Chapter 66: Pagdadalamhati HINDI pa rin makapaniwala si Denzel sa mga nangyari. Ang hindi niya lubos na mabalitaan ay ang pagkawala ng kanyang isang anak. Hindi niya alam kung sino pero sa mukha pa lamang ni Crim Carl ay talagang nagsasabi ito ng totoo. Sobrang sakit isipan na ang lalaking tinuring na ama ng mga bata noon ay tila naging demonyo na ngayon. Sa kasamaan ng mga ito pati mga batang walang laban ay kanilang dinadamay. Hindi siya lumabas ng kanyang silid magdamag kaya siguro kumatok na si Crim Carl. In-lock niya ang pinto ngunit nagawa naman iyong buksan ng lalaki. Pagkapasok nito ay may dala-dalang tray ng pagkain at sa kanang kamay ng lalaki ay hawak nito ang isang susi. “Kumain ka na bago ka pa sumunod sa anak mong namayapa na,” ani nito at inilapag ang pagkain sa mesa. “

