Chapter 60 Ayesha's POV Hindi ko alam kung ano na nga ba ang nangyari ngunit natapos ang usapan namin ni Javadd nang malabo pa rin ang lahat. Ngunit mas pipiliin ko na ang ganito kaysa naman bigyan ng linaw at ang linaw na iyon ang lalong mapapakomplikado ng lahat. Tama nang ganito kami ngunit alam namin ang halaga ng isa't isa. Kasalakuyan na nga kaming naglalakad ngayon pabalik ng palasyo dahil para daw matapos na ang pag-iisip ko ng tungkol kay Riva ay ilalayo na muna niya ako roon. Paulit-ulit din niyang sinasabi na wala talaga siyang nararamdaman para kay Riva kaya hindi ko raw kinakailangan na magselos sa kanya. Ang seryosong paliwanag at pagkumbinsi niyang iyon sa akin ay unti-unting naging pang-aasar. At iyon ang dahilan kaya nagyaya na ako pabalik ng palasyo. Ngunit kahit papa

