Chapter 1

5959 Words
Alam ko sa sarili ko kung anong uri ng pagkataong meron ako. Hayskul pa lang kasi nang maramdaman kong kakaiba ako sa mga kasing edad kong lalaki. Ay kung bakit mahilig sila sa pagba-basketball samantalang ako sa volleyball nahuhumaling. Mas attracted ako sa mga may itsura kong lalaking kaklase kaysa doon sa mga babae. Bagama't may kalituhan pero pilit kong isinilsil sa aking isipan na ako ay isang lalaki. In denial parin ako kahit na nagsisimula ng magsilabasan ang mga palatandaan ng pagiging isang alanganin ko. Noong mag-college ako, doon ko na tuluyang nakilala ang aking sarili. Mas nai-excite akong panoorin nang palihim ang Miss Universe kaysa sa championship ng NBA. Halos mapapatili ako at napapalundag ng mataas na para bang mabubunggo na ako sa kesame sa sobrang saya kapag binabanggit ng host ang, "YOU ARE STILL IN THE Competition...PHILIPPINES!" Hay, grabe ang sigaw ko niyan na para bang ako mismo ang nandoon sa pageant na iyon. Iyon nga lang may unan na nakapasak sa aking bunganga. Mahirap na kasi kapag marinig ako nina Daddy at Mommy at mabuking pa ako. Lalo na si Kuya na alam kong may allergy sa mga katulad ko. Bagama't tanggap ko na ang pagiging ganito ko, pilit ko parin naman itong inililihim sa aking pamilya lalo na kay Daddy na may mataas na katungkulan sa PNP. Sa tulad niya na isang kagalang-galang at ulirang pulis, paniguradong hindi niya matatanggap na may lalambot-lambot sa kanyang pamamahay. Kaya hayun, todo ang pagsisikap kong huwag mahalata nila at sa awa naman ng Diyosa ng mga bakla sa Makiling, napagtagumpayan ko naman. Kunsabagay sa gwapo ko ba naman at astigin kong kumilos at pananalita tiyak na hindi ako maaamoy pwera na lang siguro sa mga taong katulad ko ng pagkatao. Sa edad ko ngayon na labinwalo, di sa pagmamayabang, maraming mga kababaihan sa university na pinapasukan ko ang patay na patay sa akin. Iyong iba pa nga ang mismong lumalapit at nanliligaw sa akin pero lahat iyon ligwak. Sorry na lang sila dahil hindi ko sila type. Iba kasi ang gusto ko. Pero hirap akong magkaroon. Alam ko ang siste ng ligawan ng mga nasa gitna; itsura ang labanan. Iyon bang kung may itsura ka at masarap sa paningin nila, bentang-benta ka at lalo na kung may pera ka. Kung sa pagkain, pag-aagawan ka. Lahat naman ng katangiang iyon ay nasa akin ngunit zero parin ang lovelife ko. Hirap akong makabingwit kahit isa. Naungusan pa ako ng kaibigan kong si Dexter na bagamat hindi ganoon ka gwapo kung ikukumpura sa akin ay halos linggo-linggo kung magpapalit ng boyfriend. "Hay naku, Jeric wala namang problema sa'yo. Kung sa itsura, tiyak panalo ka. Matangkad na may katawan pa!" Ang sabi sa akin ng kaibigan kong si Dexter na tulad ko kumukuha rin ng Engineering sa UST. Isa rin siyang discreet o iyong hindi halata ang pagiging bading. "Alam mo ikaw, sabihin ko na sa'yo, suplado kasi ang aura mo. Kaya siguro nahihiyang lumapit iyong may gusto sa'yo!" "Alam mo namang hindi ako ganoon, Tol!" Ang pagtatanggol ko pa sa aking sarili kahit na alam kong tama naman ang kanyang sinabi. Isa sa mga defense mechanism ko kasi ang pagsusuplado-supladuhan para mas maitago ko pa lalo ang pagkatao ko. Para sa akin kasi, ang pagiging suplado ng aura ay makadaragdag sa pagiging brusko ko. Ngunit may hindi maganda din pala iyong hatid sa akin. Bukod doon, isa rin akong mapiling tao. May sinet kasi akong mga qualifications sa taong hinahanap ko. Una, dahil nga sa may itsura ako, dapat may itsura rin ang jojowain ko. Dapat iyong makinis ang balat at balidoso sa katawan. Ayoko iyong mukhang mabaho. Gusto ko iyong kasing tangkad ko na 5"11 o higit pa kahit na hindi ganon kaganda ang hubog ng katawan basta hindi iyong chubby o masyadong payat. Pangalawa, ayoko ang halata. Gusto ko iyong lalaking-lalaki sa kilos at pananalita. Para kapag dumalaw siya sa bahay hindi kami matunugan nina Daddy at kuya. At kapag mamasyal kami sa pampublikong lugar gaya ng mall, para lang kaming magtropa kung titingnan. Pangatlo, gusto ko iyong may pera. Hindi upang may manlibre sa akin dahil may pera naman ako kundi para may kahati ako sa mga gastusin kung kami ay kakain o mamasyal. Napag-alaman ko kasi na hindi na lang ang mga lalaking straight ngayon ang manggagamit o humihingi ng kapalit. May mangilan-ngilan naring mga alanganin ang gumagawa ng ganoon para lang makamit ang mga pangangailangan nila. Ewan ko ba, sa dami ng pwede kong aatupagin gaya na lamang ng aking pag-aaral ay hindi ko talaga maiwasang maisisingit ang mangarap na sana maranasan ko na ang magka-jowa. Daig ko pa tuloy ang isang gurang na bakla na desperado ng makangkang bago ba pa man abutan ng menopausal stage niya. Kaya noong magyaya si Dexter na magbar Sabado ng gabi ay pumayag na ako. Dati kasi hindi ako sumasama sa kanya kapag nag-yaya siya. Kesyo hindi ako payagan ng Daddy ko o kaya'y mag-aadvance study ako sa mga major subjects namin ang siyang lagi kong dinadahilan. Pero ang totoo niyan ayaw ko lang talagang lumabas dahil hindi ako mahilig gumala. Halos mag-isang oras akong nakaharap sa salamin habang papalit-papalit ng damit na susuotin. Gusto ko kasi iyong mamumukod-tangi ako sa lugar na pupuntahan namin. Alam kong gwapo na ako pero gusto ko kasi iyong may pasabog. Iyong tipong mapapalingon silang lahat kapag ako ay makitang lumalakad at hihimatayin sila sa nakakalaglag panty kong ngiti at tingin. "Tol, matagal ka pa ba diyan? Nilalamok na ako dito sa labas ng bahay ninyo sa kahihintay sa'yo!" Ang reklamo sa akin ni Dexter nang tinawagan niya ako sa celphone. Kanina pa kasi siya naghihintay sa akin sa labas. "5 minutes na lang Tol, baba na ako!" Ang sagot ko lang sa kanya habang naglalagay ng wax sa buhok. Inaayos-ayos ko ito sa istilong parang bagong gising. "Tagal naman. Ano ba 'yang sinusuot mo gown? Nagkukulot ka pa ba diyan?" Ang hirit niya pa na halatang inip na inip na sa kahihintay sa akin. Pinatay ko na ang tawag niya at nagmamadali na akong lumabas ng bahay. Sumaglit muna ako sa kusina para magpaalam kay Mommy na noo'y nagbibigay instruction sa bago naming kasambahay kung paano gamitin ang di-kuryentang kalan. Promdi kasi. Nang makalabas na ako ng gate ay nakita ko kaagad ang kotse ni Dexter na nakaparada sa malapit. Ngumiti ito sa akin taliwas sa pag-aalburuto nito sa akin kanina lang. Iyon pala dahil proud itong ipakilala sa akin ang bago na naman niyang jowa. "Tol, si Chris nga pala boyfriend ko!" Ang paglalahad nito sa akin. Nakita kong titig na titig si Chris sa akin. Iyon bang titig na para bang isa akong saging na binabalatan. Doon ko naisip na mukhang naging epektib ang pagpapapogi ko. "Jeric Tol!" Ang sambit ko sabay lahad ng isa kong kamay. "Hello!" Ang tugon naman niya na medyo ikinataas ng isa kong kilay. Gumeywang kasi ang kanyang boses. Kahit kailan talaga hindi mapili itong si Dexter kung kaya't hindi nakapagtatakang parang nagpapalit lang ng damit kung ito'y magpalit ng jowa. Matapos naming magkamayan ay pumasok na kami sa kotse at nagtungo na sa lugar na aming pupuntahan. Pumasok kami sa isang bar at napansin ko na ang halos pumapasok doon ay mga bakla at mga pamintang hindi lang basta durog kundi durog na durog. "Anong ginagawa natin dito?" Ang tanong ko kay Dexter ng kami ay naupo na sa isang mesa. "Gusto mong may makalantari diba? This is the right place for you Tol!" Ang sagot sa akin ni Dexter. "Alam mo naman siguro kung ano ang taste ko diba? I had my qualifications. Sa tingin mo magugustuhan ko ang mga iyan. Kulang na lang magkaroon ng foundation day dito sa kapal ng foundation ng kanilang mukha!" Ang reklamo ko kay Dexter. Inilapit ko pa talaga ang bibig ko sa kanyang tenga dahil pumailanlang na ang isang disco music at nakita kong isa-isa nang pumagitna ang mga kalalakihang maton kung kumilos pero nang nasa dancefloor na mapapahiya si Beyonce sa lambot ng mga katawan nito kung gumiling. "I-set aside mo muna iyang mga qualifications mo Tol. Nandito tayo para maihanap ka ng may magsa-shine ng iyan sa'yo. Magchillax ka muna. Huwag ka munang maghanap ng seryosohan dahil sa panahaon ngayon mahirap iyang matagpuan!" Ang sambit ni Dexter. "Dexter is right Jeric. Don't expect to find a serious relationship here. Dahil iyang mga nakikita mong iyan. Halos ang mga iyan ay may mga partner. Ngunit andito sila para mag-adventure. What I mean, andito sila para humanap ng makatikiman, ng ibang putahe. It's a fact na sa gaya nating mga alanganin kahit na may partner na tayo at mahal na mahal pa natin hindi natin maiiwasan ang matempt sa iba. Gusto natin ng bago. Ika nga, nakakaumay din kung laging adobo ang nakikita nating nakahain sa mesa. Somehow, gusto mo rin namang tumikim ng kaldereta o kare-kare, right? Mahirap labanan ang libog sa ating mga nasa gitna!" Ang pagsingit naman ni Chris na isa ring komite ng foundation day ng bar na iyon. Hindi ko naman napigilan ang aking sarili na sagutin siya. "Ibig