SCARLET'S POV Scarlet's POV "Wow! LV! Totoo 'yan, Scarlet?" Agad na sinuri nina Lyn at Zhai ang bagong biling pulang handbag ko. Tipid akong ngumiti at tumango. "Yup! Isa sa mga bagong labas nila. Galing 'tong Hong Kong. Binili namin kagabi," pagkikwento ko bago umupo. "Ang sosyal mo naman, sa ibang bansa ka pa bumibili ng ganito!" puri niya pa dahilan para mahina akong matawa. "'Di naman," sagot ko at isinalpak ang bagong earpods sa tenga at binuksan ang bagong model ng phone na binili ni Kyrous para sa akin. "Bago rin pala ang phone mo?! Ang yaman mo naman pala, Scarlet!" manghang saad ni Zhai matapos ibalik ang bag ko sa akin. Napangisi ako at inayos ang bag. Mahirap na baka magasgasan. Bagong bili lang 'yon! "Hindi naman sa mayaman. Regalo lang 'to sa akin kasi na-perfect ko

