Chapter 36: Koneksyon ng Bawat Isa SOBRANG bilis na lumipas ang panahon at tila kahapon pa naganap ang lahat. Hindi inakala ni Hezekiah na aabot siya ng limang taong pananatili sa Bohol at sobrang daming nangyari sa limang taon na iyon. Lumago ang business nila ni Jonito na kung saan isa iyong world class resort. Bawat guest nila ay puro mayayaman at ang iba naman ay galing pa sa ibang bansa. Hindi niya inakala na mas gaganahan siyang manirahan sa isang payapa at magandang probinsiya. Aaminin niyang parang ayaw na niyang umalis sa Bohol ngunit may marami siyang kailangan na gawin dahil kasabay ng paglago ng kanilang Resort at biglang bumaba ang sales ng Aragon. Nakaapekto rito ang online reading platform na kung saan malaki ang inilalabas na pera ng kompanya para sa mga author ngunit an

