Chapter 39 Ayesha's POV Dahil nga sa nandito si Markiya ay alam ko na hindi agad ako makakalabas ng silidna ito kahit na gustuhin ko. Dahil bukod sa napakaraming bantay sa labas ay wala pa akong naiisip na panibagong plano. Talagang kakailanganin ko ng mahabang pasensya at kailangan ko na maging matiyaga sa paghihintay ng tamang pagkakataon para sa aking pagtakas. Sigurado ako na hindi magiging madali ang pagtakas ko kung dito sa loob ng aking silid ako magsisimula. Sa ngayon, ang nakikita ko na tanging paraan upang maituloy ko ang plano ko na pagtakas ay ang pagsasanay kasama si Digno. Nasisiguro ako na hindi iyon ipagpapaliban ng mahal na reyna. Hindi niya idadamay ang isang gawain na nais niya na mapaghusayan ko. Nakakasiguro din naman ako na mananatiling si Digno ang aking tagapags