bang sabihin ba niyan, hindi kayo seryoso ni Dexter sa isa't isa na para bang naglalaro lang kayo. Na kapag hindi ninyo kapiling ang isa't isa may iba kayong kinakama?!" Nakita kong nagkatitigan silang dalawa. Bumaling ng tingin sa akin si Dexter. "Most probably Tol. Iyan naman talaga ang kadalasang nangyayari ngayon. At tanggap na namin ni Chris ang ganoong set-up. Kaysa naman ikukulong namin ang aming mga sarili sa isa't isa at mababaliw ako sa kaiisip kung sino-sino ang kasama niya habang wala ako and vice-versa. Magiging magulo lang ang lahat. At baka mauwi pa sa pisikalan which is ayaw naming mangyari!" Hindi ko na nakuhang sumagot pa sa kanya. Napailing na lamang ako habang tinungga ang isang bote ng alak. Hindi rin naman ako mananalo sa kanila kung igigiit ko pa ang aking mga paniniwala. Pero sa akin lang hindi ako pabor sa ganoong set-up. Hindi ko yata matatanggap na ang jowa ko ay may sisipingang iba habang wala ako sa tabi niya. Maarte na kung iisipin dahil sa mga sinet kong qualifications sa ideal kong maging partner pero naniniwala parin akong may totoong pag-ibig sa aming mga alanganin. Nagpaalam na munang sumayaw sina Dexter at Chris gitna. Hindi nila ako napilit na sumayaw kaya naiwan akong mag-isa na alak lang ang kasama sa aming mesa. Maya-maya lang may lumapit sa akin na isang lalaki na para bang isang bouncer sa laki ng katawan nito kaya lang hindi naman katangkaran kaya nagmukha siyang si Klirin sa Dragon Ball Z. Kaya Ligwak na ligwak. Nang halos nasa malapit ko na siya, umiwas na agad ako baka may masabi pa akong hindi maganda. Nagkunwari akong magsi-CR para tuluyang makaiwas. "Wait!" Ang tawag niya pa sa akin pero hindi ko na siya nilingon. Nang nasa loob na ako ng CR ay inayos ko ang aking buhok sa harap ng isang malaking salamin dahil hindi naman talaga ako naiihi. Umiiwas lang ako sa pandak na iyon. Di nagtagal ay may tumabi sa aking lalaki at nararamdaman kong ang lukso ng dugo. Tinitigan niya ako sa salamin at kumindat. "Hayun confirmed!" Sa isip ko. Palihim ko naman siyang sinusulyapan sa salamin. Infairness, guwapo ang loko. Matangkad. Siguro nasa 6 feet ang tangkad niya. Makinis ang balat at mukhang may sinasabi sa buhay. Kaya nang mahuli niya akong palihim na nakatitig sa kanya pinakawalan ko na ang pamatay kong ngiti. Hayun sapol. Gumanti din siya ng ngiti sa akin pagkatapos ay nagpakilala. "Im Kurt and you!" Ang paghanga ko sa kanya kanina lang ay napalitan ng sobrang discouragement. Iyon bang parang sumakay ako sa isang hot air ballon ngunit ng nasa alapaap na ako bigla na lamang itong nabutas at bumulusok ito pababa sa lupa. Imadyinin mong kaharap mo si Xian Lim at noong magsalita ito kaboses naman ni Ogie Diaz. Katurned-off diba? Kaya ang ginawa ko, bigla na lang akong umexit sa CR. Bastos na kung bastos, e sa hindi ko type ang ganoon. Bagamat hindi nga siya lalambot-lambot kung kumilos gumigeywang naman ang kanyang boses kaya ligwak parin sa akin. Nang makalabas ako ng CR ay dumiritso ako sa labas ng bar at nagtungo sa may hardin. May mangilan-ngilan akong naratnan doon. May nagsosolo at may ibang kasama nila ang kanilang mga jowa. At iyong iba naman ay baka kabibingwit lang nila. Nang ilang sandali pa ay may lumapit na naman sa akin. At sa pagkakataong iyon hind na ako nakitaan ng pagkainteres dahil nga nabiktima na ako ng isang maling akala. Sa isip ko, mukhang mahihirapan akong makakita sa gabing iyon na pumasa sa mga standards ko. Bokya nga siguro ako. Kung nagkataong isa ako sa naging judge ng The Voice Ph. baka mamaya magpa-final na lang wala pa akong napili na kahit ni isang iko-coach. "May kasama ka ba or nag-iisa ka lang?!" Ang sabi niya sa akin na siyang ikinatameme ko. Lalaking-lalaki kasi ang kanyang boses at ang kanyang kilos ay astig na astig din. "M-May mga kasama ako kaso nagdi-disco pa sila!" My God nakakita lang ako ng sobrang guwapo nangalog na agad ang tuhod ko. Parang na-freeze ako nang ilang sandali sa aking kinatatayuan. Mukhang nasa kanya na siguro ang katangian ng lalaking hinahanap ko. Guwapo. Makinis ang balat. Matangkad. At siguro naman mapera din dahil obvious naman sa kanyang itsura. "Iniwan ka nila? Hindi ka nila isinama?" Tumaas ang isa nitong kilay. "It's okey hindi ko naman talaga hilig ang mag-disco!" Ang sabi ko sa kanya. "Ah okey!" Tumango-tango siya. "By the way I'm Chad and you?" Inilahad niya ang isang palad sa akin na agad ko din namang tinanggap. "Jeric!" Ang