Avery "Sebastinian you bastard!" iyon ang bumungad sa akin matapos kong sagutin ang tawag sa telepono matapos itong magring. Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga suits ni Seb ng biglang tumunog ang telepono sa loob ng kwarto namin. Ayon kay Seb ay ang mga taong mahahalaga at immediate persons lamang ang nakakatawag sa phone na iyon, ayon sa kanya. "I'm sorry this is not Sebastian, this is his mate. Who is this please?" tanong ko sa kabilang linya. "Oh really? I'm sorry, I thought you were him. I can't catch that guy nowadays. Can you please tell him that I called him and also tell him that he must not forget to attend my coronation?" "Sure, what's your name by the way so I can tell him," sagot ko sa kanya. "Marius, Marius Saavedra," sagot niya sa akin. Pagkadinig ko sa pangalan ni

