Chapter 25 Ayesha's POV Wala naman sa hitsura ni Javadd ang kumilos nang hindi niya pinag-iisipan ngunit hindi ko lubos maisip na makikita kong mulin ang kabayo na ito. Sa tingin ko naman ay may dahilan si Javadd kung bakit nasa harapan kong muli ang kabayong ito. Sa tingin ko naman ay hindi niya ito gagawin nang dahil lang sa naisipan niya. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya ngunit iyon ang aalamin ko. Ati kung ano ang maririnig ko na sasabihin niyang dahilan ay siguraduhin lamang niya na katanggap-tanggap. Dahil sa lalim ng iniisip ko tungkol sa kabayo ay napahinto na ako nang ilang dipa na lamang ang layo namin sa kanya. Hindi ako natatakot sa kabayo dahill alam ko naman na kaya ko ulit itong paauhin kung sakali man nga na magawala itong muli. Ang iniiwasan ko lamang na mangyari

