Chapter 17

2227 Words
Ria Jade Nanlalabo ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ayaw tumigil sa pag-alpas ang luha sa mga mata ko kahit kanina pa ako pabalik-balik sa pagpunas ng mga pisngi. Nag-d-drive lang naman ako! Ano bang nakakaiyak sa pagmamaneho? Parang gago lang. Lalake lang naman 'yan! Kung maka-iyak ako parang ka-samba-samba 'yang pinanghihinayangan ko! 'Nung kala niya, kawalan niya 'ko, 'no! Pero ang tanong, nanghinayang ba? Nasagad ko ang tapak sa break nang marinig ang mahabang busina mula sa harapan. Bahagya pa akong tumalbog sa kinauupuan, tumama ang ulo ko sa manibela dahil sa impact. Bumilis ang pintig ng aking puso. Sandaling napatulala ako sa nangyari at hindi makapaniwalang muntik akong magdulot ng malaking aksidente sa gitna ng daan. Napahilamos ako ng mukha at halos sabunutan ang sarili. Nanlabo na naman ang mga mata ko and before I knew it, humihikbi na ako sa kabila ng inis na nararamdaman ko. Humahagulgol akong napayukod sa manibela. Bakit naman kasi ganito? Ang sakit sakit naman. Tang'na. Hindi ako 'to, e.. Hindi ako. Hindi naman ako ganito. Bakit ako umabot sa ganitong sitwasyon? Bakit ba hindi na masaya Tuwing kapiling ka ngiti mo'y wala na At bakit ba bigla nang nag-iba? Tunay na pag-ibig ngayo'y malabo na "Putangina." bulong ko dahil sumabay pa ang radio ng aking sasakyan sa pag-iyak ko. Mariin akong pumikit at dahan-dahang umayos ng upo. "Galing. Happy ka niyan?" Pinatay ko ang radio at halos panggigilan pa ito. Nagpakawala ako ng mahabang buntong hininga, sinusubukang pakalmahin at pagaanin ang loob ko. Paulit-ulit kong inuntog ang ulo sa headrest na para bang sa ganoong paraan ay matatauhan ako. "Kaya mo 'to, Ria." "Kaya mo! Ano ka ba, ginagawa mo namang mahina sarili mo, e!" suway ko sa sarili. "Dami-daming iba riyan! Bakit ka maghahabol lang sa isang halos.. stupid s**t? Ganda mo lang!" Napairap ako sa sarili. Lumipas ang ilang minuto. Pinunasan ko ang mga luhang nagkalat sa aking mukha. Mabuti na lang at mahaba ang naging traffic kaya walang nagreklamo sa pagtigil ko sa daan. Pag-uwi ay pumasok ako ng bahay bitbit ang mga alak na binili ko para sa sarili. Sa tingin ko kasi ito lang ang makakatuwang ko sa oras na ito. Pero hindi ko inaasahan ang bubungad sa akin pagpasok ko pa lang sa pinto. Pagtapak pa lang sa loob ay dumagundong sa buong kabahayan ang pamilyar na tugtog kasabay ng pagsulpot ng ni Rina sa aking paningin. "Eyy! Are you ready, everybody?! 1.. 2.. 3! Nang ma-inlove ako sa'yo, kala ko'y pag-ibig mo ay tunay! Pero hindi nagtagal lumabas din ang tunay na kulay!" Nangunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. "Rina, what the hell!" Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa sa ginagawa niya. Mukhang tanga! Ang baduy pa ng suot! Hindi na nahiya talagang dito pa sa pamamahay ko naghasik ng kalokohan niya! "Ano ba, lubayan mo nga 'yan!" napipikon kong suway. "Yow! Para kang sphinx, ugali mo'y napaka-stings! Kung hiyain mo 'ko talagang nakaka-shrink!" Nalaglag ang panga ko nang lumabas si Axel na may hawak din na suklay kagaya ni Rina. Sabay silang nagsasayaw. "Girlie biddy bye bye don't tell a lie!" "Oh, my God." I literally face palmed sa kalokohan—or more like katarantaduhan nilang ginagawa. Saan ba ako nagkulang sa mga kaibigan ko at kailangan nilang umabot sa puntong ganito?! Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan nang lumakad sila papunta sa 'kin. Nag-iisang guhit na ang kilay ko sa pagka-irita pero mistulang wala silang pakielam. Nagawa pang ilipat ni Rina ang suot-suot niyang ovalique sunglasses sa akin. "Mas gugustuhin ko pa na magpa-crucify! Kaysa harap-harapan mo akong stupify!" Hindi ko agad napansin ang isa pang lumabas tulak-tulak ang isang malaking speaker. Nang matanto kung sino iyon ay halos magulantang ako. "What the f**k— Mom?!" My jaw dropped as I surveyed her outfit. May feather boa pa talagang nakaikot sa leeg niya! At naka-sunglasses pa! Tuwang-tuwa naman siya sa reaksyon ko at pagiling-giling na lumapit habang todo cheer naman ang dalawang kunsinditor na katabi ko! Sarap sakalin! Pinaikutan nila ako. "Stupid! Love.. soft as an easy chair.. Stupid! Love.. fresh as the morning eyyyr!" Sumasayaw ang mga braso nila sa hangin. "Oy. Ria niyo, KJ na!" halakhak ni Rina nang mapatingin sa akin dahil nakasimangot ako. Mas lumakas ang tawanan nila. Bakit ba parang hindi ko deserve maghinagpis! Hinila ako ni Axel at dumikit sa akin para akbayan ako sa leeg. "Ayaw lang namin dalhin mo mag-isa 'yung sakit. Willing kami na maging clown of the day mo. Ano, choosy pa? Libreng serbisyo na nga, garantisado pang makakalimot ka." He winked at me. Natawa naman ako sa sa huling sinabi niya. Gusto kong maiyak sa tuwa habang pinanonood sila. Nakalimutan kong hindi pa rin ako nag-iisa. Nagpapasalamat akong nandito sila lagi sa tabi ko. *** Months later... "Cut! Okay, let's wrap up! Good job, guys!" Nagmamadaling lumapit sa 'kin ang make-up artist bitbit ang tissue dahil talagang kanina pa ako nanggagalaiti sa namumuong pawis sa mukha ko. Ikaw ba naman ang itutok sa gitna ng tirik na tirik na araw! Padabog kong kinuha ang mini fan at itinutok sa aking sarili. "Bakit niyo ba ako pinalilibutan? Ang init-init na nga!" usal ko nang mapansing halos pagkaguluhan nila ako. Kaya pala hindi na ako makahinga! Agad naman silang lumayo at 'yung iba'y narinig ko pang nagbubulungan. Napairap ako. Akala naman nila matatakot ako. Nagkayayaan kasi kami nila Rina kagabi sa bar. Hindi ko naman sukat akalaing pauuwiin niya akong gumagapang at nakalimutan ko pang may schedule ako ngayon! Iritado tuloy ako buong araw! Pagkatapos ng shooting ay dumiretso ako sa dressing room at kinuha ang phone. Nasa ospital kasi ang kaibigan kong si Maggie, modelo rin kagaya ko, naaksidente siya isang linggo na ang nakakalipas dahil sa isang aksidente. Ang sabi niya'y magsabi ako kapag pupunta ako kaya nag-text ako sa kanyang pupuntahan ko siya ngayon. Napahawak ako sa aking ulo habang nagpapahinga ako sa dressing room. Ngayon ako nagsising hindi ko ininuman ng gamot ang hangover ko. "Ayan, sige! Inom lang ng inom hanggang may atay! Sa susunod sa lamayan na huling shooting mo!" Pumasok si Dennis at pinuna ang itsura ko. Hindi ko naman siya pinansin at hinintay na lamang na matapos sila pagliligpit bago kami nagpaalam at bumyahe pauwi. "Manong, sa ospital po tayo," usal ko habang nasa sasakyan. Pagod na pagod ako kaya madali akong nakatulog sa daan at nagsuot na lang ako ng sunglasses. Mahaba-haba din ang biniyahe namin bago makarating sa ospital pero parang mas lalo ko lang naramdaman ang pagod dahil hindi ako kumportable sa kinauupuan ko. Ayoko