sabi ko naman. At doon na nagsimula ang aming kwentuhan. Inaya niya ako sa kanyang table dahil mag-isa lamang daw siya. Pumayag naman ako dahil hindi pa naman bumabalik sina Dexter at Chris sa mesa namin. Nang nasa table na kami ni Chad, sinabi niya na kanina pa daw niya ako pinagmamasdan at nag-aantay lang na makahanap ng tiyempo upang kanyang malapitan at makapagpakilala. Siyempre kilig naman ako to the highest level. Sa dami ba naman mg tao sa bar na iyon ay ako pa talaga ang kanyang napansin? "May girlfriend ka na ba?" Nasamid naman ako sa tanong niyang iyon. Nalagok ko tuloy bigla ang iniabot niyang redwine sa akin. Sa dami ba namang pwedeng itanong iyon pa talaga? Obvious naman na ang lahat ng pumapasok sa bar na iyon ay single sa mga babae dahil taken na sa mga kapwa lalaki. Kung hindi naman, naghahanap ng majojowang lalaki. "Wala. At hindi ko pinangarap na magkaroon!" Ang sagot ko naman. "Sounds bitter! Or iba lang talaga ang hilig mo?" "Lalaki ang gusto ko!" Ang deretsahan kong sagot sa kanya. Alam kong iyon ang ibig niyang tumbukin kaya inunahan ko na. Medyo prangka din kasi akong tao at ayoko iyong paligoy-ligoy. Nakita kong medyo nabigla siya sa aking sinabi dahil bahagyang namilog ang mga mata niya ngunit nakabawi din naman agad at ngumisi sa akin. "Tama nga ako! Actually I felt something on you kanina pa nang una kitang makita pero hindi lang ako ganoon kasigurado. Nakakapeki lang kasi ang mga kilos at pananalita mo. Walang bahid ng pagiging ganoon. Naisip ko nga na baka naligaw ka lang dito o may sinamahan ka lang na mga kabarkda mong ka-pederasyon. Panay ang iwas mo kasi sa mga pamintanga lumalapit sa'yo!" Ang sabi ni Chad na medyo ikinataba naman ng aking puso. Ibig sabihin lang nun, pulidong-pulido ang pagbabalat kayo ko. "And I felt na na-awkard ka na tumbukin kung ano talaga ako kaya inunahan na kita. Though this is my first time here, pero alam kong walang straight ang nagagawi dito!" "Exactly!" Bulalas niya. At iyon ang naging takbo ng aming usapan hanggang sa umabot kami sa mga personal na bagay-bagay. Napag-alaman kong isa siyang medical student sa UP at katatapos lang din ng kanyang internship sa isang hospital sa Manila. Sa ngayon nagrereview siya para sa darating na licensure examination for physician. At tama nga ang sapantaha kong galing siya sa isang mayamang pamilya. Mukha siya na nga ang hinahanap ko. Naparami na ang inom naming pareho. Nakita kong hinawakan niya ang aking palad at pinisil iyon at nakaramdam naman ako ng kakaibang init na sumakop sa aking kalamnan sa sandaling naglapat ang aming mga palad. "Would you mind if we'll look for a better place. I-I m-mean a pri-vate place!" Ang nauutal niyang sabi at batid ko na tulad ko, nadadarang na rin siya sa init ng pagkakadaupang palad namin. Hindi ko alam pero parang tumaas bigla ang libido ko sa kanyang sinabi. Naisip ko na baka ito na ang moment na pinakahihintay ko, ang mabinyagan kaya, "Oh sure!" Ang walang kagatol-gatol kong sagot. Tumayo na kaming pareho para lumabas ngunit sinabi kong sasaglit muna ako sa mga kasama ko para makapagpaalam kaya nauna na siyang lumabas ng bar. "For 48 years, Tol mukhang nahanap mo narin iyong prince charming mo!" Ang biro pa sa akin ni Dexter. At dumagdag pa si Chris ng, "Mukhang madidiligan ka na rin sa wakas friend, iba ka talaga pumili. Ikaw na!" na halatang lasing na dahil lumalabas na ang pagiging berde nito sa pananalita. Ngunit hindi na ako pumatol sa kanilang biro. Sinabi ko na lang na hindi na nila ako hintayin dahil si Chad na ang maghatid sa akin pauwi. Nang makalabas na ako ng bar ay nakita ko agad ang pagkaway ni Chad sa akin na nakasandal sa puti nitong kotse. Lumapit din naman ako agad at pumasok na sa loob. Kaswal lang naman ang naging usapan namin ng lumarga na kami. Hanggang sa nakita kong pumasok kami sa isang magarbong hotel. Doon nagsimula ang kaba ko sa dibdib. Iyong kaba na may halong libog. Sabik na sabik ako sa maaring mangyari sa amin sa loob. Iyon ang unang beses kong makatikim ng sinasabi nilang langit kaya kahit papunta pa lang kami sa frontdesk para magcheck-in, ramdam ko na ang pagpupumiglas ng aking laman sa pagitan ng aking mga hita. Kapapasok pa lang namin sa aming silid ay agad niyang sinunggaban ang aking labi na para bang hayop na gutom na gutom. Ako naman, bagamat natatangay na sa kanyang kapusukan ay nagawa ko pang maitulak ang dahon ng pinto at nailock iyon. Pagkatapos, nagsimula