Chapter 30 Ayesha's POV Nang humupa ang pagod ko ay nagsimula na ako sa paglalakad para makapaganap ng pwede kong paghugasan. Ngunit sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan nga ba ako dapat na magsimula sa paghahanap. Dahil habang nagpapahinga ako kanina ay sinubukan ko na mahanap ng ilog ngunit wala naman akong ibang namataan kundi mga puno at putikan na pinanggalingan ko. Wala man lang nga akong ideya kung may mapapala ba ako sa daan na tinatahak ko dahil walang kasiguraduhan kung may mahahanap ba ako rito na ilog. Habang naglalakad ako ay bigla na lamang akong napaisip kung tama ba ang ginagawa ko na paglalakad at paglayo sa pinag-iwanan sa akin ni Javadd. Dahil nakakasigurado na kung saan niya ako iniwan ay doon niya ako babalikan. Hindi bale na. Dahil pagtapos na pagtapos kong mag

