Episode 15

2781 Words
CHAPTER 15 Aira Maaga akong nagising kahit ang lambot ng kama at ang lamig ng aircon na parang niyayakap ang buong kwarto. Nasa isa akong mamahaling hotel sa Abu Dhabi—hindi ko man pinili, pero si Rick ang nagpabook nito para sa’min. Sabi niya para daw comfortable ako, para makapagpahinga ako habang siya ang mag-aasikaso ng meetings. Pagmulat ko ng mata, agad kong naramdaman ang katahimikan ng kwarto. Tahimik pero marangya—ang bango, ang linis, ang laki. Parang hindi pa rin ako makapaniwala na ganito na ang buhay ko ngayon. Ilang buwan lang ang nakalipas, simpleng empleyada lang ako sa office, pero ngayon… kasama ko ang CEO. Boyfriend ko pa. At ako pa ang executive assistant niya. Napabuntong-hininga ako, halos mapangiti nang hindi ko sinasadya, nang tumunog bigla ang cellphone ko. Nag-vibtate muna ito bago tuluyang nag-ring. Pagtingin ko sa caller ID, parang automatic na kinabog agad ang puso ko. Sir Rick Calling… Umupo ako nang deretso sa kama, inayos ang buhok kahit alam kong hindi niya naman ako nakikita. “Hello, Sir- este, Hon?” sabi ko, may bahid pa ng antok ang boses ko. Parang bigla akong kinilig nang tawagin ko siyang hon. Parang ang sarap niya tawagin sa gano'n. “Aira, sweetheart?” malambing niyang sagot, ngunit ramdam ko ang pagod. “Just letting you know, mamayang hapon pa ako makakabalik sa hotel.” Napakurap ako. “Mamayang hapon pa? Akala ko po- I mean, akala ko dito ka matulog kagabi, pero bakit hindi ka nakapunta rito?" Ini-expect ko talaga na dito siya matulog sa pina-book niyang hotel, pero hindi man lang siya dumating. Narinig ko ang mahinang paghinga niya. “Nagkita kasi kami ng friend ko. Niyaya niya ako mag-inom. Nahihiya naman akong tanggihan. Tawagan sana kita kagabi, kaso ang dami namin pinag-usapan. Saka marami pa akong gagawin today. You don’t have to worry, okay? Gawin mo muna kung ano ang gusto mo. Gumala ka, mag-shopping, pumunta ka sa mall. Mamayang gabi, magdi-dinner tayo.” Napatingin ako sa paligid. Ang mahal ng hotel. Ang laki. Ang ganda. Tapos ako lang mag-isa. Pero hindi bale, basta siya ang nagsabi ayos lang sa akin. “Sigurado ka ba na okay lang na hindi ako kasama kagabi at ngayon ulit?” tanong ko, medyo may alinlangan. Hindi dahil nagseselos ako—more of nahihiya lang talaga ako. Siya kasi, puro business. Ako naman, parang alalay. Eh, assistant niya naman talaga ako. Ang point ko, baka nakakahiya na siya lang dumalo sa business meeting, samantalang ako rito nakahiga lang, nagre-relax. Narinig ko siyang tumawa nang mahina. “Aira, it’s okay. Hindi mo kailangang sumama sa lahat. I want you to relax. Para mamayang gabi, you’ll look beautiful for me. Okay?” Namula ako kahit mag-isa lang ako sa kwarto. “Okay, hon.” “Good girl,” bulong niya, at parang dumikit ang init sa pisngi ko. “Get dressed. Try to enjoy the city. I’ll see you tonight.” At bago ko pa masabi ang kahit ano, narinig ko ang tunog ng pag-end ng call. Naiwan akong nakatitig sa phone, parang may kumikiliti sa loob ng dibdib ko. Ang weird, pero kinikilig ako kahit paulit-ulit niyang kinokontrol ang schedule ko. Siguro dahil ang lambing ng boses niya, lalo na kapag siya ang unang bumabati sa umaga. Pagkatapos kong maligo at mag-ayos, nag-white dress lang ako na simple at malamig sa mata. Nag-blow-dry ako nang konti, tapos nag-light makeup. Hindi ko naman kailangan mag-effort nang sobra, pero gusto ko pa ring magmukhang presentable. Lalo na’t sinabi niyang magdi-dinner kami mamayang gabi. Paglabas ko ng hotel, sinalubong ako ng mainit pero malinis na hangin ng Abu Dhabi. Ang ganda ng paligid mga buildings na parang tumutubo mula sa salamin, mga sasakyan na halos walang ingay, at mga taong naka-fashionable na outfits kahit tanghaling tapat. Tinawag ko ang isang taxi, at sa loob ng limang minuto, nasa mall na ako. Pagpasok ko sa mall, parang ibang mundo. Ang lamig, ang lalaki ng ilaw, ang ganda ng mga boutique—parang lahat imported, lahat sosyal. Napailing ako, hindi dahil shock ako, kundi dahil parang naninibago ako sa ganitong environment. “Okay, Aira… enjoy,” bulong ko sa sarili ko. Pumasok ako sa isang boutique ng mga dresses. Elegante. Minimalist, pero mahal. Alam ko agad kasi walang price tag sa labas. 'Yong tipong kailangan mong pumasok bago ka masapak sa presyo. Habang tinitingnan ko ang rack ng mga dresses, may narinig akong tatlong babaeng magkakasama sa kabilang aisle. Hindi sila sobrang lakas magsalita, pero sapat para marinig ko ang pinag-uusapan nila mula sa pwesto ko. “Grabe si Beverly kagabi,” bungad ng isa, halatang hindi pa over sa excitement. “As in ang ganda niya, girl. Mas lalo pa siyang gumanda ngayong nasa Abu Dhabi siya.” Sumagot ang kasama niya, may konting inggit pero admi-miration din. “At ang swerte pa niya, no? Like—imagine, pumunta dito 'yong boyfriend niya just to be with her sa event. Sino ba namang hindi kikiligin doon?” “Totoo!” sabat ng isa pa, halos mapataas 'yong boses sa panggigigil. “Nakita n’yo ba yong lalaki? Gwapo sobra. As in, parang artista na tipong kahit hindi mo kilala, mapapalingon ka talaga.” Napahinto ako sa pagsipat ng dress na hawak ko. Hindi ko sila kilala, pero halatang close silang tatlo. 'Yong vibe na sanay magtsismisan habang namimili. Nagpatuloy yong isa, mas mahinahon 'yong boses pero may diin. “Kung ako si Beverly, never ko bibitawan 'yong gano'ng lalaki. Successful na, gwapo pa. CEO raw, di ba?” “CEO talaga,” sagot no'ng isa habang sinusukat-sukat 'yong blouse sa harap ng salamin. “Tapos hello? Galing pang Saudi 'yong guy. Lumipad lang para samahan siya. My God! Sana all. As in, gusto ko rin ng jowang ganyan.” Tumawa silang tatlo, maliliit pero punong-puno ng kilig. “Eh kasi naman…” dagdag ng isa, tinaas pa ang kilay. “si Beverly ’yon. Model na, maganda pa. Natural lang na swertehin sa boyfriend.” Habang pinapakinggan ko sila, hindi ko maiwasang mapaisip. Si Beverly… model… boyfriend niya CEO… pumunta mula Saudi? Pero mabilis kong na-shake off ang utak ko. Hindi ko sila kilala. Hindi ko rin kilala ang Beverly na sinasabi nila. Tsaka hindi naman ako mahilig makialam. Pero kahit papaano, napangiti ako nang konti at napa-iling. Kung sila nagkakagulo sa boyfriend ni Beverly dahil CEO ito... Ako kaya? Ako lang naman ang girlfriend ni Mr. Rick Dary Ynares Harris. Ang boss ko. Ang CEO. Ang lalaking nakakakuha ng deals kahit saan siya pumunta. Mayaman. Talented. Gwapo. At higit sa lahat, mahal ako. Napahawak ako sa dibdib ko nang hindi