na ang walang puknat naming laplapan. Dahan-dahan naming hinubad ang aming mga saplot na magkahinang parin ang aming mga labi na para bang isang malaking kasalanan kung ito ay magkahiwalay kahit na ilang segundo lang. Eksaktong marating namin ang kama ay nakahubad na kaming pareho. Saglit naming itinigil ang aming halikan para makahigop ng hangin. Humihingal kaming pareho habang tinitigan namin ang isa't isa. "Firts time!?" Ang sabi niya sa akin. Siguro napansin niyang hindi ako ganoon kabihasa sa naging halikan namin. Tumango lang ako bilang pagtugon. Napangisi naman siya na may kasamang pagkagat sa ibabang labi nito. Nasasabik marahil dahil sa virgin pa ako. Bumagsak ako sa napakalambot na kama gawa nang marahan niyang pagkakatulak sa akin at doo'y sinunggaban niya ang aking mga labi. Napapikit ako nang dinilaan niya ang aking tenga pababa sa aking leeg hanggang sa aking dibdib na siyang ikinatuliro ko ng husto. Paano kasi hinimod niya ang magkabila kong u***g at bahagyang kinagat-kagat. Bumaba ang mga halik niya sa flat kong tiyan. Napapaliyad ako sa init ng kanyang dila. Grabe. Wala akong masabi sa galing niyang magperform sa kama. Napakislot ako ng hinawakan niya ang sandata ko at walang pagdadalawang isip na isubo iyon. Heaven! Iyon ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Tumirik na ang aking mga mata sa sarap na dulot niyon sa akin. Agad ko siyang pinigil nang maramdaman kong malapit na akong sumabog. Ayokong ako lang ang naliligayahan kaya kahit hindi man ako ganoon kagaling kagaya niya sinikap ko namang paligayahin siya sa aking sariling pamamaraan. Ginaya ko ang mga ginawa niya sa akin kanina pati na ang pagsubo sa naghuhumindig nitong lalaki. Narinig ko ang pag-ungol niya tanda ng nasasarapan siya sa ginagawa ko. Maya-maya lang pinigil niya ako. Bumalikwas siya at dinaganan ako. Nilalamutak niya ulit ako at ang mga paa ko'y idinantay niya sa kanyang balikat. Doon ako nakaramdam ng takot sa gusto niyang gawin sa akin. First time ko ang makipagniig pero hindi pumasok sa isip ko ang magpatira sa likuran. Isa akong bakla, alam ko yun kahit na hindi ako halata. Pero kailan man hindi pumasok sa isip ko ang magpatira. Hindi naman sa nandidiri ako pero iniisip ko kasi na kapag mangyaring magpatira ako parang baklang-bakla na ako nun. Iyon bang parang bababa ang tingin ko sa sarili dahil ako ay naging parausan. Kaya kung sumubo. Pero ang magpakantot never ko iyong gagawin. Bahala na. Kaya.."Huwag na muna Chad. Parang hindi ko pa kaya!" Ang sabi ko sa kanya na kanya din namang sinunod. Doon ako humanga sa kanya ng husto. Alam kong nabitin siya pero imbes na ipagpilitan ang gusto niya dahil sa libog hinalikan niya ako sa noo tanda ng respito niya sa akin. Tumihaya siya sa tabi ko at sabay naming nilalaro ang aming mga sarili para makaraos. Nagpahinga muna kami ng ilang sandali bago kami nagshower at nagbihis. Bago kami nagcheck-out, nagpalitan kami ng aming mga numero sa celphone. Pagkatapos, inihatid na niya ako pauwi sa amin. Tinanghali ako ng gising at sandamakmak na mga texts galing kay Chad ang bumungad sa akin. Natuwa naman ako dahil buong akala ko hindi na siya magpaparamdam sa akin dahil nabigo ko siya sa gusto niya nang nagdaang gabi. Dumaan pa ang mga araw at naging malalim na ang aming samahan hanggang sa nagtapat na siya ng pagmamahal sa akin. Siyempre agad-agad din akong umo-o. Kaytagal ko din kayang inasam na magkajowa na pasok sa standards ko. Masaya akong ibalita iyon kina Dexter at Chris. Wala naman kaming naging problema sa naging relasyon namin ni Chad. Batid kong mahal na mahal niya ako gaya ng pagmamahal ko sa kanya. Apat na beses kaming nagkikita sa isang linggo. Kasama na doon ang pagbisita niya sa akin sa bahay. Siyempre magtropa ang siste namin kung binibisita niya ako doon. Ngunit sadya ngang walang perpektong relasyon. Ang bawat halakhak ay may kaakibat na pagluha. Isang buwan na kami noon nang para bang nanlalamig siya akin. Minsanan na lamang kami kung magkikita taliwas noong bago pa lamang kami. May pasundo-sundo pa nga siya sa akin sa university na pinapasukan ko. Kaya nung dinalaw niya ako minsan sa bahay ay hindi ko pinalagpas na isingit iyon sa aming pag-uusap. "Busy lang talaga ako Dude. You know naman I had my review right now!" Ang simpleng tugon niya sa akin sabay dampi ng halik sa aking labi. Kasalukuyan kaming nasa loob ng aking kwarto. Pagkatapos ng paghalik niya sa akin ay