LJ'S POV "Wait, Love. Tapos na siguro 'yong wina-washing ko. Tinignan ko lang," paalam niya nang tumunog ang timer sa phone niya. Umayos ako ng upo at sinundan siya ng tingin. Nang makalayo siya ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ang likuran niya. Sunod kong tinignan ay ang parteng inupuan niya. May marka ng dugo roon! Napalunok ako at tumayo para sundan siya sa laundry area. "Scarlet," tawag ko at nag-iwas ng tingin dahil nakatuwad ang puwesto niya habang kinukuha ang puting comforter mula sa machine. May kaliitan pa naman ang short na suot niya. "Oh? Bakit, Love? May problema ba?" tanong niya dahilan para mapatingin akong muli sa kanya. Nakatayo na siya ngayon at abala sa paglipat ng nilbhan papuntang dryer. "Yeah. Uhm..." I only pointed the lower part of her body. "You have

