Chapter 43: Finale

3047 Words

Chloe's POV "Katapusan mo na." Nginisian nila kami na labis kong ikinairta. Binaling ko ang tingin ko sa opposite ko at nakita kong sobra ang inis niya dahil sa yabang na pinapakita ng dalawa. Ayokong kabahan pero nang makita ko ang hawak na palakol ng isa sa kanila, parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa. Kaya ba namin silang tapusin gamit lang ang baril na hawak ko, at punyal na hawak niya? Piling ko hindi. Hindi sa wala akong bilib sa sarili kong kakayahan ngunit para sakin kasi ay nakakalamang sila sakin dahil sa mga sandatang hawak nila. "Barilin mo sa ulo ang isa sa kanila," dinig kong bulong ng opposite ko. Nginisian ko siya bago ako tumango. Tama siya. Isa lang ang mapatay ko ay patay rin ang isa. Nakakonekta nga pala kami sa mga opposite namin. Muntikan ko na makalimutan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD