Iñigo's POV Diininan ko pa ang sakal ng kandena sa leeg ni Shanna. Nakakapanggigil talaga ang mukha niya. Hanggang ngayo'y hindi pa rin mawala sa utak ko ang imahe niya kanina. Tuwang-tuwa habang sinasaksak si Hailey. Hindi ako makakapayag. Magbabayad siya sa kahayupang ginawa niya sa kababata ko. Sisingilin ko na siya ngayon. "Bakit mo ginawa sa kanya ang bagay na 'yon?! Ha?!" Pinandilatan ko siya ng mata. Nilakasan ko ang boses ko para matakot siya. Kailangan niyang matakot sakin. Mas magiging madali kung mapapaniwala ko siyang matapang ako at gusto ko siyang patayin agad. Kahit na ang totoo'y nag-aalangan ako dahil babae siya. Ewan ko ba. Nahihirapan ako pagdating sa kanya. "T-tapos k-ka na ba?" Nagulat ako sa pagngising ginawa niya. Isang saksak ang ginawa niya sa opposite ko sa ba