ko namamalayan. Hindi lang si Beverly ang swerte, kundi ako rin. Pinilig ko ang ulo ko dahil napapangiti na ako mag-isa. Naglakad ako papunta sa fitting room, may hawak na apat na dresses. Habang sinusukat ko ang mga ito, naramdaman ko ang kakaibang confidence na hindi ko pa nararamdaman noon. Iyong tipong kahit simpleng tao lang ako dati, parang ngayon may nag-aangat sa akin. At oo—si Rick iyon. Lumipas ang hapon sa paglalakad, pagbili ng ilang souvenirs, at pagtingin-tingin lang sa mga tindahan. Bumili ako ng dress na gusto ko. Hindi naman sobrang mahal, pero sapat para maging special. Gusto kong maganda ako mamayang dinner. Nang sumapit ang 6:30 PM, nagring ang phone ko. Rick Calling… Napangiti ako agad. “Hello?” “Sweetheart,” malambing niyang bati. “I’m heading to your hotel. Be ready in fifteen minutes.” “Okay, Hon. Pa-uwi na rin ako.” “Good. I’ll see you soon.” Pagkaputol ng tawag namin, pakiramdam ko may kung anong gumaganang maliit na motor sa dibdib ko. Hindi ko ma-explain pero parang… excited, kinakabahan, kinikilig—lahat sabay-sabay. Nagpara ako ng taxi at nagpahatid sa hotel. Tumuloy ako sa aking silid. Nag-decide akong magbihis na para sa dinner namin mamaya. Ayaw ko namang makita niya akong mukhang pagod sa buong araw na gala ko. Gusto ko presentable ako. At konting pretty, syempre. Isinuot ko ang binili kong dress. Ilang minuto akong nakatayo sa harap ng salamin. Sinisiguradi ko na maganda ako tingnan. Nag-ayos ako sa harap ng salamin. Light makeup lang—konting cream, soft blush, mascara, at gloss. Sakto lang para fresh pero hindi OA. Sinuklay ko rin ang buhok ko at inayos para mas natural-looking. Pagkatapos, sinuot ko ang maliit na gold necklace na binili ko kahapon sa Saudi. Para akong may mini ritual habang nag-aayos. Para bang bawat detalye ng hitsura ko, gusto kong maramdaman niya. Pagkatapos kong magbihis, huminga ako nang malalim. "Okay, Aira. Kalma. Dinner lang ito. With your boyfriend. Na CEO. Na sobrang gwapo. Na medyo nakakakaba. Paglabas ko sa room, sumakay ako ng elevator. Pagbukas ng pintuan nito sa lobby, malamig ang aircon, pero parang ako ‘yong naiinitan sa kaba. Inayos ko pa ang dress ko nang bahagya bago lumakad sa waiting area. Ilang beses akong sumilip sa glass doors, hoping na makita ko na siya. Napatingin pa ako sa relo ko. Five minutes early. Great. Mas maaga pa ako kaysa sa pasok sa school noong bata ako. Habang naghihintay, ramdam ko 'yong halo ng excitement at kaba sa dibdib ko. Para akong teenager na may date sa crush niya. Pero iba eh—si Rick ito. 'Yong taong hindi ko pa rin alam kung paano naging totoo sa buhay ko. Umupo ako sa isang malambot na armchair sa gilid ng lobby. May ilang guests na nagche-check-in, may mga foreigner na bitbit ang malalaking luggage, at may staff na mahinang nag-uusap sa front desk. Ang tahimik pero eleganteng ambience ng hotel parang lalo lang nagsabi sa akin na, Aira, ang swerte mo talaga. Tinapik ko nang marahan ang tuhod ko—reflex ko ’pag kinakabahan. Tiningnan ko uli ang glass doors. Wala pa rin. Pero ilang sandali lang, may dumaan na staff na nag-aabot ng mint water sa mga guests. Kumuha ako, uminom sandali, at halos mapakagat-labi nang maalala kong mamaya… kasama ko na siya. At