Chapter 62 Ayesha's POV Kahit na hindi kami nagpapansinan ni Javadd ay hindi naman nakakaligtas sa akin ang maya't maya niyang sulyap. Kahit na gaano ko siya kagusto na sulyapan pabalik ay hindi ko ginawa dahil gusto kong ipakita sa kanya na talagang masama ang loob ko. At gusto ko rin muna na tuluyang mawala ang gutom ko bago siya harapin. Kapag kasi hinarap ko siya nang gutom ako ay baka mag-init lang ang ulo ko sa kanya. Ngunit iniisip ko pa rin naman ang sinabi niya kanina sa matandang kusinera na ako ay tagasilbi ni Javadd na isasama niya sa kanyang mga lakad. Sa totoo lang ay wala akong reklamo roon dahil mas pipiliin ko pa iyon kaysa makisalamuha sa ibang mga tagasilbi na hindi ko naman alam kung paano pakikisamahan. Kung gagawa rin ako ng mga gawain sa palasyo ay sigurado na pa

