Chapter 18: Barbiecue

1130 Words
Thara's POV "TULONG! TULUNGAN NIYO KO!" Todo sigaw na ako habang nakakapit sa isang bintana sa ikatlong palapag ng paaralan namin matapos may tumulak sakin mula sa rooftop. Hindi ko nakita kung sino ang taong iyon ngunit naaninag kong nakapalda siya. Isa siyang babae. Napaisip tuloy ako kung may nakagalitan ba akong estudyante rito sa Marcelino University ngunit wala naman. Tahimik at masaya ang naging karanasan ko dito. Napalitan lang ito ng takot ngayon magmula nang sunod-sunod na mawala ang mga kaklase ko. Laking pasasalamat ko pa rin sa mga sandaling ito dahil nakaligtas ako sa tiyak na kamatayan. Lulang-lula na ako sa posisyon ko ngayon. Ang taas-taas. Pahina na ang braso ko dahil sa tansiya ko'y nasa lagpas labing limang minuto na akong ganito. Hindi ko na 'to kayang tagalan. Konting-konti na lang at mahuhulog na ako mula rito. Saklolo! "Guys... Nasaan na ba kayo?" Naiiyak kong sabi habang tinitignan ang braso ko. Mamamatay na ba ako? Shanna's POV "Ano ba! Nakita niyo ba si Thara?!" Pang-limang tanong ko na iyan kina Iñigo, Kei, Dorothy, at Ivanna habang abala silang nag-uusap tungkol sa magiging project namin sa gurong-tagapayo naming si Miss Laura. Pwede naman nilang tugunin ang tanong ko kung alam ba nila o hindi ngunit parang wala silang mga naririnig. Mga bingi. Hindi naman gaanong maingay ang paligid kaya bakit parang balewala lang sila? Iritang-irita na ako. Kanina ko pa sila tinatanong pero ni isang sagot mula sa kanila, wala akong natanggap. Kanina pa ako naloloka sa kaibigan kong si Thara. Nasaan na nga ba kasi ang bruhang iyon? Sasabunutan ko talaga siya kapag nakita ko siya. Pinag-aalala niya ako. Letche. Kinakabahan tuloy ako. Pakiramdam ko may nangyari na sa kanya na hindi maganda. Sa pagkakaalam ko kasi, nasa rooftop lamang siya. Ngunit nang sandaling pumunta ako doon ay wala naman siya. Naguguluhan na ako. Nasaan ka, Thara? Imbis na madagdagan pa ang inis ko, ay muli akong naghanap sa paligid. Baka sakaling makita ko siya. Kung saan-saan ako nagmasid. Kung saan-saan ako tumingin. Ngunit, bigo pa rin akong mahanap ang kaibigan. Pinagmasdan ko ang paaralan namin. Ang laki pala. Tumingin ako paitaas at nagimbal ako nang makakita ng isang estudyanteng nakahawak sa isang bintana sa ikatlong palapag ng paaralan. Mukhang pabitaw na ito sa hinahawakan. Hindi ko makita masyado kung sino siya ngunit tila nahihirapan na siya. Lumapit pa ako't tumingala upang tignan ang estudyanteng iyon. Si Thara! "TULONG! TULUNGAN NATIN SI THARA!" Natatarantang sigaw ko nang mapagtantong ang kaibigan kong si Thara ang nakikita ko. Nagulat ako nang magsilapit ang mga kaklase ko kanina na parang mga walang pakialam. Tinuro ko sa kanila kung anong nakita ko at gulat na gulat sila. "Si Thara nga!" Sigaw ni Dorothy. "Anong ginagawa niya?! Papaano ba siya napunta doon?!" Inis na tanong ni Ivanna. "Ba't ba siya naglalabitin doon? Nasisiraan na ba siya?" Sabi naman ni Kei. "Kailangan nating umakyat sa thied floor! Ngayon na! Dali!" Sigaw ni Iñigo sabay takbo papasok sa Marcelino University. Mabuti na lang at walang mga teacher ngayon dahil nasa laguna sila. Kaya walang sisita samin kahit na ang ingay-ingay namin paakyat ng mga palapag. Hintayin mo kami Thara... Ililigtas ka namin. Thara's POV "Saklolo! Iligtas niyo ko!" Sigaw ko habang nakahawak pa rin sa bintana. Alam kong papunta na ang mga kaklase ko at ang kaibigan kong si Shanna upang iligtas ako. Sigurado akong nakita nila ako. Nakilala nila ako. Salamat sa diyos dahil may magliligtas na rin sakin. Sumama bigla ang pakiramdam ko. Hindi ito maganda. May naririnig akong mga yabag mula sa loob ng klass kung saang bintana ako nakahawak sa mga sandaling ito. May tao. Napangiti ako. May tutulong na rin sakin sa wakas. "Himala. Buhay ka pang cheerleader ka." Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Ako ba ito? Kamukhang-kamukha ko siya. Sino ba siya? Bakit ang suot ko, ang lahat accesories ko, ang lahat-lahat sakin, meron rin siya? Natatakot ako sa kanya. Nanlilisik ang kanyang mga mata. Kahit hindi niya sabihin alam kong inis na inis siya. "Pakiusap... Tulungan mo ko," Pagmamakaawa ko sa kanya. "Tulungan mo mukha mo! Mamatay ka!" Bulyaw niya sakin at inirapan ako. Sumilip siya sa bintana at pinagmasdan ako. Napangiti siya. Nang mga sandaling iyon, tingin ko'y may gagawin siyang hindi maganda. Isang itak ang inilabas niya at nilapit niya ito sakin. Anong gagawin niya? Nanginginig na ang kamay ko sa sobrang takot. Pumikit ako't saglit na umusal ng dasal. Sa pagdilat ko ay nakita kong binubuwelo na niya ang dalawa niyang kamay. Nakalusot ito sa bintana habang sinisentro sa kamay ko. "Hindiii!!!" Sigaw ko nang sandaling putulin niya ang kamay kong nakahawak sa bintana. Dorothy's POV Napahinto kaming lima sa pag-akyat. Nasa ikalawang palapag palang kami. May nakita kaming parang tao sa bintana na bumagsak mula sa itaas. Nagkatinginan kami. Hindi kaya, si Thara iyon? Lumapit kami sa bintana sa hagdan upang matignan kung sino ang nahulog. Nanlambot ang mga tuhod namin nang makitang nakatusok na ang katawan ni Thara sa flagpole. "Hindi! Hindi ito maaari!" Sigaw ni Shanna sabay kumaripas ng takbo paibaba. "Bakit nangyayari sa atin 'to?! Ano bang kailangan niya satin?!" Umiiyak na ako habang nakatingin pa rin sa katawan ni Thara. Nakakabigla ang mga pangyayari. Sa isang iglap, wala na siya. Natatakot tuloy ako at baka ako na sunod na maging biktima. "Tahan na Dorothy. Huwag ka nang umiyak. Nandito lang ako sa tabi mo," sabi ni Inigo sakin at niyakap ako. Aaminin ko, medyo gumaan ang pakidamdam ko kaya naman hinayaan ko lang siya. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak sa balikat niya. Hindi ko na kinakaya itong mga nangyayari. Sunod-sunod na ang namamatay sa klase namin. Pakonti kami ng pakonti. Nang kumalas na ako sa pagkakayakap ni Iñigo, pinunasan ko na ang mga luha sa aking mga mata. Tinignan ko silang tatlo nina Ivanna. Malungkot rin sila dahil sa nangyari. Marami nang nawala sa klase namin. At ayaw na namin pang madagdagan iyon. "Kailangan nating mahanap ang Miss Laura na iyon," sabi ko kasabay ang pagtitig sa kanila. Tumango lang silang tatlo sa sinabi ko. Mukhang alam na nila kung anong naiisip ko. Shanna's POV Iyak lang ako ng iyak habang nakahawak sa flagpole kung saan nakatusok ang katawan ng kaibigan ko. Wala akong nagawa upang iligtas siya. Wala akong kwenta. Hinayaan ko lang siyang mamatay. Wala na siya. Paano na ako nito ngayon? Wala na nga si Sapphire, pati ba naman siya mawawala? Ayaw ko na ng ganito. Kung ganon lang rin naman, magpapakamatay na lang rin ako. "Hayop ka! Papatayin kita Miss Laura! Pagbabayaran mo 'to!" Sigaw ko bago ihagis ang mga pinulot kong bato. Hindi ako maaaring magkamali. Sigurado akong si Miss Laura ang may gawa nito sa kanya. Hayop talaga ang gurong iyon. Demonyo siya! Magbabayad siya! Natigilan ako sa paghagulgol nang maramdaman kong may humawak sa balikat ko. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Kinakabahan ako. Sino itong taong 'to? Dahan-dahan akong lumingon upang malaman ang kasagutan sa tanong ko. Napangiti ako nang makita ko na siya. Niyakap niya ako't yumakap rin ako sa kanya. "Salamat Clyde," bulong ko. May kakaiba sa kanya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD