This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Len's Point of View.
Nakatulala lang ako sa monitor nang laptop ko at biglang napatampal sa noo, hindi ko na alam ang gagawin.. "So being Len Vion is hard huh.." agad akong napatayo at mabilis na yumuko sa boss ko, bigla ay nailang ako sa kaniya.
"Sir Austin." pagbati ko.
"Do that next week Len. Hindi ko rin naman matatanggap yan kaagad dahil flight na natin sa Cebu next two days." napatitig ako sa kaniya.
"Yes Sir!" mabilis na sagot ko, ngunit napalunok na lang ako nang makita ang ngiti niya at Tinalikuran na lang ako basta-basta.
'Bakit ko nga ba Iniwan ang isang 'to nang walang paalam?'
Napabuntong hininga ako tapos naupo, He's Austin Mozeran. Kasama siya sa Top 10 famous Business man in Asia, sobrang gwapo, maganda ang katawan, maputi at mabait naman talaga siya.
Not until I turned him into this, sino ba naman kasing tanga ang aamin pabalik pero hindi kayang panindigan? Walang iba, nag iisa akong tanga.
Akala ko pagkabalik ko maayos pa namin ang lahat nang nasimulan namin noon, but three years ago I was a coward..
Malapit na ang Flight namin papuntang Cebu at sobra talaga akong kinakabahan para sa Business Party na yun, sana ay huwag akong mailang dahil kasama ko si Austin papunta doon.
•••
"Miss Len, pinatatawag ka na naman ni Sir Austin." napalunok ako at napabuntong hininga, bukas na nga ang layas namin hindi pa niya ipagpabukas ang sasabihin.
Naglakad ako papunta sa office ni Austin, hinatid naman ako ng Secretary niya nang makapasok ay bahagya pa akong yumuko.
"Sir Austin." bati ko, tinignan ako nito tapos nag focus na naman siya sa laptop niya.
"Sit Down, Miss Len." utos niya, sobrang Bossy, hindi mawawala ang pagiging maawtoridad.
Nakasimpleng long-sleeved polo lang naman siyang Puti at Necktie pero sobrang Hot niya nang tignan. "Are you sure you're ready for tomorrow? What about your dress for the party?" napalunok ako, oo nga pala.
"Gagamitin ko nalang sigu—"
"Come with me, hindi maaring hindi ka presentable tomorrow night." sinabi niya iyon habang hindi ako tinitignan ng maisave ang trabaho niya ay tumayo siya dahilan para mapatayo ako.
"S-saan sir?" tanong ko.
"Sa isang store kung saan ka makakakita nang susuotin mo para bukas." aniya ni Austin tapos may kinuha pa siya at tsaka ako sinenyasan.
"k-kukuha muna ako nang pera si—"
"I'm on it, kung hindi sa akin hindi ka naman madadawit dito. This is for company purposes." napalunok ako tapos mabilis na sumunod sa kaniya.
Nagulat kaming tinignan nang ibang Employees, pero wala na akong nagawang sabihin at saka sumunod na lang. Matangkad siya kaya papaano ko mahahabol ang malalaking hakbang niya.
"Faster." utos niya kaya naman lakad takbo ako.
Nang makarating sa elevator ay napalunok ako at nailibot ang paningin sa Buong elevator sa pagkailang. "Will you act normal? Don't be too intimidated." tila naiirita niyang sabi kaya tumikhim ako.
"Yes sir!" mabilis kong sagot, nahiya na rin akong tawagin siyang Sir..
Nang nasa Parking lot ay binuksan ko na lang ang sasakyan niya at Sumakay na gayun rin naman siya, habang tinatahak ang daan ay hindi ko nagawang magsalita.
Nakakakaba ang presensya niya, kung noon ay ayos lang saakin ang lahat ngayon ay hindi na. Nagbago rin siya ng sobra sobra, hindi na palangiti tulad nang dati.
'I know it's my fault..'
