Chapter 43 Ayesha's POV Matapos naming ubusin ang mga prutas na binili ni Javadd ay napagpasyahan namin na magsimula na sa paglalakad kahit pa parehas kaming wala pang naiisip na pwedeng gawin. Kinailangan ko lang na mas lalo pang makalayo sa lagusan dahil baka namaya ay may bigla na lamang kawal nag sumunggab sa akon para dalhin ako pabalik sa palasyo. Ayos lang din naman sa akin kung wala kaming mapapasyalan ni Javadd at maisipan niya na tumambay na lang sa kung saan basta ba sa lugar ba wala masyadong makakakita para sigurado na ligtas at matatago ako sa mga maaaring makakita sa akin. Ang mahalaga lang naman kasi sa akin ngayon ay nandito si Javadd at nagawa nkya na makatakas mula sa kanilang kaharian. Kahit pa ang kwento niya sa akin ay nahirapan siya at muntik na naman siyang mahu