iniba na niya ang paksa ng aming usapan. Ako naman, para hindi mauwi sa hindi pagkakaunawaan namin, hindi ko na binanggit pa ang tungkol doon. Kahit na sa loob ko hindi ako ganoon kakumbensido. Ngunit habang patuloy sa paglikwad ang mga araw ay mukhang mas lumala pa ang problema ko sa kanya dahil hindi na siya halos nagpapakita sa akin. Laging busy sa review ang lagi niyang dinadahilan sa akin. Mahal ko siya. Ngunit hindi sapat ang pagmamahal ko upang hindi siya pagdudahang baka may kababalaghan siyang ginagawa. Isang araw biglang tumunog ang aking celphone. Pangalan ni Chad ang nakita kong rumihestro doon kaya agad ko iyong binuksan at baka magyaya siyang magkita kami. "Thanks for coming Dude. Grabe galing mo. Really enjoy the night. Till next time!" Parang may sumabog na bomba sa aking harapan matapos kong basahin ang text niya. Dude nga ang tawagan namin pero sigurado akong hindi para sa akin ang text niyang iyon dahil halos dalawang linggo nang hindi kami nagkikita. Doon ko napagtantong niloloko niya ako. Hindi totoong ang pagrereview ang pinagkakaabalahan niya kundi abala siya sa pakikipagkalantari sa iba. May nangilid na luha sa aking mga mata dahil sa sobrang galit. Muntik ko pa ngang maibalibag ang hawak kong celphone kung hindi lang ito tumunog ulit. Si Chad ang tumawag. Hindi pa nga ako nakapagsalita ay inunahan na niya ako. "D-Dude wrong send lang iyon. Pinorward lang iyon sa akin. Hi-hindi ko alam kong sino. Isi-sendback ko sana iyon sa nagpadala sa akin kaya lang sa iyo ko naforward. Maniwala ka sana. Love you!" Ang mabilis niyang pagpapaliwanag na para bang hinahabol. Ako nama'y pilit na pinakakalma ang sarili. Alam kong gasgas na ang palusot niyang iyon na kahit ang isang grade one section okra ay hindi niya kayang bilugin ang ulo. "Ganon ba? Okey!" Ang simpleng tugon ko. Nagkunwari akong mahinahon kahit pa sa loob ko mistula na akong sinisilaban sa galit. "Hindi ka galit Dude?" "May dapat ba akong ikakagalit Dude!?" "Wa-wala naman. Sige Dude kita na lang tayo sa Sabado. I love you. Miss you!" Ang huli niyang sinabi bago niya patayin ang kanyang tawag. Batid kong may kinahuhumalingan siyang iba. Pero kailangan ko ng prweba. Sana nga lang mali ako dahil sa sobrang pagmamhal ko sa kanya parang hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko sa kabila ng kasalanang nagawa niya kung sakali. Wala akong sinabihan sa estado ng samahan namin ni Chad maging si Dexter na pinakamalapit kong kaibigan. Dahil alam kong asasarin lang ako nun. Kaya sinulo kong lahat. Biyernes ng gabi ay naisipan kong puntahan si Chad sa tinutuluyan nitong apartment. Parang napakatagal na ng Sabado kung hintayin ko pa iyon. Hindi na ako nakapagpaalam sa kanya gawa nang gusto ko rin siyang sorpresahin. Sa kabila ng sama ng loob ko sa kanya, hindi ko maitwang mahal na mahal ko siya at iniisip kong siya lang ang lalaki para sa akin. Nang makarating ako sa kanyang apartment ay nakita ko ang kanyang kotse sa baba. Ibig sabihin lang hindi siya umalis ng bahay kaya nagtuloy-tuloy na ako. Hindi nakakandado ang pinto ng main door ng kanyang unit kaya pumasok na ako. Nasa may sala na ako nang tinawag ko siya ngunit walang sumagot. "Dude!?" Tawag ko ulit ngunit wala talaga. Tinungo ko ang kusina baka sakaling andoon siya ngunit wala din siya doon hanggang sa may narinig akong nga mumunting ungol na nanggagaling sa kanyang silid. Medyo kinabahan akong tinungo iyon. Nasa tapat na ako ng kanyang silid at doon ko napagtantong doon nga nanggagaling ang mga ungol na narinig ko. Alam ko na agad na may nangyayaring hindi maganda sa loob ng silid kaya nanginginig akong hinawakan ang siradura ng pinto. Swerte namang hindi ito naka-locked kaya malaya ko iyong nabuksan. Tumambad sa aking paningin ang hubad na katawan ni Chad. Nakatihaya ito sa ibabaw ng kama. Nakahawak ang dalawa niyang kamay sa headboard nito. May kasama siyang lalaki na kagaya niya hubo't hubad din. Inupuan nito ang kanyang sandata at humihinite ito roon. Hindi agad ako nakakilos dahil sa nasaksihan. Tinangka kong sorpresahin n si Chad ngunit ako pala iyong nasorpresa nang husto. Agad silang natigil sa kanilang salpukan nang makita ako ni Chad. Grabe ang pamimilog ng mga mata niya na para bang nakakita ng multo. Agad siyang napabalikwas ganoon din ang katalik nito. Nababanaag sa kanilang mukha ang sobrang takot sa pagkakahuli ko sa kanila. Sarap lang nilang pagtatagain sa oras na iyon at ipalapa sa