Chapter 15: Felon

2368 Words
Sapphire's POV Matapos kong manggaling sa kusina upang uminom ng malamig na tubig ay umakyat na ako agad pabalik sa kwarto ko. Gusto ko nang magpahinga dahil kanina ko pa nararamdaman na tila ba nanghihina ang katawan ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito. Nagtataka ako kanina pa. Wala naman akong ginawang mabigat na gawain. Pakiramdam ko ngayon may nakadagan sakin. Kakaiba. "Saan ko ba nailagay yon?" Nilibot ko ng tingin ang kwarto ko. Hindi ko talaga mahanap kung saan ko nailagay ang suklay kong hello kitty. Nakakainis. Kailangan kong magsuklay bago matulog. Para matutulog ako ng maganda, gigising ako ng maganda. Napangiti ako nang mahanap ko na ito. Nasa ilalim lang pala ng kama ko. Pambihira. Paano napunta 'to doon? Psh. Bwisit. Nagiging burara na ako. Parang hindi na ako yung Sapphire na maingat sa mga gamit. Halos lahat ng gamit ko, nakakalimutan ko na kung saan ko nailagay. Nakakainis. Tumayo ako sa harap ng malaking salamin na nasa gilid ng kama ko. Sinuklayan ko ang buhok kong napaka-ganda. Hindi pa ako nakuntento at matapos nito'y nagpulbos naman ako. Grabe ang ganda ko talaga. Isa ito sa mga dahilan kaya maraming nagkakagusto saking mga lalaki. Kaya lang, wala akong time sa lovelife. Mas priority ko maging single at magflirt. Mas masaya kasi. Exciting pa. Kung sino-sino ang nakikilala ko. "Bongga!" Ngumiti ako habang nakatingin pa rin sa salamin. Tinago ko muna ang suklay at pulbos na ginamit ko bago pagod na pagod na nahiga sa asul kong kama habang katabi ang paborito kong teddy bear. "Goodnight." Nagkumot na ako at pumikit. Maging mahimbing sana ang tulog ko. Miss Laura's POV Nakatingin na naman ako sa mga koleksyon ko ng opposite. Namimili kung sino ang sunod konh tatapusin. Ayaw ko ng maraming kalahok para sa larong inimbento ko. Bilang ko lang ang mga kasali. Napili ko na sila. Kaya hangga't maaga pa, babawasan ko na sila. Nagdadalawang isip nga ako ngayon kung ang maldita at pakialamera ba na si Lucy ang uunahin ko o si Sapphire. "Sino kaya?" Nakangisi kong sabi. Nang sandaling makapili na ako, dali-dali kong kinuha ang garapon nito. "Mukhang ikaw na muna ang uunahin ko. Dahil may naiisip na akong maganda ideya kung papaano mawawala sa landas ko ang pakialamerang Lucy Heirls na iyon," Nakangising sabi ko habang hawak-hawak ang garapon ng opposite ng estuydante kong si Sapphire. Ngumiti lamang ako saglit bago ko binuksan ang garapon. "Ano pong kailangan niyo sakin?" Bungad nito agad sakin nang sandaling maging tao na ito mula sa pagiging itim na usok. Sa unang tingin, mukhang wala namang pagkakaiba ang Sapphire na ito sa tunay na Sapphire. Ngunit, diyan kayo nagkakamali. Dahil, napaka-raming pinagkaiba nito doon sa tunay na Sapphire. Una na rito ay ang kislap sa mga mata nito. Tila ba, mayroong itong itinatagong galit, poot na gusto niyang mailabas. Ikalawa, ay ang mga ginagawa nitong pagngisi. Tila ba nagpapahiwatig ito na siya ang pinaka-magaling o pinaka-mahusay sa lahat ng mga bagay. At ikatlo, ay ang mga kilos nito. Napaka-misteryoso. Hindi mo mawawari sa kanya kung ano ang iniisip niya at kung ano ang binabalak niyang gawin. Dahil magaling siyang magtago ng mga bagay-bagay na may kinalaman sa kanya at sa mga bagay na gagawin niya. Hindi tulad ng tunay na Sapphire na madaling mabasa ang mga galaw at nararamdaman. "Hindi ba't galit ka sa pamilya mo?" Tanong ko rito na sinabayan ng pagngiti. Alam ko na ang tunay na Sapphire ay mapagmapahal sa pamilya. Kaya, nasisiguro ko na ang opposite na ito ni Sapphire ay galit naman sa pamilya niya. Mukhang magiging masaya ang gabing ito. "Oo! Galit na galit ako!" Sagot nito at hinampas ang maliit na lamesa. "Gusto ko silang patayin! Gusto ko silang pahirapan! At gusto ko silang nakikitang nagmamakaawa sakin!" Dagdag pa nito. "Kung