"D-dito na sir?" tanong ko, napalunok ako ng nandito kami sa isang store kung saan famous ang designer at sobrang mahal nang mga damit rito.
Yung naipon ko ata hindi sapat para sa sampung mga gowns dito, kahit sapatos ay kuminang sa mga mata ko. Parang sa tuwing isang gasgas ay malaki na agad ang babayaran mo.
"Follow me, hindi mo makukuha ang mga yan sa patitig-titig mo lang." napalunok ako at sumunod na kay Austin sa pagpasok niya rito.
"Good Morning Sir Austin!"
"Welcome back Sir Austin!"
Napalunok ako nang batiin siya nang mga staffs rito na ang gaganda rin ng suot, mas nagandahan ako nang makita ang Chandelier sa loob ng store na 'to so Precious..
"For a party, formal please." nakangiting aniya ni Austin, agad akong tinignan at nginitian nang mga staffs.
"Go with them, I'll wait over there." tinuro pa ni Austin ang upuan kaya naman sumama na ako sa mga Staffs dito.
Nang makarating sa mga— no way hindi naman siguro ako mag susuot nang Sexy formal Dress right? "Night Party Ma'am?" tumango na lang ako bilang sagot.
Maya maya ay nakakuha na sila nang isusukat ko ngunit bago iyon pinunta nila ako sa Harap ni Austin, hindi ko alam ang sasabihin nang titigan ako ni Austin mula paa hanggang Ulo! Yes pataas!
Ang ganda ng kaniyang pagkakaupo, prenteng prente at masasabi kong ang hot.. "Susukatin po muna namin ang Body niyo." aniya nito.
'Seriously?! Sa harapan niya?!'
Ang maluwag kong Uniform sa Office ay biglang nagbago nang Pasikipin nila ang pang sukat at bumakat ang katawan ko, nag iwas tingin naman si Austin at saka tumingin na lang ng magazines.
"Ang magaling kong Costumer, bumisita." kusa kong nalingon ang magandang babae na nagsalita, sobrang ganda niya, sobrang Lit yung fashion at.. s**t model ba siya?
"Well well well.." aniya pa nang babae at napalunok ako nang lumapit ito kay Austin at yumakap, napaiwas tingin ako at saka tinignan na lang ang damit.
"So, Why did you come?" tanong nang babae, ngumiti naman si Austin sa kaniya at nang lingunin ako ay agad akong napaiwas tingin.
"Pinaayos ko lang yung susuotin ng employee ko for tomorrow night, you know Business." sagot ni Austin.
'Employee tch, pwede namang kaibigan diba? Ayaw niyang dinedeny siya pero psh'
"Mm I'll do this then, teka ano bang babagay sayo.." napatitig ako sa babae nang titigan niya ako from head to toe.
"I knew it! Teka lang, I'll go and get my new stocks for my favorite customer." nakangiting sabi nang babaeng yon, siya nga siguro ang may ari ng Store na ito.
Sobrang ganda niya, sobrang Perfect! clear skin, maputi at masasabi kong bagay talaga sila ni Austin. Napanguso na lang ako sa naisip, maya maya ay dumating na ang babae na may dala dalang paper bag.
"Can you tie your hair for me?" nakangiti at maayos niyang sabi.
Kaya naman kinuha ko ang Inabot ng staff niya na Ipit halatang bago kaya naman inilagay ko ito sa Bibig ko at itinaas ang buhok, inayos.
Nang tignan si Austin ay nakatitig lang siya sa akin kaya naman napalunok ako at mabilis na nag iwas. Ng maitali ang buhok ay humarap ako sa babae.
"I'm Carmelle, the owner of this store kaya naman trust me hihi." matamis niyang sabi kaya naman tipid na lang akong ngumiti.
Nang makapasok sa fitting room ay tinulungan niya akong magbihis, ng matapos ay nauna siyang lumabas tapos napalunok naman ako sa Suot ko. It's too sexy..