hindi basta kasama—dinner date namin. Dito. Sa Abu Dhabi. Napatango ako nang marahan, trying to calm myself. "Relax Aira… normal lang ‘to," bulong ko sa aking sarili. Pero hindi talaga normal. Hindi ko alam kung kailan ako huling kinabahan nang ganito dahil lang sa isang date. Napatingin ulit ako sa labas. At doon ko nakita—isang itim na sasakyang dumahan-dahang huminto mismo sa harap ng entrance. Executive-looking. Malinis. Ang klase ng sasakyang hindi mo masyadong napapansin kung hindi mo alam na may VIP sa loob. Kinabahan ako bigla. Tumalon ‘yong puso ko nang bumukas ang pinto. At bumaba siya. Si Rick. Fresh, kahit halatang pagod sa mata. Polo na dark, slacks na fitted, at ‘yong aura niya? My Gosh!. Parang ang buong lobby biglang nag-slow motion. At ako, ako ang hinihintay niya. Hindi ko na halos naramdaman 'yong lamig ng aircon. Ang narinig ko lang ay ang tunog ng sarili kong t***k ng puso habang papalapit siya. Paglapit niya, tumigil siya sa harap ko. Tumingin mula ulo hanggang paa. Hindi lascivious, kundi appreciative. ’Yong tipong makikita mo sa mata niya na nagustuhan niya ‘yong itsura ko. “You look beautiful tonight,” sabi niya, mababa ang boses. At doon, para akong natahimik. At napangiti kahit ramdam ko ang bahagyang panginginig ng labi ko. Ilang segundo lang, iniabot niya ang kamay niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero tumalon yata ang puso ko. Para akong biglang nauhaw, biglang uminit, biglang nagising sa isang bagay na hindi ko maipaliwanag. Hinawakan ko ang kamay niya, maingat, hindi nagpapahalata na halos nanginginig ako sa kilig. “Let’s go,” sabi niya. Habang inaakay niya ako palabas ng lobby, hindi ko maiwasang mapatingin sa kamay naming magkahawak. Nakakahiya kung aaminin ko sa kanya kung ano nararamdaman ko ngayon na parang may kuryenteng dumaan sa braso ko. Pero syempre, hindi ako nagpahalata. Pagdating namin sa gilid ng sasakyan, bago pa niya buksan ang pinto para sa akin, yumuko siya nang bahagya at hinalikan ako sa labi—mabilis lang, parang feather touch, pero sapat para mawala ang alignment ng kaluluwa ko. Napatingin ako sa kanya, hindi makagalaw. He chuckled softly. “Relax, Aira. Halik lang ‘yon.” Relax? Paano ako mare-relax kung naramdaman ko 'yong halik niya hanggang talampakan ko? Narinig kong bumulong siya, parang pilyo, “Parang first time mo, eh.” Nanigas ako. Sa isip ko, mabilis ang sagot ko: "Talagang first time ko! Hindi pa talaga! Sinabi ko lang na may experience ako… nagsinungaling ako sa’yo noon kasi nahiya ako." Pero hindi ko 'yon sinabi. Ngumiti lang ako ng konti, kunwari chill. “Hindi ah,” mahina kong sabi even though sa loob ko, tumatakbo ang utak ko parang alarm. Binuksan niya ang car door, inalalayan akong pumasok, at umikot siya para sa driver’s seat. Nang umandar na ang sasakyan, nag-stabilize din 'yong paghinga ko kahit medyo nangingiti pa rin ako sa pinto. Hindi ko alam kung dahil sa halik o dahil sa presensya niya. Dinala niya ako sa isang mamahaling restaurant overlooking the Marina. 