yan ang gusto mo... edi gawin mo. Nang sa gayon, ay mawala na sila sa landas mo. Patayin mo ang walang kwenta mong pamilya. Yang pamilya mo na walang pakialam sa'yo. Yang pamilya mo na hindi ka minahal. At yang pamilya mo na walang ibang inintindi kungdi ang nakatatanda mong kapatid na si Sabrina." Nginisian lamang niya ako saglit pagkatapos ay naging itim na usok na muli siya. Alam ko na kung saan ang tungo niya. Sa bahay ng orihinal na Sapphire. Napahalakhak ako. Tuwang-tuwa talaga ako sa tuwing pinaglalaruan ko sila. Isa na naman ang mawawala sa gabing ito. Third Person's POV Hindi makatulog ang batang si Nichole. Bumangon siya't sumilip sa bintana ng kanyang silid upang pagmasdan ang kabilugan ng buwan. Nang makakita siya ng itim na usok sa may hardin ng bahay nila. Palihim siyang lumabas ng bahay nila dahil nasisiguro niyang pagagalitan siya oras na mahuli siya. Kinakabahan siya sa bawat paghakbang. Natatakot siya. Nang marating niya ang hardin ay laking gulat niya sa kanyang nakita. Walang itim na usok. Ang ate niyang si Sapphire ang nandoon. Ngunit isang malaking kalokohan iyon. Hindi talaga ito ang ate niya. Isa lamang itong opposite. Dahil ang totoong ate Sapphire niya ay mahimbing nang natutulog sa kwarto nito. "Hi Nichole." Napangiti siya. "Hi Ate Sapphire. Bakit nandito po kayo sa labas? Hindi po ba kayo natatakot sa multo?" Tanong niya rito. "Hindi. Hindi ako natatakot sa multo. Sa katunayan... ako ang dapat nilang katakutan. Gusto mo ba malaman kung bakit?" "Opo. Gusto ko pong malaman," nasasabik na sagot niya habang patalon-talon pa. Hindi niya napansing ngumisi ito. May ibinigay ito na kulay puti na mukhang candy sa kanya. "Kainin mo yan Nichole. Kung gusto mong malaman kung bakit ako ang dapat katakutan ng mga multo ," Sabi nito sa kanya kasabay ang isang ngiti. Ngiti na nagpakaba sa kanya. Dahan-dahan niyang isinubo sa kanyang bibig ang kulay puti na mukhang candy na iyon. Nang nasa bibig na niya ito, hindi niya maipaliwanag ang lasa. Kakaiba. Hindi ito gaya ng mga candy na kinakain niya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang sandaling bumula ang bibig niya. Nalason siya. "Ate... tulong..." Unti-unting nanghihina ang katawan niya. Patuloy pa rin sa pagbula ang bibig niya. Nginisian siya nito nang sandaling matumba siya. Doon niya lang napagtanto na hindi ito ang totoong ate niya. Impostor ito. Iyon ang naiisip niya. Hahawakan sana niya ito sa binti. Ngunit bago pa man niya magawa iyon ay nalagutan na siya ng hininga. "Kawawang bata.." Malademonyo itong tumawa bago naging isang itim na usok muli. Handa na ito sa sunod nitong biktima. -----××----- May napansin si Mrs. Spencer na lumabas sa likod ng bahay nila. Hindi na niya ito pinansin pa dahil sigurado naman siyang nasa kwarto na ang kanyang tatlong anak at mahimbing na na natutulog. Tinapos lang niya ang tinimpla niyang juice bago niya binitbit ito at umakyat na sa kwarto nilang mag-asawa. "Honey." Ngumiti ito sa kanya. Ipinatong niya ang basong may lamang juice sa maliit na lamesang nasa tabi ng kama nila. "Thanks honey." Hinalikan siya nito sa pisngi na labis niyang ikinatuwa. Mahal na mahal talaga nila ang isa't-isa. "You're always welcome, honey," sabi naman niya sabay halik naman ng napaka-bilis sa labi nito. Kinindatan siya bigla ng kanyang asawa dahil sa ginawa niyang iyon. Nagkatitigan silang dalawa. Magro-romansa na sana sila nang biglang may magbukas ng pinto ng kwarto nila. Ang kanilang pangalawang anak na babae. Si Sapphire. Ngunit, hindi nila alam, na opposite lamang ito ng kanilang anak. Kaya, kinakailangan nila na mag-ingat. Dahil may binabalak ito na hindi maganda sa kanilang dalawa na mag-asawa. "Sweetheart... Anong problema? Bakit hindi ka pa natutulog? Gabi na. May pasok pa kayo bukas," sabi niya rito. "Honey... Ano yang