Chapter 55: Ang Parti ng Isla NAKATINGIN lang si Denzel sa magandang tanawin ng reort. Sobrang ganda ng mga palm trees at landscape ng mga bulaklak sa resort nina Hezekiah at Jonito. Dagdagan pa ang sobrang linis at malawak na swimming pool. May mga naliligo ngunit kaunti lang iyon dahil mainit pa ang panahon. Ito ang kanyang unang araw ng trabaho at so far hindi naman mahirap ang mga gawain. More on mga paper works lang iyon ngunit nagpapasalamat na rin si Denzel dahil mayroon siyang mga ginawa dahil the last time nang maging sekretarya siya ni Hezekiah ay tanging trabaho niya lang ay taga-timpla ng kape! Ayaw niya ng ganoon kasi dumarami lang ang kanyang iisipin lalo pa’t nami-miss niya ang mga anak. “Are you okay?” biglang tanong ni Hezekiah. “Oo, pinagmamasdan ko lang ang magandang