'Yong klase ng lugar na may glass panels, dim lights, soft music, at bawat upuan parang may sariling spotlight. Pagpasok namin, mukhang kilala siya ng staff. Automatic silang ngumiti at binati siya. “Good evening, Mr. Harris. Your table is ready.” Ako naman? Parang speechless. Hinila ni Rick ang upuan ko, pinaupo ako, at umupo sa harap ko. Nasa gilid namin ang floor-to-ceiling window na tanaw ang city lights ng Abu Dhabi. Parang mga bituin sa lupa. “Do you like the place?” tanong niya habang inaayos ang sleeves niya. “I… wow. Ang ganda,” sagot ko. He smiled a bit. “Good. I wanted tonight to be special.” Hindi ko alam bakit pero parang tumalon ulit 'yong puso ko. Nakatingin ako sa kanya, tapos sa ilaw sa labas, tapos bumalik sa kanya, pero ang tingin niya, steady lang sa akin. Parang ako lang ang subject ng gabi. Habang kumakain kami, madalas niya akong titigan. Hindi naman nakaka-intimidate—more like he’s checking if I’m okay, or if I’m enjoying. Minsan, sasadyain niyang abutin ang kamay ko, i-stroke ng thumb niya 'yong likod nito. Small gestures, pero nakakayanig ng kaluluwa. “Next time,” sabi niya habang nagse-serve ng dessert ang waiter, “gusto kong makita kita sa ganitong lugar hindi dahil sa business trip.” Napatingin ako. “Anong ibig mong sabihin?” “Gusto kong dalhin kita dito… dahil gusto ko lang. Dahil tayo.” Hindi ko kinaya. Napatingin ako bigla sa dessert para hindi niya makita 'yong namumula kong pisngi. “Tayo?” tanong ko, trying to sound casual. “Yes,” sagot niyang diretso, hindi nagdadalawang-isip. “Us.” At doon, parang umikot ang buong Abu Dhabi. Pagkatapos ng dinner, akala ko uuwi na kami, pero hindi pala sa hotel ang diretsong tinungo niya. Tumahak siya sa mas maluwang na highway papunta sa outskirts ng city. “Where are we going?” tanong ko. “You’ll see,” sagot niya nang may maliit na ngiti. After around twenty minutes, huminto kami sa harap ng isang luxury resort. 'Yong tipong may malalaking palm trees, warm yellow lights, at entrance na parang mula sa isang magazine cover. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nagulat? Kinilig? Kinabahan? Maybe all. “Rick?” sabi ko nang mahina. “Dito tayo?” “Yes,” sagot niya, habang binababa ang seatbelt niya. “I want you to rest well tonight. With me.” Nag-init bigla ang tenga ko. Hindi ko alam kung ano dapat kong maramdaman, pero hindi rin ako natakot. Mas nangingibabaw 'yong tiwala ko sa kanya. 'Yong presence niya. 'Yong kung paano niya ako tinitingnan—hindi basta gusto, hindi basta desire, kundi parang mahalaga ako. Pumasok kami sa loob. Sinuot niya ang kamay niya sa bewang ko, guiding me gently. Pagpasok namin sa room—hindi pala room. Suite pala. Malaki. May private balcony overlooking the sea, may soft lights, may bed na sobrang laki na parang pwede kaming mag-cartwheel. Pagtingin ko sa kanya, nakangiti siya. “Do you like it?” tanong niya. “Rick, this is too much,” bulong ko. He stepped closer, hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang likod ng daliri niya. “Nothing is too much,” sabi niya softly, “if it’s for you.” At doon hindi ko na alam kung paano tatayo nang tuwid. Parang lahat ng kinakabahan, kinikilig, nababaliw—nagsama-sama sa loob ko. At kasama ko siya. Sa lugar na ganito. Sa gabi na ganito. At kahit hindi ko sabihin nang malakas, alam ko sa sarili ko: Ito na ang gabing hinding-hindi ko malilimutan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD