SCARLET'S POV TRIGGER WARNING: SPG! "Kyrous, ang hirap magkagusto sa iba. Kaya nga noong naging crush ko si LJ, 'di ko na siya tinigilan kasi baka siya na... baka may kapalit ka na." Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilang umiyak nang makita ang samut-saring emosyon sa nanlalambot niyang mukha. "Kaya, please, payagan mo na ako? Gustong-gusto kong maging boyfriend si LJ kasi gustong-gusto ko na ring maalis 'yong pagmamahal ko sa 'yo. Para kapag bumalik na si ate, okay na ako—" "No!" Napahinto ako sa sagot niya. Akala ko, para ipaglaban ang nararamdaman niya, pero hindi pala. "Ginastusan kita para mag-aral dito, Scarlet, hindi para maghanap ng ipapalit sa akin!" Umangat ang kilay niya. "Gusto mong maging boyfriend siya? Sige lang! Basta ilalayo kita rito at sisiguraduhin kong

