PT. 2 HINDI maiwasang maiyak ni Denzel habang siya’y sakay ng eroplano. Naisagawa niya ang kanyang planong pag-alis at iwan ang mga mahahalang tao sa kanya upang iligtas ang ama at matapos ang kasamaan ng Skull. Hindi matatapos ang lahat ng ito kung hindi siya haharap na siya mismo ang kailangan ng mga sindikato. Ngunit may ideya na siyang isa lamang itong patibong. Patibong na kung saan gagantihan lang sila ng mga ito. Possibleng alam ng sindikato na magkasama sila ni Hezekiah ngayon. Inaakala siguro ng mga ito na isasama niya si Hezekiah sa pagbigay ng kakailanganing pera ngunit iyon ang pagkakamali na kanilang gagawin. Babae si Denzel ngunit hindi iyon nangangahulugang mahina siyang tao at hindi ginagamit ang kanyang isipan. Babae siya na kilalang matapang at walang inuurungan. Nga

