Avery "Jusko Jade!" narinig kong sigaw ni ate habang naglalakad kami patungo sa tagong bahagi ng highway kung saan niya ipinarada ang kanyang sasakyan. Kanina pa sumasakit ang aking tiyan at may nararamdaman akong likidong umaagos sa aking mga hita. Please not yet! Not now please! Pahangos na nilapitan ako ni ate at inalalayan papasok sa sasakyan habang napapakagat labi ako sa sakit na aking nararamdaman. "Hold it, Jade. Malapit na tayo sa hospital," natatarantang sabi sa akin ni ate. "A-ate h-hindi ko na k-kaya," sagot ko sa kanya. Halos pawalan na ako ng ulirat ng makarating kami ng hospital at itinakbo ako sa emergency room. Pinilit kong labanan ang sakit hanggang sa maturukan na ako ng anesthesia. Pagkatapos noon ay hindi ko na alam ang nangyari. Nagising na lamang ako na

