Chapter 33 Ayesha's POV Mataga pa ang ginawang pagligo at paglilinis ng katawan. Dahil sa tuwing mararamdaman ko na malinis na ulit ako ay saka naman ako muling may nakikita na naiiwang putik sa aking katawan. Ngunit ilang sandali pa nga ag lumipas ay tuluyan na akong nakuntento sa ginawa ko. Hindi ko na rin naaamoy ang baho na kanina lang ay talaga namang nanunuot sa aking ilong. At hindi ko rin alam kung paanong natagalan ni Javadd ang ganoong klase ng amoy. Siguro ay kanina pa siya halos masuka-suka dahil sa amoy ko ngunit hindi lang siya makapagreklamo sa akin dahil baka iniisip niya ang mararamdaman ko. At sobrang nakakahiya ang ganoon. Lalo na siguro kanina habang sakay-sakay kami ng kabayo. Sigurado ako na langhap na langhap niya ang amoy ko dahil sa hangin. Pero huli naman na p