"Miss Len! come here." aniya nito kaya naman lumabas na ako, naka paa paa napanguso ako nang matawa si Austin nang tignan ang paa ko.
"What about her shoes?" napaisip naman si Miss Carmelle at saka napatingin sa Paligid nang Store.
"Get me the red one, para naman bumagay sa Black dress niya." fitted ang black dress kaya kita ang katawan ko.
Nang makuha ay napalunok ako nang makita ang 5 inch heels na pula tapos Pinasuot niya ito sa akin.. "G-ganito po kataas?" tanong ko.
"Yes, that suits you better." nakangiting sabi niya kaya hindi ko na magawang magreklamo.
"Any make up will do, light, dark, maganda ka naman." nakaramdam ako nang hiya nang sabihin niya yon.
"So what about this Austin?" sinuri ako ni Austin, tumayo pa siya.
"Of course, ikaw ang Magaling rito. Ikaw ang magdesisyon." nag palitan pa sila nang ngiti, kung pwede lang umirap dito ginawa ko na.
"Then that's it, ayusin ko na. Tara magbihis ka na Miss Len." nakangiting sabi ni Miss Carmelle kaya naman sumunod ako sa kaniya at nagpalit na.
Nang maayos na ang lahat ay Inayos ko ang tuck-in ng white Longsleeve polo ko sa itim na fitted skirt.
Tapos ay lumabas na, agad akong nadismaya nang makita ko si Austin na nakaakbay kay Miss Carmelle.
'Grabe, sana pumunta na lang sila sa Park diba?'
"Okay na po ako." maayos at mahinhin kong sabi sa kanila, nilingon naman nila ako. Normal na normal ang ngiti saakin ni Miss Carmelle pero hindi ko yun napalitan ng kasing Sincere nang kaniya.
'Tch, parati na lang akong no match sa mga babaeng nagugustuhan nang mga lalakeng nagugustuhan ko'
"Let's go, Carmelle text me later." aniya pa ni Austin kay Miss Carmelle.
'Edi wow, mawalan sana kayo nang signal'
Sumunod na ako kay Austin dala-dala ang dalawang paper bag at tsaka nang makarating sa sasakyan niya ay basta basta nalang akong pumasok.
"Nakakahiya naman sir." mahinang sabi ko.
"That's Nothing, para sa kumpanya naman." seryoso niya nang sagot, nawala ang kaninang ngiti na suot suot at napalitan nang alam niyo yung parang terror boss pero gwapo.
"Bukas nang 6 A.M, I'll fetch you para walang takas." napalunok ako.
"Baka mawala ka na naman nang walang paalam." agad ko siyang nalingon sa sinabi, At basta basta nalang akong napanguso sa kahihiyan.
"Sige po sir.." mahinang sagot ko.
"B-bakit po pala Two days? Eh bukas naman po yung party makakauwi rin tayo aft—"
"Hindi tayo makakauwi nang lasing, at after the party tomorrow night pa tayo makakauwi dahil may pakulo ang mga business man doon." sagot niya saakin.
"Formal po ba ang susuotin after party?" tanong ko.
"Nope, Wear anything na aakma sa Beach." pajama tapos Longsleeve, aakma yon ngiwing sabi ko sa sarili.
"Yes sir." sagot ko na lang, ang kapal nang mukha ko nang una akong nandito sa company niya kasi akala ko okay pa rin kami pero hindi pala.
Late ko narealize na mali talaga ang ginawa kong pag alis nang walang paalam, inisip lang ang sariling nararamdaman at hindi ang kaniya.
'Lesson learned, wag maging selfish gaano man kasakit ang nararamdaman mo, ano mang rason mo lalo na kung sigurado kang mag sisisi ka sa huli.'
√√√
@/n: Enjoy reading luxians!
Wattpad: Maecel_DC
IG: luxmei143
FB page: Maecel_DC
Twitter: LuxMei123
Yt: Maecel Dela Cruz
Fb: Maecel Gandia Dela Cruz