tao si Kendrick,
sa
kanya
ko lang naramdaman
ito.
Alam
kong hindi
nya ako pababayaan
Ezra" sagot ko sa kanya
"Huwag ka pakasiguro Siren, hindi mo sya lubusang kilala, pag dumating ang araw na tatalikod sya sayo,
malalaman
mo
kung
gano
kasakit umibig sa
mortal,
mauubos
lang
ang luha
mo at
baka ikamatay
mo pa ito"
"Kaya
ba
bawal umibig ang kagaya natin sa mortal?" pagtataka ko na tanong sa
kanya.
"Tandaan mo Siren, lahat
ng kasiyahang nararamdaman
mo ngayon, may kalungkutan na
kapalit" huli nyang
sambit
hanggang sa
tuluyan na syang
pumailalim
sa
mga naglalakihang alon.
Kagaya ng
dati kong
ginagawi,
umupo na lang
ako dito
sa bato at nag-isip hanggang sa
sumikat
ang
araw.
Hindi ko maintindihan,
bakit
kelangan
pang makaramdam
ng
kalungkutan, hindi ba pwedeng
puro
kasiyahan na
lang?
Kelangan ba talaga ang
kalungkutan sa tuwing
umiibig?
Mga tanong sa aking isipan
na
hindi
ko alam kung
ano
ang kasagutan.
Bigla
ko naman
naramdaman na may yumakap
sakin mula sa
likuran ko.
"Bakit hindi
mo ako ginising
para nasamahan kita
manood ng sunrise?" tanong
sakin ni Kendrick,
minsan may mga bagay syang inimik
na
hindi
ko lubos
maintindihan.