Chapter 9 Ayesha's POV Hindi ko alam kung ano nga ba ang dapat kong gawin nang mapagtanto ko na ako na lamang mag-isa sa pwesto ko dahil nga sa iniwan ako ni Javadd. Pinag-iisipan ko nang mabuti kung dapat na ba akong umahon kahit pa ngayon ko pa lamang unti-unting nagugustuhan ang lamig ng tubig sa aking mga paa at binti. O kailangan kong sundan si Javadd kahit pa wala naman siyang sinabi na sumama ako sa kanila. Niyaya lamang niya ako na lumusong. Nakita ko ang paghinto ni Javadd nang tuluyan na nga niyang narating ang kinaroroonan ng mga bata. Agad niya akong nilingon dito at tinaas pa niya ang kanyang kamay para kawayan ako. Hanggang sa sinenyasan na niya ako na lumapit doon. Iyon lamang naman ang hinihintay ko kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na lumapit sa kung nasaan sila. Ba

