TRIGGER WARNING! SCARLET'S POV Kahit na malamig pa rin ang pakikitungo niya sa akin ay nagwala na ang puso ko. Saan kami pupunta? Magdi-date ba kami para sa celebration ng birthday ko? Oh my god! I can' t wait! Matapos naming kumain ng inorder ni Kyrous online ay nagtipa ako ng mensahe para sa mga kaibigan ko. Gusto kong magpaalam muna kay Kyrous bago kami umalis para siguradong makakapunta ako sa party mamaya pero baka magalit na siya agad. Scarlet: Guys, may pupuntahan kami mamaya. Sorry na agad kung mali-late ako ngsryhjklm Nabitawan ko ang phone ko nang kunin iyon ni Kyrous sa akin. "Leave your phone here. I don't want you to have any distraction." Napanguso ako nang ihagis niya iyon sa malambot na sofa. Pinanood ko ang pagtalbog niyon bago nagpahila kay Kyrous nang hawakan ni