hawak-hawak mo?" Tanong ng kanyang asawa. Tiningnan nilang maigi ang hawak ng kanilang impostor na anak. Laking gulat nila nang malamang, isa itong malaking palakol. Mukhang para ito sa kanilang dalawa. Kinilabutan sila sa kanilang mga kinauupuan at napakapit sila sa isa't-isa. "S-sweetheart... B-bakit ka may hawak na palakol?" Kinakabahan at takot na takot na tanong niya. "Honey... mukhang hindi siya ang anak natin... Hindi ganyan si Sapphire," sabi ng kanyang asawa. Nginisian lamang sila nito saglit pagkatapos ay nagsimula na itong humakbang papalapit sa kama nila. Nagsimula na rin sa pagbilis ang t***k ng puso nilang dalawa. Hindi nila maigalaw ang kanilang katawan. Hindi sila makatakbo o makasigaw. Nababatid nilang oras na gawin nila iyon, ay may gagawing hindi maganda sa kanila ang impostor na ito na nanggagaya sa kanilang anak. "Huwag anak... Maawa ka sakin... Wag mo kong patayin..." Pagmamakaawa niya habang nakapuwesto na sa leeg niya ang palakol. Nginisian lamang sila nito. "Maawa? Kayo ba naawa sakin? Eh ni hindi niyo nga ako pinapansin eh. Parating na kay Ate Sabrina ang atensyon ninyong dalawa ni Papa. Nakakainggit. Nakakainis. Dahil ni minsan... hindi niyo ipinaramdam sa akin na mahal niyo ko. Puro sakit at hinagpis ang ipinaramdam niyo sakin. Walang pagmamahal. Tapos ngayon sinasabi mo, maawa ako sayo? Manigas ka! Hindi ako maaawa! Papatayin ko kayong lahat! Lahat kayo! At wala akong ititira kahit na isa!" "Sapphire... Anak... Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi totoo yan! Laging na sa'yo lang ang atensyon namin ng mama mo! Ikaw lang ang mahal namin! Wala nang iba! Dahil ikaw lang naman ang anak namin. Sina Sabrina at Nichole... mga ampon lang namin silang dalawa ng mama mo. Diba honey?" "Manahimik ka! Hindi ko kailangan ng opinyon mo! Akala niyo siguro maloloko niyo ko?! Pwes, nagkakamali ka! Mamamatay kayong dalawa! Sinisiguro ko yan! Mga wala kayong kwenta!" Galit na galit na sabi nito. Napapikit nalang siya. "Mukhang handa ka na. Pwes, sisimulan ko na," rinig niyang sabi nito. Naramdaman na lang niya na may bumaon sa leeg niya. Pinugutan na pala siya ng ulo. Mabilis na kumalat ang dugo sa buo niyang katawan. Maging sa puting-puti nilang kama na ngayon ay may bahid na ng dugo. Tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng sariwang dugo mula sa leeg niya. Takot na takot si Mr. Spencer habang pinagmamasdan niya ang kalunos-lunos na kalagayan ng kanyang kabiyak. Hindi niya alam kung anong gagawin. Natatakot pa rin siyang kumilos. Batid na niyang hindi ito ang anak nila. Subalit wala siyang ideya kung sino talaga ito. Litong-lito siya at tarantang-tatanta. Gusto niyang tumakbo para makatakas ngunit tila nakadikit na siya sa kanyang pwesto. "Ngayon, ikaw naman..." Napalunok na lang siya. Wala na siyang magagawa. Ito na ang katapusan niya. Dito na magtatapos ang buhay niya. Magtatapos sa kamay ng impostor nilang anak. Pumuwesto ito sa likuran niya. Naramdaman niya na ipinatong nito ang palakol sa likod niya. Napalunok na naman siya. Nalalapit na ang katapusan niya. Malapit na malapit na. "Any last words?" Sabi pa nito sa kanya. Bumuntong hininga siya. "Hindi ikaw ang anak ko." Hanggang sa naramdaman nalang niyang may bumaon sa likuran niya. 'Yon pala'y hinati na ang kanyang katawan sa dalawa. "Isusunod.na kita, ate Sabrina." Sapphire's POV Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla akong nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog. Hindi maganda ang pakiramdam ko. Pakiramdam ko, may nangyayari ngayon na hindi maganda sa loob ng bahay namin. Bumilis sa pagtibok ang puso ko. Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga pagkatapos ay dali-daling tumakbo papunta sa kwarto nila mama't papa. Nanlaki ang aking mga mata nang bumungad sa akin ang karumal-dumal na kalagayan nilang dalawa. Hindi ko batid kung sino ang may gawa nito. Napaka-lupit. Isang demonyo ang may gawa nito. Ngunit sino siya?! Papatayin ko siya! Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naiyak na ako habang lumalakad papalapit sa bangkay ng aking ama't ina. Tuloy-tuloy sa pagtulo ang luha sa aking mga mata. Hindi ko inaasahang mangyayari 'to. Nakatulog lang ako, pinasok na kami agad ng kriminal. Sino siya?! Pagkatapos kong ipagluksa ang pagkamatay nila'y pinunasan ko na agad ang luha sa mga mata ko. Kailangan ko maging matatag. Kailangan kong maging matapang. Kailangan kong patayin kung sinoman ang nasa likod nito. Palabas pa lang ako ng silid nang saktong makarinig ako ng isang malakas na pagsigaw. Hindi ako maaaring magkamali. Boses iyon ng ate ko. Nasa panganib siya! "Si ate!" Nag-aalala kong sabi bago pinuntahan ang kwarto ng ate ko. Pagbukas ko ng pinto, ay bumungad sa akin ang isang taong kamukhang-kamukha ko. Napatakip ako sa aking bibig nang makitang pinaghihiwa niya ang tiyan ng ate ko. Pinaglalaruan niya ang mga lamang-loob. Ngiting demonyo ang nakikita ko sa kanya. "Itigil mo yan!" Isang malakas na pagsigaw ang ginawa ko para matigil na siya. Nagtagumpay ako dahil nalipat na sakin ngayon ang atensyon niya. Nginisian niya ako. Napaatras ako bigla. Bakit magkamukha kaming dalawa? Napaatras na naman ako nang humakbang na siya palapit sakin. Natatakot ako sa kanya. Isa siyang demonyo. Magkaiba kami. Hindi ko kayang gawin ang kalupitang ginawa niya. Mas masahol pa siya sa mga napapanood ko sa tv. Isa siyang halimaw! Tumakbo ako palabas ng kwarto. Kailangan kong magtago. Ngunit saan? Malaki nga ang bahay namin subalit walang pumapasok sa utak ko kung saan ang maaari kong pagtaguan. Natataranta na ako. Ano nang sunod kong gagawin kapag nakita niya ko? "Wag ka nang magtago! Makikita at makikita rin kita!" Dinig kong sigaw nya. Pababa na ako ngayon ng unang palapag ng bahay namin. May naisip na ako. Sa kusina nalang ako magtatago. May mga gamit pa doon na maaari kong magamit. Tama. Ang galing ng naisip ko. "Nasaan ka na? Magpakita ka na sakin," sabi pa niya ngunit sa malambing na tono. Nagmasid-masid ako sa paligid. Naghahanap ng pe-pwede kong gamitin upang patayin siya. Kailangan nang matigil ang kawalanghiyaan niya. Ginagawa niya akong masama sa mata ng iba. Sumusobra na siya! May nakita ako na isang kutislyo na nakalapag sa may dulo ng lamesa. Akmang lalapit na sana ako upang kuhain iyon nang bigla naman niya itong kuhain at ihagis sa sangkalan na nakasabit malapit sa pinagtataguan ko. Paano na ako nito ngayon? Wala na akong ibang mahanap pa na pe-pwedeng maipang-patay sa kanya maliban sa isang stick na nakita ko sa tabi ko. Natatandaan ko ito. Ito yung stick na tinapon ko habang kumakain kami dito ng hapunan kanina. Magagamit ko ito. Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa kanya. Mabuti na lamang at nakatalikod siya sakin. Pagkakataon ko na ito. Hindi na ako mag-aaksaya pa ng oras. Nang sandaling malapitan ko siya'y agad kong isinaksak sa gilid ng kanyang ulo ang hawak kong stick. Naibaon ko ito. Nagtagumpay ako. Ngunit bakit ganito? Tila ba may sumaksak rin maging sa gilid ng ulo ko? Ramdam kong umagos ang masagang dugo. Unti-unting nanghina ang katawan ko. Hanggang sa sabay kaming bumagsak sa sahig. Nandilim ang paningin ko. Katapusan ko na. Miss Laura's POV Bumagsak ang garapon na pinagkukulungan ng opposite ni Sapphire. Ibig sabihin lang nito ay patay na siya. Napangisi naman ako bigla dahil doon. Tatlo agad ang napaslang ko sa isang gabi. Hindi maipaliwanag ang sayang nadarama ko. Hangang-hanga ako sa kademonyohang aking ginawa. "Sino-sino pa kaya ang isusunod ko?" Lumakad ako sa harapan ng salamin kasabay ang isang nakakapangilabot na pagtawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD