Chapter 57: You’re Such a Jewel TANGHALI na nang magising si Denzel kaya nagmamadali siyang bumangon. Hinayupak na Hezekiah. Hindi man lang siya ginising ng lalaki. Lalabas na sana siya nang mapagtanto niyang nakahubo’t-hubad pala siya. Isinuot na muna ang kanyang roba at lumabas ng kwarto. Rinig na rinig niya ang ingay ng dalawang kambal mula sa ibaba. Naglalaro ang mga ito habang si Yaya Mabel ay nanunuod ng telebisyon. Napansin siya ng ginang at pinatay nito tevee. “Okay lang po Yaya Mabel, manood ka lang diyan tutal naglalaro naman ang mga bata. Anong oras na po?” “Malapit nang mag-alas dose ng hapon Ma’am, gigisingin sana kita ang kaso sabi ni Sir Hezekiah ay pagod ka raw kaya hindi nalang kita kinatok.” “Ang lalaki talagang iyon... pumasok na po ba siya?” Malamang pumasok na iy

