Chapter 16: Huling Misyon PAGDATING nila ng restaurant ay kaagad na silang pumasok sa loob. Iginiya sila ng isang waiter papasok sa isang private. Nakapunta na siya rito ng isang beses at kasama niya noon si Rigor. Pagpasok nila sa silid ay mayroon nang nakahandang mga pagkain at nandoon na rin ang pinakataa ng Phoenix. “Kumusta ang bakasyon ninyo sa Bohol?” tanong Rigor nang papaupo lang sila. “So great experience,” siya ang sumagot. “I enjoyed a lot.” At hindi iyon maitatanggi ni Hezekiah. Mula sa mga taong nakakasalamuha niya at nakakasama hanggang sa mga pagkain at tourist’s spot. “Mabuti kung ganoon Hezekiah, kumusta ka na?” “I’m alright now thanks for asking, Agent Rigor.” “That’s good to hear and you?” baling ni Rigor kay Jonito na noo’y nag-umpisa na palang kumain. “Okay

