CHAPTER 50 AIRA Tahimik ang loob ng restaurant, ‘yong klase ng katahimikan na may halong marahang tugtog at mahinang usapan ng mga taong may kanya-kanyang kwento. Amoy ko ang bagong timplang kape at mainit na tinapay, pero kahit gaano pa ito kasarap, hindi nito maalis ang bigat sa dibdib ko. Nakaupo ako sa tapat ng bintana, nakatanaw sa labas. Dumadaan ang mga sasakyan, mabilis ang galaw ng mundo—samantalang ako, pakiramdam ko, naiwan pa rin sa isang bahagi ng nakaraan na pilit kong tinatakasan. “Matagal ka na bang naghihintay, Aira?” Napalingon ako at agad na tumayo nang makita ko si Dra. Fatima. Maaliwalas ang mukha niya gaya ng dati. Simple lang, pero elegante, may awtoridad pero may init ang mga mata. Ngumiti ako, pilit na ibinaba ang kaba. “Hindi naman po, Dra. Kakaupo ko lang,”