buwaya. Hindi ko naman namalayan na tumulo na pala ang luha ko sa sobrang galit at sakit na nararamdaman. "Dude!" Ang tawag niya sa akin ng tinangka kong lumisan sa lugar na iyon.Ngunit hindi ko siya tinapunan ng tingin. Nang pababa na sana ako, naramdaman ko ang isang kamay niya sa aking braso para pigilan ako. Hinarap ko naman siya. Nakasuot na siya ng boxershort. "Sorry Dude. I didn't mean to hurt you!" Ang sabi niya. "But you already did!" Ang sagot ko naman. Natahimik siya. Napayuko. Guilting-guilty sa kanyang ginawa. "Bakit mo 'to nagawa Dude? Mahal na mahal kita alam mo iyon. Dahil ba sa hindi ko maibigay sa'yo ang hilig mo? Akala ko ba sapat na ako sa'yo?" Ang sigaw ko habang pinapahid ko ang luha sa aking mga mata gamit ang aking palad. "Mahal na mahal din naman kita Dude. Pero alam mo namang may pangangailangan din ako!" Hinila niya ako pabalik sa loob para makasigurong walang makakarinig sa aming pagtatalo. Nakasalubong pa namin ang lalaki niya kanina na noo'y nagmamadaling umalis. Pero hindi ko na siya nagawang pansinin. Mas natuon kasi ang buong atensiyon ko kay Chad. "Ilang beses ko iyong hiniling sa'yo pero hindi mo kayang maibigay!" Sigaw niya ng nasa loob na kami. "Iyan lang ba ang habol mo sa akin? Iyan ba ang basehan sa pagkakaroon ng isang matibay na relasyon!?" "Sa sinabi ko na... mahal kita. Inakala ko it was just a one night stand affair yong sa atin. Inakala ko na pagkatapos nating magparaos ay simpleng magsusuot tayo ng ating mga damit at tumalikod. Na para bang nagkasabayan lang tayo sa isang elevator at nang bumukas iyon kanya-kanya na tayong lakad sa ating patutunguhan. Pero hindi naging ganoon ang lahat eh. Pagkatapos nang may nangyari sa atin hindi ka na nawala sa isip ko Dude. Sa dami ng naka-one stand ko, sa iyo ko naramdamang tumibok ang puso ko!" Tinangka niyang lumapit sa akin ngunit ako'y umatras. Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Patawarin mo ako kung natukso ako. Minsan sa isang relasyon lalo na sa ating nasa gitna hindi lang puro pag-ibig ang dapat nating isaalang-alang. Tao din tayo na may pangangailang pisikal. Siyempre partner kita hindi ko maiiwasang mananabik sa'yo. Sa ganyang paraan lang kasi natin mapagdugtong ang ating mga damdamin. Pero bakit hirap mo iyong maibigay sa akin" Natahimik naman ako sa kanyang sinabi. Kahit papaano naisip ko ring may punto siya. Aminado akong may pagkukulang din ako pero hindi parin makatarungan para sa akin ang ginawa niyang pakikipagniig sa iba. Kaya gawa ng pride, "Maghiwalay na tayo!" Ang naibulalas ko na ako din ang labis na nasasaktan. Piniga nang husto ang aking puso at ang mga mata ko'y mistulang balon na hindi nauubusan ng luha. Inaamin ko na sa kabila ng pagtataksil niya mahal na mahal ko pa rin siya. Nasa kanya kasi ang katangian ng isang lalaking pinapangarap ko. "Okey kung iyan ang gusto mo!" Aba at hindi man lang tumutol. Inakala ko pa namang susuyuin niya ako at maglumuhod na humingi ng tawad sa akin gaya ng kadalasang ginagawa ng ibang lalaki kapag nagkasala sa kanilang mga jowa ngunit hindi niya ginawa. Mukhang ikinatuwa pa niya ang pakikipaghiwalay ko sa kanya. "Ganun na lang ba sa'yo ang lahat!" Sigaw ko sa kanya na may halong inis. "Sinabi mong maghiwalay, e di hiwalay! At anong gusto mo? Luluhod ako at magmakaawa na hindi mo ako hihiwalayan? At sino ka para luhuran ko, Diyos ka ba? Oo inaamin kong mahal kita pero hindi ko kayang magpakababa dahil alam kong maraming iba diyan ang nagkakandarapa sa akin!" Sigaw niya rin. Biglang nagpantig ang tainga ko sa narinig. "Ang yabang pala neto" sa isip ko. Kaya sa sobrang galit at inis ko sa kanya bigla na lamang dumapo ang kamao ko sa kanyang mukha. Hindi niya iyon napaghandaan kaya natumba siya sa sahig at pumutok ang kanyang labi. Walang lingon-likod naman akong lumisan sa apartment niya. Dahil hindi ko dala ang kotse ko agad akong pumara ng taxi at doon ko binuhos ang lahat ng hinanakit ko. Unang beses kong magmahal ng ganoon at isang malutong na kabiguan agad-agad ang aking napala. Kaysakit pala lalo na kung mahal na mahal mo iyong tao. Hindi ko na nagawa pang itago kay Dexter ang hiwalayan namin ni Chad. Siya lang kasi ang nag-iisa kong kaibigan na pwede kong mahingahan ng aking mga problema. Nahihirapan na kasi akong solohin ang lahat. Kaybigat pala kapag wala kang masasabihan. "Hayaan mo na siya Tol, makakahanap ka pa. Ako nga na di gaanong kagwapuhan e, laging nakakadikwat, ikaw pa kaya?" Ang pampalakas loob niya sa akin. "Basta nandito lang ako sa tabi mo. Hindi kita iiwan. Malalampasan mo rin iyan. Ang isipin mo hindi lang siya ang lalaki sa mundo. Makakahanap ka pa. Hindi man agad-agad pero alam kong darating ang tamang oras diyan!" Dagdag niya pa. Tumango naman ako sa mga sinabi niya. Pero sa loob ko parang nahihirapan akong makahanap ng kagaya ni Chad. Nasa kanya na kasi ang lahat ng katangiang hinahanap. Para tuloy gusto kong sabihan si Dexter ng, "Talagang madali kang makahanap ng pamalit sa mga naging jowa mo dahil wala kang taste. Pati siguro traysikel drayber papatusin mo!" Pero sa isip ko lang yun. Mabilis ang paglipas ng mga araw mula nang maghiwalay kami ni Chad. Hindi ko namalayang magbabakasyon na pala dahil ang tanging nasaisip ko ay siya lamang. Hindi parin ako nakapagmove-on sa kanya. Kung sakali mang may magpaparamdam sa akin, siya palagi ang pumapasok sa isip ko na naging batayan sa pagpili ng susunod na mamahalin. Gaya ng... Dapat sing gwapo at kisig ni Chad. Gwapo na sana pero di naman katangkaran gaya kay Chad. Meroon pa, ang pangit ng ngipin di gaya ng kay Chad na ang puputi at pantay-pantay. Iyong mga ganyang paghahalintulad ba nasa tingin ko masyado na akong chossy pero wala na akong magagawa e sa iyon ang gusto ko. Kaya tiis tiis na lang muna ako. Kaya noong minsang naghahapunan kami buong pamilya at binanggit ni Daddy na pupunta kaming Laoag para makipista kina Lolo at Lola ay sinabi kong sasama ako kahit na hindi pa nila ako tinatanong kung ako ba ay sasama. Dati kasi hindi ako sumasama sa kanila kapag ganoong pista roon dahil hindi ko type ang lumagi sa kanilang lugar. Hindi naman sa napapangitan ako sa lugar dahil sa totoo lang kung nature tripper ka ay talagang mabibighani ka sa lugar na iyon. Pero sa kagaya ko na isang city boy parang mamamatay ako sa bored kahit isang araw lang akong mamamalagi doon. "Aba, nag-iba yata ang ihip ng hangin!" Ang sabi pa ni kuya, mga mata ay namilog dahil hindi makapaniwala sa aking sinabi. "E sa gusto ko ring maranasan ang makipista roon, may problema ba?" Ungot ko naman pero ang totoo niyan gusto ko lang magpakalayo na muna at magbakasaling makatulong iyon sa paggamot sa nasugatan kong puso-ang makalimot. Araw ng pag-alis namin. Kami lang nina Daddy at Mommy ang makakapunta ng Laoag dahil hindi naaprub ang leave ni kuya sa kanyang trabaho dahil baguhan pa lang daw siya. Naisipan kong umidlip na muna habang nasa himpapawid na kami. Ngunit bago ko pa man naipikit ang aking mga mata nang marinig kong may malakas na pagsabog sa kung saan at pagkatapos ng pagsabog na iyon bigla na lamang gumeywang-gewang ang sinakyan naming eroplano dahilan upang mag-panic ang lahat ng pasahero at kabilang na kami doon. Niyakap din naman ako agad ng aking mga magulang. Pareho kaming kinakabahan sa maaring mangyri. "Jeric Anak!" Ang halos magkasabay na sigaw ng aking mga magulang habang yakap-yakap ako. Nanginginig na ang buo kong katawan dahil sa takot na isiping ito na marahil ang katapusan ko. Ang nararamdamang sakit sa damdamin ko lang naman ang gusto kong matapos hindi iyong pati buhay ko at buhay nina Mommy at Daddy. Hanggang sa naramdaman kong bumulosok na kami pababa. Nahagip pa ng aking paningin ang lumiliyab na bahaging buntot na iyon ng eroplano. Sigawan lahat ng pasahero. Hindi nakakatulong ang pagpapakalma sa amin ng mga flight attendant, ikaw ba naman ang nasa bingit na ng kamatayan, magawa mo pa pa kayang huminahon? "Dad, Mom, mahal na mahal ko po kayo pati si kuya!" Ang naluluha kong sambit sa aking mga magulang na para bang isang taong may malubhang sakit na malapit ng mamatay. Kunsabagay talaga namang mamamtay na kami dahil sa pagkakaalam ko wala pang nakakaligtas sa isang plane crash. "Diyos ko patawarin nyo po ako sa aking mga nagawang kasalanan!" Ang dagdag ko pa. Narinig ko ang malakas na pagsabog nang tuluyan na kaming bumagsak. Kitang-kita ko ang ibang pasahero na unti-unting tinutupok ng apoy ang kanilang mga katawan. Iyon na marahil ang preview kung ano ang itsura ng isang tao kapag naimpiyeno. Napaawang ang aking bibig. Hindi ko maigalaw ang aking buong katawan sa nasaksihan. Hanggang sa wala na akong makita dahil tinakpan ni Daddy ang aking mga mata para hindi ko na masaksihan pa ang kahindik-hindik na sumunod na mangyari. Iyon ang huli kong natatandaan bago ako nilamon ng kadiliman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD