Chapter 34: Ang Ginang BIGLANG nag-ring ang cellphone ni Hezekiah at inabot niya ito na nakalagay lang sa maliit na mesang may nakapatong na lampshade. Mabilis niya iyong sinagot ang tawag nang si Lauriate ang tumatawag. “Hello Lorie?” aniya sa kabilang linya. “Hello, Hezekiah... may mga lalaki rito at hinahanap ka. Sinasabing importante raw ang kanilang sadya at tanging ikaw lang daw ang kanilang kakausapin,” ani nito sa kabilang linya. Mabilis na nahulaan ni Hezekiah kung sino ang mga iyon. Medyo nawala sa kanyang isipan ang mga dating tauhan ng Skull ngunit malaki ang ipinapasalamat niya sa mga ito. Kung wala ang tulong nila ay mahihirapan siguro silang tuklasin ang Skull. “Sabihin mo na huwag munang umalis at pupunta ako riyan. Paki-entertain na muna sila at bigyan ng makakain,”