CHAPTER 18 Aira Hindi ko alam kung paano ako humihinga. Ramdam ko pa rin ang init ng mga labi niya sa balat ko, parang naiwan doon ang marka niya kahit hindi na siya nakadikit. Parang lahat ng ginagawa niya ay may sariling bigat, sariling ibig sabihin, at hindi ko maintindihan kung bakit parang kaya niyang kontrolin ang buong katawan ko… pati isip ko. Nanginginig pa rin ako, hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa paraan ng pag-angkin niya sa akin. Para bang kaya niyang basahin bawat hiya, bawat kaba, bawat maliit na pag-angat ng dibdib ko sa bawat paghinga. “Rick…” mahina kong tawag, halos hindi ko marinig ang sarili ko. Nakatukod siya sa magkabilang gilid ko, nakayuko, pero hindi ko makita nang buo ang mukha niya dahil sobrang lapit niya. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa balat ko

