Chapter 51 Ayesha's POV Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga natuklasan ko mula kay Javadd. Ano na lamang kaya ang iisipin niya sa oras na malaman niya na ako ang prinsesa ng Vittoria na tulad niya ay hindi inilihim ko. Ngunit mabuti nga si Javadd ay nagkaroon na ng lakas ng loob at pagkakataon na ipaalam sa akin ang lahat. Ngunit ako ay nananatili pa ring lihim. At aaminin ko ngayon na kahit alam ko na ang totoo kung sino at ano siya ay wala pa rin akong lakas ng loob na sabihin sa kanya ang lahat. Siguro ay dahil alam ko na magiging mas komplikado lamang sa amin ang lahat kapag alam na namin na kami ang prinsipe at prinsesa ng Algenia at Vittoria. Sa ngayon ay sapat na siguro na ako pa lamang ang nakakaalam ng tungkol sa kung sino si Javadd. Wala naman akong plano

