Chapter 17 Ayesha's POV Wala akong ano mang ideya sa kung ano man na tunggalian ang nais na mangyari ni Digno ngunit kahit ano man iyon ay sinisiguro ko na handa ako. Ayoko rin sa sinabi niya kanina na hindi ako masasaktan sa kanya dahil hindi ko maituturing at hindi ko mararamdaman na nasa isang tunggalian nga ako kung wala man lang akong sakit mararamdaman. Wala rin akong pakialam kahit pa magkasugat ako o galos man lang dahil hindi ko rin naman magagamit ang makinis kong balat sa darating na digmaan. At sa tingin ko rin naman ay maiintindihan ng mahal na hari at mahal na reyna kung makita man nga nila ako na magkaroon ng galos dahil alam naman nila na kasama ang lahat ng iyon sa isang tunay at masusing pagsasanay. Alam ko rin naman na alam din ni Digno ang tungkol sa bagay na iyon k

