Chapter 47: Nakaambang Panganib HABANG sila'y naghihintay ay nakikita ni Denzel ang kakaibang titig ng mga sindikato sa kanila. Alam niyang kilala na ng mga ito si Hezekiah ngunit hindi siya sigurado kung namumukhaan ba siya ng mga ito. Mas lalong natatakot si Denzel para sa kalagayan ng mga anak. Alam niyang kumikilos na naman ngayon ang ilang miyembro ng Skull upang maghiganti. At kung baka sakali man na iyon ba talaga ang kanilang pakay ngayon ay hindi lang buhay ni Hezekiah ang nanganganib. Pati na rin ang buhay ni Boyet at Jonito na noo'y katuwang ni Hezekiah upang mapuksa ang Skull. "Hindi mo kami kilala, Hezekiah Blake. Ngunit ikaw ay kilalang-kilala ka na namin. Ang iyong buhay at pagkatao. Malaking pinsala ang ginawa mo sa amin at hindi iyon pwedeng palagpasin," seryosong wika