namang masayang ang pagpunta ko rito kaya siguro sa kwarto na lang ni Maggie ako magpapahinga. Antok na antok pa 'ko! Mukha namang napansin iyon ni Dennis kaya siya na ang nag-presintang ihatid ako sa elevator. Hindi ko pa rin hinuhubad ang sunglasses ko pero kahit gano'n ay ramdam ko pa rin ang pagpihit ng tingin sa 'kin ng mga taong nadadaanan namin. "Ipapasundo na lang kita kay Manong mamaya o dito ka magpapalipas ng gabi? Hindi naman puno ang schedule mo—" "s**t!" Parang nagising ang diwa ko nang tumama ang isang matigas na bagay sa katawan ko. Naramdaman ko ang pagtulo ng kung anong bagay sa damit ko at sinaaman ng tingin ang lalaking bumunggo sa akin. Nanlaki naman ang mata ni Dennis nang makita ang kumalat na juice sa akin at mabilis itong pinunasan. Hindi ko inalis ang masamang tingin sa kaharap kong lalaki at marahas na tinanggal ang sunglasses sa mata ko. Naka-itim itong sumbrero at mask kaya hindi ko makita ang pagmumukha ng tangang ito. "Bulag ka ba?!" inis kong sabi. Hinihintay ko ang paghingi niya ng tawad pero wala akong narinig bagkus ay mukhang nagmamadali pa siya na ikinataas naman ng kilay ko. "Sorry.." malalim ang boses na aniya. "Jade, tara na. Hayaan mo na." Umikot ang mata ko at ibinalik ang sunglasses sa mata ko. "Tatanga-tanga kasi!" bulong ko pa bago siya nilampasan. "Kumuha ka na lang ng damit ko sa sasakyan. Nanlalagkit ako," sabi ko kay Dennis. Sinunod naman niya ang sinabi ko kaya mag-isa akong umakyat sa kwarto ni Maggie. Bumukas ang pinto ng kwarto niya kaya awtomatikong lumipad ang tingin niya sa 'kin. "Hi, Jade!" She smiled. May hawak siyang envelope na inilapag niya muna sa katabing kama pagpasok ko. "Oh, my! Ang dungis mo, girl! Anong nangyari sa damit mo?" Madali niyang napuna ang mantsa sa damit ko dahil tumitingkad ang kaputian nito. I was wearing cross wrap halter top kaya kitang-kita ang hubog ng katawan ko. Pinatungan ko lang ng blazer dahil ospital ang pupuntahan ko. "Don't mind it. Magpapalit naman ako later." Ngumiti ako at lumapit sa tabi ng kama niya. "How are you feeling?" Hindi siya agad nakasagot at humaba ang nguso. Lumipat ang tingin ko sa hawak niyang envelope kanina. "Ano ba ito?" "Kontrata." Bumuga siya ng hangin na parang ang laki-laki ng problema niya. Sumandal siya sa kama at tumingala sa kisame. Magtatanong pa sana ako pero tinakpan niya ng dalawang palad ang mata niya kasabay ng sunod-sunod niyang paghikbi na ikinaalarma ko. "Hey. Why are you crying? What happened?" taranta ko. "Eh, kasi naman!" hikbi niya. "Hindi ko naman ginustong maaksidente! Hindi ko alam na mangyayari sa 'kin 'to! Ginusto ko ba? Hindi! Tapos ngayon, gusto nila akong palitan bilang leading lady? Hell no!" Napabuntong hininga ako. Hindi ko rin siya masisisi. Natural sa kanya na maging emosyonal lalo na't nabanggit niya na ito na ang huling film na tatanggapin niya bago siya magpaalam sa industriya. Tapos ganito pa ang nangyari. Sumeryoso ako. "Alam mong wala tayong magagawa. Hindi rin naman nila gustong palitan ka. Kailangan lang talaga ng lahat na mag-adjust because of what happened. Hindi ka nila sinisisi. May mga bagay na hindi kayang pilitin para na rin sa kapakanan ng bawat isa." Hindi pa rin siya tumatahan. "I understand naman. Parang ang unfair lang sa sarili ko, sa nararamdaman ko. Planado na lahat e, tapos biglang.. alam mo 'yon, biglang—f**k!" She cried. Lumipat ako sa tabi niya at sumandal siya sa 'kin habang tinatapik ko ang likod niya. "Can you help me?" hikbi niya. "As much as I want to, dahil ayoko rin namang makita kang ganito. Pero sa tingin ko wala tayong ibang magagawa—" "What if there's another way?" Tumahan siya at umayos ng upo para harapin ako. Nagtataka ko naman siyang tiningnan. "What do you mean? You know, wala tayong karapatan mangialam, unless wala pa silang nahahanap na kapalit m—" "Exactly!" putol niya. Napahalakhak siya na parang hindi siya makapaniwalang naisip niya ang bagay na iyon. "Jade. What if ikaw ang pumalit sa 'kin? Sigurado akong hindi sila makakatanggi! Malaking chance para sa kanila na ikaw ang gaganap sa production!" "Teka—" "Tatanggihan mo ba 'ko? You said naman kanina na you will help me 'di ba? Please, help me? Please? Please? Please?" "Teka!" Lumayo ako sa kanya dahil natataranta ako sa pressure na binibigay niya. "Why?" Napanguso siya. Nasapo ko ang noo at biglang nagsisi sa mga sinabi ko kanina. Sasagot na sana ako nang bumukas naman ang pinto ng kwarto at pumasok si Dennis. "Oh, gaga, eto na damit mo." Lumiwanag naman ang mukha ni Maggie. "Great timing, Dennis! Before you go, can we talk for a while first? May napagkasunduan kami ni Jade about sa bago niyang project and guess what? Pumayag na siya!" Napapalakpak siya sa tuwa. Nagtataka namang lumipat ang tingin sa 'kin ni Dennis. Makahulugan akong umiling. Nakatanggap naman ako ng kurot sa tagiliran galing kay Maggie. Tangina. Abuso na 'to, ah! Pinaliwanag sa kanya ni Maggie ang napag-usapan namin kanina, na siya lang naman ang kabod na nag-desisyon. "Well, if that's the case. Kailangan namin silang kausapin regarding this matter?" Umiling-iling si Maggie. "No. No! Actually, you don't have to worry about that. Ako na ang bahalang kumausap sa kanila tapos update ko na lang kayo if ever na may decision na sila which I know, a hundred percent na papayag sila! Sino ba namang makakatanggi sa isang Ria Jade? Right?" Kinindatan pa ako ni Maggie. Napailing na lang ako. "Okay lang ba sa'yo, Jade?" tanong naman sa akin ni Dennis. Nagmamakaawang tumingin sa akin si Maggie na parang nakasasalay ang buhay niya sa magiging desisyon ko. "Fine. For you, sige, payag na ako." Nagtitili siya. "Mahal na mahal mo talaga ako!" Kinabig niya ako ng yakap. "Omg, I wanna cry! Buti na lang talaga may kaibigan akong katulad mo!" Kumalas siya sa yakap. "At 'wag kang mag-alala! Hinding-hindi ka magsisisi dahil ito na ang chance mong maka-love team ang tinitingila nating halos lahat ng kababaihan! Nakakainis ka, alam mo 'yon? Naiinggit ako! Guess who?" "Sino?" intriga ni Dennis. Mas atat pa sa akin. "Si Mikael Falermo! Omg! Imagine? Mayayanig ang buong bansa sa inyong dalawa! I can't wait!" Pakiramdam ko pansamantalang tumigil ang pintig ng puso ko. Hindi sigurado kung tama ang aking narinig. Matagal-tagal na rin nang huli kong marinig ang pangalang iyon at hindi ko inakalang ganito pa rin ang epekto nito sa 'kin. Pati si Dennis na naiintriga kanina ay halos sinalamin ang naging reaksyon ko. Nag-aalala siyang tumingin sa 'kin. Bago pa man mapansin ni Maggie ang maling reaksyon namin ay sinuklian ko na ng pekeng ngiti ang sinabi niya. Handa na ba ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD