Chapter 57 Ayesha's POV Kahit na nakita ko na si Ysa ay hindi ko naman alam kung paano siya lalapitan. Bigla na lamang akong nag-alangan dahil ang pakiramdam ko ay muli lang niya akong susungitan. Natatakot din ako na baka bigla na naman siyang tumakbo palayo at sa pagkakataon na iyon tuluyan na siyang mawala. Nangako pa naman ako kay Javadd na ako na muna ang bahalang kumausap kay Ysa. Kailangan kong maibalik sa ampunan si Ysa nang maayos na ang lahat sa aming dalawa. Sa ngayon ay magpapakumbaba ako dahil bata siya at naiintindihan ko ang pinanggagalingan niya. At ayoko rin na maging ang bagay na ito ay alalahanin pa ni Javadd. Ngunit kailangan ko nang kumilos dahil baka kapag nagtagal pa kami rito ni Ysa ay sundan na kami ni Javadd at akalain niya na parehas na kaming hindi makakabali

