Chapter 76: Ang Paghahanap MUKHANG masasabi yata nina Hezekiah na maganda na itong nakahanap sila ng isa pang makakasama sa bahay na kanilang nirerentahan upang mag-asikaso ng kanilang kakainin. Sa sobrang busy nila at pagod ay nawawalan na sila ng oras para sa kani-kanilang sarili. Mabuti na lamang at nandito na si Joemar. Ang lalaking iniligtas nila noong nakaraang gabi at ngayon nag-uumpisa na ito. Mabait naman ang binata at mukhang magkakasundo si Boyet at Joemar. “Kuya, mamayang gabi ay ibibigay natin ang pera sa amo ni Joemar. Siyempre kasama siya bilang kabayaran,” wika ni Boyet habang nililinis nila ang kani-kanilang mga baril. “May kulang pa ba? I think hihingan tayo ng damage dahil sa nagawa nating casulaties sa kanilang mga katawan. Nagpa-doctor ang mga ‘yon lalo pa’t namaan

