SCARLET'S POV "Hold this." Hinawakan ni Kyrous ang kamay ko at pwersahang inihawak ang payong sa akin. Umikot siya at pumasok sa loob ng kotse. "Sakay na, Scarlet!" nagmamadaling utos niya. Tinupi ko ang payong bago sumakay sa tabi niya. Inilagay ko sa ibaba ang payong at agad na niyakap ang sarili nang umihip ang malamig na hangin ng aircon sa basang katawan ko. "I'll turn it off," Kyrous uttered and clicked something on a remote of his car. Kahit nagsimula siyang mag-drive ay palingon-lingon pa rin siya sa akin. "Are you fine?" He then hold my hand that is resting on my exposed leg and drived using only his one hand. Kung kanina ay nanginginig lang ang katawan ko, ngayon naman ay bumibilis na rin ang pintig ng puso ko. "Oo," mahinang sagot ko at marahang pinisil ang kamay niy

